I WISH YOU WERE HERE

843 Words
“Hi, mom.” I greeted her with a smile on my face. I sat down the grave and gently caressed the concrete covering as if it’s her I am touching. “How’s everything going?” naluluhang anas ko dito. Napakatahimik ng lugar at batid kong walang ibang dumadalaw dito kundi ako lamang. “Mom, I wish you were here. I-I miss you mom” mangiyak ngiyak kong anas dito. “I shot dad. That was satisfying mom. Oh, when I looked at him, he was so scared when I shot him. He was so surprised. I like it when he’s hurt. What do you think mom?” I told her confidently and was so proud of my little achievement. Ngunit biglang bumuhos ang malakas na ulan. Natawang pinakiramdaman ko ang ulan. I stood up at tumingala sa kalangitan. Pinapakiramdaman ang bawat patak ng ulan. I closed my eyes and turned around and around. Pakiramdam ko hindi sumang ayon ang aking ina sa aking ginawa. Ngunit ako ay natutuwa and I felt relieved dahil kahit papaano nakapag higanti ako. But that’s not the end of it. I want to see him suffer, but how? Ipinagpatuloy ko lamang ang aking ginagawa. Nag eenjoy ako sa buhos ng ulan. I grabbed my gun. May ilang bala pa ang natitira dito dahil tatlo lamang ang nagamit ko kanina. With my eyes closed, I pulled the trigger up. Hanggang sa maubos ang lahat ng bala nito. And danced crazily. Ngunit bigla akong nahinto sa pag-sayaw ng biglang may mabangga ako. I slowly opened my eyes and to my surprise I saw my father’s right hand. “so, naparito ka ba para kuhanin ako at pahirapan sa bartolina?” mapang uyam na anas ko dito. I grabbed his hand and forced him to dance with me. “sumayaw muna tayo, mag-enjoy muna tayo bago ninyo ako pahirapan” Natatawang anas ko dito. Ngunit nag-igting lamang ang mga panga nito at seryosong nakatingin sa akin. “Pasensiya kana, Isabella. Ngunit kailangan mo ng sumama sa amin. Naghihintay na ang iyong ama” anas nito sa akin sa malungkot na tinig. Batid kong alam nito ang gagawin sa akin ng aking ama. Kahit gustuhin man nito na tulungan ako ay hindi nito magawa dahil malalagay sa alanganin ang kanyang pamilya. May sakit pa naman ang anak nito. Marahas akong napabuntong hininga ng sumang ayon dito. Iniabot ko dito ang aking baril at kusang sumama dito. “Kamusta na si Anda?” tanong ko dito. Mabilis naman siyang sumulyap sa akin habang nagmamaneho. Palihim kasi akong tumutulong sa lahat ng gastusin ng kanyang anak para sa pagpapagamot nito. “M-maayos naman siya, ma’am. Maraming salamat sa lahat ng tulong ninyo. Ngunit patawad dahil wala akong magawa upang tulungan kayo” anas nito sa malungkot na tinig. Naiintindihan ko naman ito. Dahil isang pitik lamang ng aking ama, mamamatay ang lahat ng kanyang pamilya. “sus, ayos lang iyon. Bili na lang muna tayo ng pampamanhid” anas ko. Agad naman ako nitong sinang ayunan. Ramdam ko ang bigat ng atmospera sa loob ng sasakyan. Dahil biglang natahimik ang nandito. “kayo ha. Ayusin niyo naman ang pagpapalibing sa akin ha” anas ko sa iba pang kasamahan ni Lito, ang kanang kamay ng aking ama. Lahat sila ay mga nakatungo. Ni ayaw tumingin sa akin. Wari kong nahihiya ang mga ito at nalulungkot dahil wala silang magawa upang tulungan ako. Ano pa nga bang bago? I am always used to it and it’s fine. Hindi naman ako natatakot dahil gaya nga ng sabi ko, I am used to it. So, it’s fine with me. I’m okay with it. I’m alright. Hindi naman nagtagal ay nakarating na kami sa aming bahay. Dumiretso kami sa bartolina. They tied my hands with a rope. Nakatayo ako while my hands are tied hanging in the air. Napakaduwag ng aking ama. Kailangan pa akong itali. Tsk. They left me hanging with no lights on. Everything is pitch black. I just closed my eyes and rested my head on my shoulder. Hanggang sa… “ahhhhhhh! s**t!!!” mariing anas ko dahil bigla akong kinuryente sa aking likuran. Pakiramdam ko ay nawasak ang aking likod sa sobrang sakit. “hahaha, iyan lang ba ang kaya mo?!” malakas kong hiyaw dito. Bagama’t hindi ko ito nakikita ngunit nararamdaman ko kung nasaan ang taong iyon. “ahhhhh!!!! inutusan ka pa talaga ng aking ama para saktan ako!!!! wala kang kwenta. Ahhhh--hayup!” malakas na hiyaw ko dito dahil bigla akong nilatigo sa aking likuran. Pakiramdam ko ay nahihiwa ng ang aking likod. “ahhh. Mmm…mmm..!!!” pigil ko sa aking bunganga na humiyaw dahil nakatitiyak akong naririnig ng aking ama ang aking mga daing. Kailangan kong maging malakas at huwag panghinaan ng loob. Mga latay lamang ito sa aking katawan. Kaya kong tiisin ito. Ilang hampas pa ang iginawad sa aking likuran. Pero nanatili pa rin akong nakatayo. Hindi ang tulad nito ang magpapaluhod sa akin. Kahit nanginginig na ang aking kalamnan ay tinitiyak kong hindi ako mapapaluhod nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD