“Alehandro, tama na please! Maawa ka. Hindi ko alam ang nangyari sa akin dahil pinainom ako ng juice na may halong pampatulog. Hindi ko alam na tatraydurin ako ng sarili kong kaibigan. Nagising na lamang akong katabi ko sa kama ang ibang lalaki. Ngunit walang nangyari sa amin. Maniwala ka, Alehandro!” nagmamakaawang anas ng aking ina. Labis akong naaawa sa aking ina dahil putok na ang labi nito dahil sa pambubogbog ng aking ama. Malakas akong pumalahaw ng iyak ng walang babala nitong sinuntok sa sikmura ang aking ina dahilan kaya sumuka ito ng dugo. Labis akong naaawa dito. Pero wala akong magawa dahil hawak hawak ako ng dalawang tauhan ni daddy.
“Anak mo si Isabella. Maniwala ka sa akin Alehandro! Huwag mong paniwalaan si Imelda dahil ginagamit ka lamang niya. Ginagamit ka lang niya Alehandro! Ah! T-tama na!” malakas na hiyaw ng aking ina. Ramdam ko ang bawat sakit na nararamdaman nito. Parang winawasak ang aking puso sa aking mga nasasaksihan. Wala akong magawa kundi umiyak ng umiyak.
“Mommy! Daddy! T-tama na poooo. M-maawa k-ka k-kay mommy!” anas ko sa akin ama. Ngunit tinignan lamang ako nito. Nanlilisik ang mga mata nitong napatingin sa akin. Takot na takot ako sa hitsura ng aking daddy. Ibang iba siya ngayon. Natatakot ako sa kanya.
“Baby, close your eyes. It’s okay. Mommy is fine. Just close your eyes anak. I love you! Mommy loves you so much” anas ng aking ina. Nagawa pa nitong buuhin ang kanyang mga salita kahit nahihirapan na ito. I am only 4 years old.
Isang malakas na kalabog ang aking narinig. I opened my eyes and ran towards my mom.
“Mooooooommmmmmyyyyy!!!!!” malakas na hiyaw ko dahil ang aking ina ay nasa ibaba na ng hagdan. Inihulog siya ng aking ama. She’s bleeding.
Ngunit nagawa pa nitong sambitin ang mga katagang “I love you, anak”
“Bad ka daddy, bad ka!” anas ko sa aking ama. Ngunit itinulak lamang ako nito dahilan ng aking pagbagsak sa sahig. Malakas akong humiyaw.
End of flashback.
Malakas akong napatawa ng sabihin nitong hindi ako nito tunay na anak. Tama nga ang sabi nila nakakabulag ang pag-ibig! Mabilis kong kinalabit ang gatilyo ng baril at walang habas kong binaril sa braso ang aking ama. Kulang pa iyan sa ginawa niyang pagkitil sa buhay ng aking ina. Isang putok pa ng baril ang aking ginawa at pinatamaan ko naman ang hita ng aking higad na madrasta at isang putok ng baril naman para sa aking kinakapatid. Pinatamaan ko lamang ito sa kanyang braso.
“Subukan ninyong bunutin ang mga baril ninyo, hindi ako magdadalawang isip na patayin kayo!” mariing anas ko sa mga tauhan ng aking ama. Nakikita ko rin ang takot sa mga mata ng mga panauhin. Inilibot ko naman ang aking paningin sa paligid. Ngunit sa di inaasahan, ay nakita ng dalawang mga mata ko ang lalaking bumihag ng puso ko. Ano ba yan. Matama itong nakatingin sa akin habang may hawak hawak na kopita ng alak. Nakangisi itong nanonood sa mala-teleseryeng naming drama. Dahil nasira na ang araw ko ay lulubusin ko na. Pilya akong napangiti dito.
Wala naman sigurong mawawala sa aking gagawin. Malalaki ang mga hakbang kong lumapit dito ngunit bigla akong hinarangan ng mga wari ko’y mga tauhan nito. Ngunt isang kumpas lamang ng kamay nito ay dali daling tumalima ang mga ito. Mabilis naman akong nakalapit sa lalaki at walang sabi sabi kong kinabig ang batok nito at mabilis kong pinaglapat ang aming mga labi.
Naramdaman ko pa ang gulat sa labi nito na kalaunan ay nakabawi din. Nang akmang gagantihan ako nito ng halik ay mabilis akong lumayo rito. Ngunit bago umalis ay may naisip akong kalokohan. Hinawakan ko ang kanyang p*********i. Oh s**t, he’s huge!
Napansin ko namang biglang tumigas ito at parang mas lalo yatang lumaki. Kaya wala na akong sinayang na oras at mabibilis ang mga lakad ko palayo sa kanya. Lakad at takbo ang aking ginawa marating lamang ang aking sasakyan. Halos lahat ng taong madaanan ko ay nagpapagilid. Napansin ko rin ang mga medic dito sa aming bahay.
Pasalamat kayo at binuhay ko pa kayo! Anas ko sa aking isipan at mabilis na pinasibad ang aking sasakyan dahil hinahabol na ako ng mga tauhan ng lalaking iyon.
Naisipan ko munang dumaan sa isang flower shop dahil balak kong bisitahin ang aking ina. Nang mamatay ang aking ina ay wala man lang ni anino ng aking ama ang dumalaw sa bangkay nito. At wala man lang ni isang pulis ang dumampot dito. Ganun na ba silang nabayaran ng aking ama upang huwag siyang hulihin o ganun na lamang ba ang takot ng lahat ng saksi noong araw na iyon na huwag magtestify laban sa aking ama?
Nakakatawa mang isipin, ngunit totoo ngang nababayaran ang batas. Kung maibabalik ko lamang ang panahon, sana ako ang nagpakulong sa aking ama. Ngunit sino nga ba ang maniniwala sa batang paslit na ni minsan ay hindi itinuring na kadugo ng sarili kong ama. Ngunit nagpapasalamat pa rin ako dito dahil hindi niya sinira ang buhay ko. Pinag-aral niya pa rin ako ngunit hindi pa rin iyon sapat na dahilan upang patawarin siya.
I can still live the life I wanted.
Napili ko ang mga puting rosas at nagpalagay din ako ng mga dandelions dahil iyon ang paborito ng aking yumaong ina.
Inamoy ko muna ang mga bulaklak bago ko ito binayaran. It feels like my mom feels my sorrow.