Special Chapter 1

1703 Words

PASURAY-suray sa paglalakad si Trent habang palabas siya sa bar kung saan sila nag-iinuman ni Chester. Mayamaya ay may naramdaman siyang umalalay sa kanya. At nang sulyapan niya ito ay nakita niyang si Chester iyon. "Alalayan na kita. Baka mapasubsob ka, nakakahiya," wika naman nito sa kanya. Sinamaan naman niya ito ng tingin. Pero isang ngisi lang naman ang isinagot nito. Ito lang ang bukod tanging tao na hindi natatakot sa tingin niya. Kung ang iba ay halos manginig na sa sobrang takot kapag ganoon na ang ekspresyon ng mukha niya pero si Chester naman ay hindi nito iyon alintana. Tinabig naman ni Trent ang kamay nitong nakaalalay sa kanya. "K-kaya ko," wika niya sa lasing na boses kahit na ang totoo ay nahihilo siya. Ayas niyang humingi ng tulong dito dahil tutuksuhin siya nito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD