"NAKAKAHIYA." Napatingin si Trent sa katabing si Yssabelle ng marinig niya ang sagot nito sa sinabi ni Chester na maraming nag-a-admire sa kagandagan nito. At hindi niya napigilan ang mapatitig dito nang makita niya ang pamumula ng magkabilang pisngi nito. At hindi din niya napigilan ang pagbilis ng t***k ng puso niya habang nakatitig siya dito. "Bakit ka nahihiya?" tanong ni Chester dito. Hanggang ngayon ay hindi pa din niya inaalis ang tingin dito. At dahil nakatingin siya dito ay napansin niya ang pasimpleng pagkagat ng ibabang labi nito. Bumaba naman ang tingin niya doon. At napamura siya sa isipan dahil may gusto siyang gawin habang nakatitig siya sa mapupulang labi nito na kagat-kagat nito! "Hindi...kasi ako sanay na makita ang mukha ko sa mga ganito," pag-amin nito sa nahihiyan

