NAKAKUNOT ang noo ni Trent habang ang atensiyon ay nasa hawak na cellphone. Hinihintay kasi niya si Lola Mary at Yssabelle na matapos sa ginagawa ng mga ito. Nasa isang kilalang boutique shop sila. Humiling kasi ang Lola Mary niya na samahan niya ang mga ito sa pagsa-shopping at dahil hindi siya makatanggi ay pumayag na lang siya. He even clear all his schedule for today para lang samahan ang mga ito. "Trent, hijo," mayamaya ay narinig niya ang boses ni Lola Mary na kumuha sa atensiyon niya. Inalis naman niya ang tingin sa harap ng cellphone at saka siya nag-angat ng tingin. Agad namang tumutok ang tingin niya kay Yssabelle na kasama ni Lola Mary. Nakita niyang kagat-kagat nito ang ibabang labi habang nahihiyang nakatingin sa kanya. Hindi naman niya napigilan na pasadahan ito ng ting

