Special Chapter 2

1430 Words

KANINA pa magkasalubong ang mga kilay ni Trent habang nakatingin siya sa gitna ng bulwagan kung saan nakikipagsayaw si Yssabelle sa isang lalaki. Halos kalahati yata ng single na lalaki ang naroon sa party ay isinayaw ito at lahat ng lalaki ay pinagbigyan ni Yssabelle. Nasa isang party si Trent ng sandaling iyon. At hindi niya inaasahan na makikita niya si Yssabelle do'n. Isinama pala ito ni Chester sa party kung nasaan siya. Hindi ba nito alam na naroon siya? Nakalimutan ba nito na naroon ang asawa nito? Pero nakikipagsayaw pa ito sa ibang lalaki? Bakit, Trent? Alam ba ng tao doon na asawa mo si Yssabelle? wika naman ng bahagi ng isipan niya. Tinuring mo ba siyang asawa? Napatiimbagang naman si Trent sa sinabing iyon ng isipan. Hindi nga din niya napigilan ang mapakuyom ng mga kamao

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD