Fight For Us
Kabanata 2
Tinanghali ako ng gising ngayon. Ang oras ng pasok ko ay alas otso pero nagising ako ng alas siete! Ang byahe papunta sa school ay trenta minutos pa!
Dali-dali akong bumangon para mag-ayos na. Hindi na ako kakain ng almusal dahil ang unang klase ngayon ay ang kay Sir Agoncillo! Kilala ito bilang striktong prof sa College of Education. Walang gugustuhing ma-late sa klase niya. Nang babagsak kasi 'yon! Gwapo sana kaso ang sungit at isnob!
Pagtapos ko maligo, nag bihis na ako. Wala namang uniform sa pinapasukan kong public university kaya naman kumuha lang ako ng isang plain black t-shirt at isang high waisted jeans. Sinuot ko rin ang iniregalo sa akin ni Jewel noong nakaraang birthday ko na isang mamahaling adidas na sneakers.
Lumabas ako ng kwarto para mag paalam na kilala Mama. Hindi ko na naabutan si Papa pag papasok ako dahil alas cuatro pa lamang ay namamasada na ito. Natitira na lang sila Mama, Clarisa at Kuya Romuel.
"Alis na po ako, Ma!" humalik ako sa pisngi ni Mama.
"Oh! Nag mamadali ka?" tanong ni Mama. Nag hahanda siya ng mga pagkain sa hapag. Siguro tinanghali rin siya ng gising kaya ngayon pa lamang sila mag aalmusal.
"Opo, Ma. Mala-late na ako, eh. Tinanghali ng gising po." Kumuha na lang ako ng isang pirasong pandesal at kinain.
"Hindi po ako ginising ni Clarisa. Suguro nakalimutan niyang maaga ang pasok ko ngayon," sabi ko.
Kinuha ni Mama ang lalagyan ko ng tubig at nilagyan ito. Inilagay niya na lang din agad iyon sa bag ko.
Galing sa cr, pumasok si Clarisa sa kusina karga-karga ang anak. Lumapit ako sa kanila at hinalikan sa pisngi si Stacy. Pinalo ko rin si Clarisa sa may braso.
"Hindi mo ako ginising! Late tuloy ako," matigas kong saad. Ngumuso si Stacy. Ang ganoong itsura ni Stacy ay maiiyak na kaya naman lumambot ang itsura ko at hinagkan na lang ito.
"Sorry, baby..."
"Sige na, Maria, umalis kana para makahabol kapa," si Mama.
Tinignan ko ang oras sa relo ko. 7:30 na. Tumango ako kay Mama at nag madaling lumabas ng bahay.
Nakarating ako sa school ng 8:10 na. Lakad-takbo na ang ginawa ko. Malawak ang eskwelahang ito kaya naman pagod na pagod ako nang makarating sa unang klase. 8:20 na nang makarating ako sa tapat ng classroom.
"Sorry, sir!" bungad ko pag pasok sa klase.
Nakaupo si Sir Agoncillo sa may table at may ginagawa. Nag angat naman ito ng tingin sa akin, nakakunot ang noo. Ang bilis ng pintig ng aking puso. Dalawa ang rason nito malamang, isa dahil sa pagtakbong ginawa ko para lamang makahabol sa klase, pangalawa dahil nakakatakot ang itsura ni sir Agoncillo.
Tumaas ang kilay ni sir Agoncillo. "Miss Gomez, why are you late?" nakakatakot ang boses niya.
Napakamot ako sa ulo ko.
"Tinanghali po ng gising, Sir." mababang boses kong pag hingi ng tawad.
"Next time be mindful of your time." Tumayo si Sir at naglakad pa gitna sa harapan.
Pumasok na ako at umupo sa tabi ni Jewel.
Hindi ko alam kung anong ang pinapahiwatig ng itsura niya. Hindi ko alam kung natutuwa ba siya dahil na-late ako o kung naawa ba siya.
"Girl! Nag pashort quiz siya pero tig 5 points bawat item! Sayang 'yon, sis!" sabi ni Jewel pag upo ko sa tabi niya.
Napadausdos ako sa arm chair ko. s**t, sayang 'yon! Ayokong bumagsak sa klase ni Sir Agoncillo!
"Baka... pag bigyan niya akong mag take mamaya... sana talaga." Nilabas ko ang notebook ko sa klase ni Sir Agoncillo.
Pinapasa niya ang papers ng mga kaklase ko. Napanguso na lang ako dahil wala akong maipapasa ngayon. Ang malas ko talaga. Ngayong Tuesday pa talaga ako na-late.
Pag tapos ni sir mangolekta nag patuloy na siya sa bago niyang lecture ngayong araw.
"Putangina! Katakot si sir kanina, 'no?" sigaw ng isang kablock namin pag labas ni sir Agincillo.
Napuno ng tawanan ang room namin. Bata pa naman si Sir Agoncillo pero ewan ko ba diyan bakit laging galit. Siguro walang girlfriend.
Nakitawa kami ni Jewel sa mga sinasabi nila tungkol kay Sir Agoncillo. Lumapit sa akin si Edward. Umupo siya sa bakenteng upuan sa may harap ko. Inikot niya 'yon paharap sa akin. Sumalong-baba siya at tinitigan ako.
Narinig kong suminghap si Jewel sa tabi ko. Tumawa naman si Edward.
Hindi ko alam kung bakit siya natawa?
"U-uh? Hi?" sabi ko kay Edward. Nakakailang ang tingin at pwesto niya sa harap ko.
"Hi, Maria."
Gusto ko sang sabihan si Jewel na naiilang ako pero paano ko gagawin 'yon? Nasa harapan lang at nakatitig pa sa akin si Edward.
"B-bakit? Bakit ganiyan ka makatingin?" hindi ko matago ang pagkailang sa kaniya. Umayos siya ng upo dahil siguro naramdaman niyang hindi ako kumportable sa kaniya.
Kumamot siya sa batok niya at ngumiti.
"Wala, wala... Ang ganda mo kasi kahit na sobrang simple lang ng ayos mo."
Tumingin ako kay Jewel na nakatingin lang sa cellphone niya.
"T-thank you..." nahihiya kong sabi.
Tumayo na siya sa pag kakaupo at nag paalam na babalik na siya sa mga kaibigan niya. Gusto niya lang daw sa aking sabihin na ang ganda ko raw.
Pag alis niya kinurot ko si Jewel. Humiyaw naman ito sa sakit.
"Ano ka ba! Bakit 'di mo ako tinulungan doon kay Edward! Alam mo namang hindi ako kumportable kanina." kinuha ko ang cellphone niya at inilayo sa kaniya. Pilit niya 'yon kinukuha pero no'ng mapansin niyang seryoso ako tumigil na rin siyang abutin 'yon.
"Para kasi masanay kang may mga lalaking nag papahiwatig ng nararamdaman nila sa'yo. Tignan mo 'yang si Edward, hindi torpe. Hindi katulad ng mga iba diyan,"
Kinagat ko ang ibabang labi ko.
"Wala pa talaga 'yan sa plano ko, eh..." mahinang sabi ko.
"Alam ko, Maria. Pero sana masanay kana na nilalapitan ka ng mga lalaki!"
"Paano pag nag party na tayo, 'di ba? Mas madami ang mag kakagusto sa'yo do'n! Madaming lalapit!" dagdag niya.
Bakit sino ba nag sabing papayag ako na sumama sa party na sinasabi niya?
"Wala naman akong sinabing sasama ako, ha!" hindi gaanong kalakasang sigaw ko.
Hay nako talaga 'tong si Jewel minsan iniisip na pumapayag ako kahit hindi naman.
"Ah! Basta. Alam kong sasama ka sa akin sa Friday," buong loob na sabi niya.
Lakas ng paniniwala sa sarili, ha? Natawa ako sa kacute-an ng kaibigan ko.
Nag iintay kami ngayon sa pangalawang klase ngayong araw. Pag tapos ng susunod na klase doon pa lang kami makakapag pahinga. Dalawang oras din ang klase kay sir Agoncillo at isang oras naman sa susunod na klase.
Sasakit ata talaga ulo ko.
Mabilis lang natapos ang isang oras na klase ni ma'am Dimaculangan. Nakapila ngayon si Jewel sa bilihan ng rice in a box. Habang nag iintay ako nilabas ko ang librong pinapabasa akin. Isang oras ang breaktime namin.
"Sige na, Maria... Sama kana," nakanguso siya at pinagdikit ang dalawang palad.
Umiling ako. "Wala akong interes diyan, Jewel. Alam mo naman 'yan. Atsaka madami ka namang kaibigan sila na lang yayain mo." Sumubo ako ng pagkain.
Nilunok muna ni Jewel ang pagkain bago ako muling kinulit.
"Maria Aderia, alam naman natin ikaw lang ang totoong kaibigan ko," lumungkot ang mata niya.
Nagbaba ako ng tingin sa pagkain ko. Alam ko kung gaano nasaktan si Jewel sa nangyari dati noong High School pa lamang kami. Simula no'ng nangyari 'yon hindi na gaano nagtitiwala si Jewel sa iba.
"Maria, kahit gaano pa kadami ang nakakasama ko sa inuman, alam mong ikaw lang ang totoo at nag mamahal sa akin." nakatingin na siya ngayon sa pagkain niya.
Pinaikot ikot ko ang kutsara sa pagkain bago ako bumuntong hininga.
"Sige na nga..." maliit nag boses kong pag payag.
Para sa'yo, Jewel. Para maging masaya kana ulit.
Mahirap makitang nasasaktan ang kaibigan mong matagal mo nang nakasama. Pati ako nasasaktan. Pati ako naaapektuhan.
Nag angat siya ng tingin sa akin. "Thank you..." bulong niya. Ang ngiti niya ngayon ay sa tingin ko naging totoo na.
"Basta ha! Hindi ako gaanong iinom. Mag papaalam pa ako kila Mama."
Tumango siya at tumayo para yakapin ako.
Tumawa kaming dalawa at pinabitiw ko na siya kasi na cringe ako sa pagiging sweet namin sa isa't isa. Bumalik naman siya sa pagkakaupo sa harap ko. Tinapos namin agad ang pagkain at bumalik na sa klase.
Maaga akong nakauwi dahil wala naman akong pasok ngayon sa store.
Nilalaro ko si Stacy sa kwarto namin bago ako gagawa ng pinapagawa ng mga prof namin. Hawak hawak ko ang laruan ni Stacy at winawagayway sa harap niya. Tuwang tuwa naman siya sa tunog ng laruan. Natigil lang ang pakikipag laro ko sa pamangkin nang tumunog ang cellphone ko.
Tumayo ako sa kama at lumapit sa may study table na gawa ni Papa at Kuya. Kinuha ko ang cellphone.
Nag text si Jewel sa akin at isang unregistered number. Inuna kong tignan ang text ni Jewel.
From Jewel:
Hi, beb! Gusto ko lang sanang ipa-alala na pumayag ka na sumama sa akin sa Fri! Walang bawian, ha! Kaya kung ako sa'yo nag paalam kana ng mas maaga. Good night, Maria Aderia! Lovelots.
Napangiti ako sa text ni Jewel. Ang kulit talaga. Lumapit ako kay Stacy at inilagay siya sa crib niya bago lumabas sa kwarto para mag paalam kila Mama.
Pag labas ko wala sila sa sala kaya dumaretso ako sa kusina. Nakita ko silang nag sasalo salo ng ice cream.
Napatingin sila sa gawi ko pagpasok. Nanlaki ang mata ni Kuya at kinuha agad 'yong ice cream. Napatayo rin naman agad si Clarisa sa pagkakaupo dahil sa gulat kay Kuya.
"Kuya ang bastos sumasandok pa ako, eh!" sigaw ni Clarisa kay Kuya.
"'Wag na! Andiyan na si Maria!"
Napaka duga talaga nitong gurang na 'to! Lagi na lang ako hindi pinapakain ng ice cream. Laging tinatago sa akin!
Mabilis ang lakad ko papunta kay Kuya na tumakbo sa may gilid ni Papa. Patawa-tawa naman sila Mama at Papa.
Tumigil ako sa paglapit sa kaniya. "Kuya, ang epal at napaka ramot mo! Hindi mo man lang ako tinawag! Minsan kana nga lang manlibre tapos 'di mo pa ako papakainin!" maktol ko.
"Itong si Ate parang bata!" sabi ni Clarisa. Subo-subo pa niya ang kutsara niya.
Lumapit ako sa kaniya at binatukan siya.
"At ikaw naman kaya pala ako ang pinag iwanan mo sa anak mo dahil may ice cream dito!"
Inislide ni Mama ang baso niya na punong puno ng ice cream. "'Yan na sa'yo, ingay mo, eh!"
Sumimangot ako at inabot na lang 'yon. Malaki ang ngiti kong binalingan si Kuyang nakatingin sa akin ng masama.
"Ma, naman bakit mo binigay ice cream mo!" Mabibigat ang lakad ni Kuya palapit kay Mama. Humawak siya sa balikat ni Mama. Hinarap naman siya nito at tinaasan ng kilay.
"Ang ingay-ingay naman kasi ni Maria. Para matapos na ang pagbubunganga niyan." Nakangising sabi ni Mama.
Napailing na lang si Papa.
"Ano gusto mo pa ba? Heto pa, oh. Kahiya naman sa'yo ubos mo na agad binigay ni Mama mo." Inislide din ni Papa ang baso niyang may kalahating ice cream.
Mas lumawak ang ngiti ko at tumango tango inabot 'yon pero bago ko pa makuha naunahan na ako ni Clarisa.
"Akin na 'to, pati ako damay sa kadamutan ni Kuya sa'yo." Sumandok siya at isunubo 'yon.
"Panget mo, Maria." Inilapag ni Kuya ang ice cream sa lamesa. Wala naman na siyang magagawa nakatikim na ako.
Nag make face na lang ako pang asar kay Kuya.
Umupo ako sa tabi ni Clarisa at sumandok sa ice cream sa harapan ko. Naubos ko na kasi ang ice cream ni Mama. Kinuhaan naman ni Papa si Mama ng baso para makakain ulit ito.
Tumahimik ang hapag dahil nag kaniya-kaniya na ulit kami sa pag kain. Paubos na ang ice cream na binili ni Kuya nang ma-alala ko kung bakit nga ulit ako lumabas ng kwarto.
Tumikhim ako at nilingon si Mama at Papa na nagsusubuan ng ice cream.
"Ma, Pa, aalis po ako sa Friday."
"Hmm... Saan ba 'yan?" tanong ni Papa.
Magagalit kaya sila? Baka hindi ako payagan. Hindi naman na ako minor kaya sana payagan nila ako.
Hindi ako nag angat ng tingin sa kanila. Nakatingin lang ako sa baso. "Niyaya po kasi ako na mag club sa may Taguig." Napapikit ako.
Huwag niyo akong sigawan, please...
Tumikhim si Kuya kaya naman napatingin ako sa kanila. Nakita kong nagkatinginan si Mama at Papa na para bang nag uusap gamit ang mata nila. Si Clarisa naman ay malaki ang ngiti sa akin.
"Bawal po ba?" tanong ko kay Papa.
"Sa akin, bawal!" seryosong sabi ni Kuya.
"Ikaw ba tinatanong ko?!" Inirapan ko si Kuya bago bumaling ulit kila Papa.
Bumuntong hininga si Papa. "Sige, Maria. Pero sana alam mo ang hindi mo dapat gawin." mababa ang boses ni Papa. Si Mama naman ay nakangiti na sa akin.
"Buti naman, anak naisipan mong magliwaliw..." si Mama.
"Oo nga, ate! Ngayon ka lang ata nag paalam na mag lalakwatsa ka, ha!" namamanghang sabi ni Clarisa.
Kinabahan ako. Akala ko pa naman ay pag babawalan ako.
"Ma, Pa! Babae 'yan, eh? Bakit niyo naman pinayagan? Baka mapano pa si Maria sa club na sinasabi niyan." Nakakunot ang noo ni Kuyang apila sa desisyon nila Papa.
"'Nak, malaki na si Maria. Dapat kahit pa-paano ay nag liliwaliw siya. Alam mo namang laging subsob iyan sa pag-aaral at pagtratrabaho." sagot ni Mama.
Napa-tsk na lang si Kuya.
"Pa! Ano? 'Di na ba mag babago desisyon mo? Alam naman natin, Papa na madaming loko-loko ngayon!" pagpupumilit ni Kuya.
Kuya huwag kana um-epal! Pumayag na sila, eh! Atsaka sa tingin ko tama naman sila Mama na kahit pa-paano ay magliwaliw na ako. Nakakaramdam na kasi ako ng pagkakasawa sa pag a-advance reading at pagtratrabaho. Baka ito na ang tamang panahon para naman magkaroon ang ng buhay maliban sa pag-aaral at pagtratrabaho.
"Hindi magbabago. Sige na, Maria. Pupunta ka sa sinasabi mong club. Sino pala ba muna ang kasama mo?" si Papa. Nakangiti siya sa akin.
"Si Jewel po, Pa," sagot ko.
Tumango sila ni Mama.
Palingon naman agad kami sa may kwarto namin ni Clarisa nang marinig naming umiyak si Stacy. Agad kaming tumayo ni Clarisa at pumunta kay Stacy.
"Hay nako! Umiiyak na naman ang bata," tinatamad na sabi ni Clarisa.
Si Mama na ang nag ayos ng ginamit naming mga baso. Wala raw siyang palaba ngayon kaya naman okay lang sa kaniyang maglinis linis sa bahay.
"Ano, baby... Ano problema." Kinuha ni Clarisa si Stacy sa crib at pinatahan.
Naalala kong hindi pa nga pala ako nag re-reply kay Jewel kaya humiga ako sa kama at nag tipa ng reply.
To Jewel:
B, 'di ako pinayagan, eh. :-'( pasensiya na...
Sinend ko ito at natawa. Ano kaya ang itsura no'n pag nabasa niya? Hindi nag tagal nag reply na agad ito sa akin.
From Jewel:
Hoy!! Tru ba, b?! Sayang naman :-'(
Humagalpak ang tawa ko sa reply niya. Naiimagine ko ang dismayadong itsura ni Jewel!
To Jewel:
Sorry talaga, Jewel...
From Jewel:
Okay lang, b! Nag baka sakali lang naman ako na baka payagan ka :'(
Maybe next time? hihi
Pinigilan kong tumawa ng malakas dahil natutulog na si Stacy.
To Jewel:
Chour lang.
From Jewel:
Ha? Wrong sent ka ba? Hina signal ko now... Nag lo-loading pa ang utak ko.
Humagikgik ako ng mahina. Napapahawak na ako sa tiyan ko dahil sumasakit na ito dahil sa pagtawa.
To Jewel:
Kaloka hahaha. Joke ko lang b na hindi ako pinayagan. Nagulat nga din ako kanina no'ng nag paalam ako.
From Jewel:
sHIT TOTOO BA?!
To Jewel:
Yes! Haha
Tumagal rin ng ilang oras ang usapan namin ni Jewel dahil naeexcite na daw siyang isama ako sa Taguig kung saan madalas 'yong Aiden daw.
Itinabi ko na ang cellphone ko para sana mag pahinga na pero tumunog ulit 'yon.
Nakita kong nag text ulit iyong unregistered number na nag text din kanina. Nakalimutan ko na rin palang basahin ang text kanina.
From 09*********:
I'm sorry...
From 09*********:
I know I wronged you but please... Can you hear me out? I'm here outside your house...
Napabalikwas ako ng tayo mula sa pagkakahinga. Nanlalaking matang sumilip ako sa bintana.
Wala namang tao akong nakita. Kabadong kabado ako dahil hindi ko naman kilala kung sino itong nag te-text tapos sasabihin niyang nasa labas siya ng bahay namin?! Atsaka wala naman akong naka away para humingi siya ng sorry.
Sino ba 'to?!
To 09*********:
Po? Wrong sent po ata ikaw.
From 09*********:
Don't f*****g play with me!
Siya pa may ganang magalit! Siya na nga ang humihingi ng sorry tapos ifu-f*****g pa ako.
From 09*********:
Hoy! Hindi kita pinag lalaruan, ha! Baka ikaw nag naglalaro sa ating dalawa! Atsaka 'wag mo nga akong ifucking-f*****g diyan! Ulol!
Nakakabanas! Ang dami talagang mga siraulo ngayon. Ako pa talaga ang napiling oag tripan ha! Ulol siya!
From 09*********:
I know I did you wrong but you don't have to act like you don't know me! Grace, please quit that act and let me talk to you. I'm still here. I'll wait for you.
Napatigil ako. Grace? Hindi ako si Grace tukmol!
To 09*********:
Wrong sent ka, Kuya. Hindi ako si Grace kaya sayang lang 'yang drama mo diyan sa labas ng bahay nila dahil hindi naman si Grace ang natext mo.
Akala ko tumigil na siya dahil ilang minuto rin siyang hindi na nag reply kaya ibinalik ko na sa study table ang cellphone. Pabalik na ako sa kama nang tumunog ulit 'yon.
Padabog kong kinuha ang cellphone at tinignan kung sino ang tumatawag. Si Kuyang na wrong sent. Matalim kong tinignan ang cellphone ko. Hindi ko 'yan sasagutin, bahala siya diyan!
Bumalik ako sa kama ko kahit na tunog parin ng tunog ang cellphone ko.
"Ate! Baka magising si Stacy! Sagutin mo na 'yang tawag!" iritang sabi ni Clarisa.
Wala akong nagawa kaya kinuha ko ang cellphone at sinagot ang tawag.
"Grace... Please..."
Lalaking lalaki ang boses niya. Mababa at malamig. Halata mo rin sa boses niya na lasing siya pero bakit ganito ang sarap pakinggan ng boses niya?
"Grace... Hear me out." Hindi naman siya umiiyak. Nag mamakaawa lang ito.
Nanlalambot akong nag salita.
"H-hello? Ano... Uhm... Kuya kasi hindi naman po ako si Grace... Wrong sent po talaga kayo kanina," sabi ko.
Narinig ko ang pagsinghap niya. Sa tingin ko nabato siya sa kinatatayuan niya.
"W-what?! s**t! You're not Grace?" tanong niya.
Tumango tango ako kahit hindi naman niya ako nakikita. "Yes po..."
Bumuntong hininga siya. Narinig ko ring may tumunog na sa tingin ko ay hinampas niya ang sasakyan niya.
Wow, yayamanin may car!
"s**t! Okay, who are you?" Lumambing ang boses niya. Natauhan na ata ang kausap ko.
"Hindi ko sa sabihin kung sino ako! Baka r****t ka pala tapos ganito ang way niyo! Basta wrong person! Wrong person! Bye!" sabi ko.
Napakunot nag noo ko. Bakit kailangan pa niyang alamin ang pangalan ko?!
Baka pakana niya lang 'yon kahit na sobrang ganda ng boses niya. Maging matalino dapat ako sa mga ganitong bagay.
"N-no! Don't hang up yet! I-I just want to know your name because I'm sorry for disturbing your night. I'm sorry," mabibigat ang mga hininga niya. Nabato naman ako sa kinauupuan ko.
"H-hindi sige okay na 'yon! Next time make sure na tamang tao na ang tatawagan mo," sabi ko.
Hindi ko na siya inintay na makapag salita. Pinatayan ko na siya ng tawag.
Wala sa sariling humiga ako sa kama. Iniisip parin ang lalaking nakausap ko.