KINAGAT ni Yssabelle ang ibabang labi habang sinasalubong niya ang malamlam na ekspresyon ng mukha ni Trent habang nakatitig sa kanya. "Yssabelle," sambit nitong muli sa pangalan niya, mababakas sa boses nito ang pangungulilala. Muli na naman niyang naramdaman ang pagdaloy ng luha sa kanyang mga mata. At kahit na anong pagpipigil niya ay hindi pa din niya napigilan ang luha na pumatak sa mga mata niya, lalo na noong makita niya ang pangungulila sa ekspresyon ng mukha nito ng sandaling iyon. Yumuko naman si Yssabelle dahil nahihiya siyang makita nito ang pag-breakdown niya. Mula naman sa gilid ng kanyang mga mata ay naramdaman niya ang paglapit nito sa kanya. Hanggang sa naramdaman niya ang pag-upo nito sa gilid ng kama. At kahit na nasa harap na niya ito ay nanatili pa din siyang na

