WALA KANG KWENTA

901 Words
“grabe ang swerte naman niya” narinig kong anas ng isang estudyante “sana all na lang.” tinig ng isang binabae ang nagsalita. “ang haba naman ng hair ni Isabella” malakas na hiyaw ng isang kapwa ko graduate. Napuno ng tilian ang buong auditorium ng bigla ako nitong akbayan na parang niyayakap. Samantala hindi ko naman alam ang aking mararamdaman sa mga oras na ito. Uunahin ko ba ang hiya ko o uunahin ko ang kilig ko. Oh, my goodness. This is too much! “Congratulations.” He said huskily. Nang-aakit ba ito? Bakit kailangan niya pa akong bulungan sa aking tainga? Mas lalo namang nagtaasan ang balahibo ko ng walang babala nitong dilaan ang aking earlobe. Kadiri naman to. Anas ko sa aking isipan at mabilis na kumalas sa mga bisig niya. Inayos ko ang aking sarili at ngumiti sa camera bago bumaba sa stage. Makalipas ang ilang oras ay natapos din ang graduation ceremony. Kasalukuyan kaming nandito ngayon sa isang restaurant dahil nagpasya ang mga medicine graduates na magcelebrate dito sa isang high-end restaurant. Total wala naman akong kasama dahil may kanya kanyang lakad sina Jenny at Enrica. Graduation din kasi nila ngayon sa school nila. Nakatitiyak akong magkakasama sila ng mga pamilya nila. Hindi naman kami nagtagal sa restaurant na ito. Nagpasiya na lamang akong pumunta sa aking sariling unit upang doon muna magpahinga. Total naman ay wala sina Enrica ngayon. Nakatanggap kasi ako ng mensahe dito na lilipad sila ngayong araw din patungo sa Europe at si Jenny naman ay tutungo sa Milan kasama ng kanyang pamilya. At ako? Heto nag-iisa sa aking unit. Since wala akong magawa ay nagbrowse na lamang ako sa aking faithbook. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay makikita ko ang larawan ng mga taong makakapal ang mukha. Dahil sa labis na inis ko ay nag angry react ako sa mismong larawan nila. Napabalikwas ako ng bangon ng marealize kong dapat hindi lamang ako ang nasisira ang araw ngayon. Kaya naman ay mabilis akong nagshower at nagbihis. Nagsuot lamang ako ng maiksing shorts at vest. Hindi ko naman na kailangan pang mag-ayos dahil sa bahay naming ako pupunta. Ipinusod ko lamang aking buhok. Maganda pa rin naman ako. Mabilis kong tinungo ang parking area. Agad kong pinaharurot ang sasakyan. Makalipas ang ilang sandali ay nakarating ako sa tapat ng aming bahay. Mukhang nagkakasiyahan ang lahat ha. Anong meron? Walang sabi sabing binangga ko ang gate naming kung kaya’t lahat ng nandirito ay napatigil sa kanilang ginagawa at gulat na napatingin sa aking sasakyan na mabilis ang andar. Kanya-kanya namang iwas ang lahat dahil ayaw nilang matamaan ng aking sasakyan. “sige! Ituloy niyo lamang ang inyong pagkain. Pasensiya na kayo at nag GATE CRASH ako sa party ninyo!” malakas na turan ko. Mahahalata sa aking boses ang pagkadismaya. Punong puno rin ako ng poot. Nakita ko naman ang magaling kong ama na galit nag alit na nakatingin sa akin. Para bang ano mang oras masasaktan ako nito. Hindi ko na iyon hahayaan pang mangyari ulit. “Anong ginagawa mo dito? Hindi ka invited sa party ko!” malakas na hiyaw ni Dorina, ang anak ng aking madrasta. Malakas naman akong napatawa sa inasta nito. Sino ba ito sa inaakala niya? “Anong ginagawa ko dito? Hah! Ano sa tingin mo ang GINAGAWA NG TUNAY na may ari ng bahay na kinatatayuan mo ngayon” anas ko dito sabay hablot ng hawak nitong wine. Inisang lagok ko lamang ito at mapang uyam na tinignan ang aking kinakapatid. “Dad! Do something!” anas nito sa aking walang kwentang ama. Mabilis namang lumapit ang aking ama sa aming kinaroroonan ngunit mabilis kong inilabas ang aking baril mula sa aking likuran. Gugulatin ko lamang sila. Napansin ko namang nakaamba ang mga armas ng mga tauhan ng aking ama. Ngunit wala akong paki alam dito. “heh! Manahimik ka kung ayaw mong pasabugin ko iyang bungo mo!” galit na anas ko dito. Napansin ko naman ang takot nito dahil sa panginginig ng kanyang mga kamay. “Isabella! Anong Karapatan mong hamakin ang aking anak. Kung tutuusin ay ikaw ang sampid sa pamilyang ito?! Hindi mo ba napapansin na isinusuka ka na ng kinikilala mong ama?!” Mabilis na bumaling ang aking atensiyon sa taong nagsalita, walang iba kundi ang aking madrasta. Si Imelda. Malakas naman akong napatawa sa mga tinuran nito. Nababaliw na bai to? Kinikilalang ama? “Anong ibig mong sabihin?!” nanggagalaiting anas ko dito at itinutok ko ang aking baril sa ulo nito. Nakita ko naman kung paanong malalim na lumunok ito. Waring takot na takot sa aking inaasta ngayon. “Bakit hindi mo pa sabihin Alehandro ng magtigil na iyang anak anakan mo sa kahibangan niya!” galit na anas ng aking magaling na madrasta. “Tama ang sinabi ng iyong tita Imelda. Hindi kita tunay na anak! Isa kang malaking sumpa sa pamilyang ito! Isa kang WALANG KWENTA” malakas na anas ng aking ama. Dahil sa kanyang tinuran unti unting nagsipatakan ang mga luha sa aking mga mata. Napasinghap naman ang mga panauhin sa kanilang mga narinig. Sunod sunod na putok ng baril ang aking ginawa sa ere at walang babalang itinutok ito sa aking amain. Hindi ko malilimutan ang ginawa nito sa aking ina. Saksi ang aking mga mata nang walang awa nitong inihulog sa hagdan ang aking ina kung kaya’t nawalan ito ng buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD