Chapter 131

2435 Words

NAPABALIKWAS ng bangon si Yssabelle ng maramdaman niya na parang hinahalukay ang tiyan niya. Mabilis naman siyang bumaba ng kama at halos patakbong nagtungo sa loob ng banyo. Lumapit siya sa may sink at nagduwal siya doon. Pero wala naman siyang maiduwal, puro laway lang. Naghihinang binuksan niya ang gripo at saka siya doon nagmumog. Pagkatapos niyon ay napatingin siya sa sariling repleksiyon sa salamin. Napatitig siya sa sarili at kahit na naghihina ay hindi na niya nakikita ang lungkot sa mga mata niya nitong makalipas na araw. Napalitan na iyon ng kislap. At ang dahilan ay ang asawa niya na si Trent. Hindi naman niya napigilan ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi. Dalawang araw na ang nakalipas simula noong magkausap at nagkalinawan silang dalawa ni Trent. At sa loob ng dalawang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD