"SIR TRENT!" Napahinto si Trent mula sa paglalakad ng marinig niya ang pamilyar na boses na tumawag sa pangalan niya. "Trent!" Muli niyang narinig ang sigaw na iyon. Sa pagkakataong iyon ay lumingon siya sa kanyang likod at hindi niya napigilan ang mapakunot ng noo nang makita niya si Yssabelle na humahangos para habulin siya. Nang magtama ang mga mata nila ay tinakbo nito ang natitirang distansiya sa pagitan nilang dalawa. Hinihingal naman na tumigil ito sa harap niya. "What?" tanong niya dito habang titig na titig siya dito. Napansin naman niya ang pawis sa noo nito, mukhang tumakbo ito para mahabol lang siya. Mukhang importante ang sasabihin nito sa kanya. Huminga naman ito ng malalim bago bumuka ang bibig nito para magsalita. "Tumawag si Chester sa inyo," wika nito sa kanya haba

