Fight For Us
Kabanata 3
Nasa may labas ako ng gate para mag intay kay Jewel. Tinext niya kasi ako na intayin siya sa may labas para sabay na kaming pumunta sa klase. Ngayong araw na rin ang ipinangako ko kay Jewel.
Noong nakaraang araw nga ay pilit kong umaayaw dahil naisip ko na wala nga pala akong magandang damit na puwedeng isuot sa sinasabi niyang party.
Pero nag pumilit talaga siya. Siya na raw ang bahala sa susuotin ko mamayang gabi. Siya na rin daw nag mag aayos sa akin dahil hindi puwede doon ang simpleng pananamit.
Nakaupo ako sa may bench malapit sa mga naka paradang mga sasakyan. Doon kasi ang sinabi niyang eksaktong lugar kung saan kami mag kikita.
15 minutes na ata akong nag hihintay sa kaniya. Nababagot na ako sa pag hintay sa kaniya nang tumunog ang cellphone ko.
From Jewel:
HOY HALA KA MAMI HUHU NAKITA KO SI AIDEN DITO SA MAY TAFT SHET :-'(
Napairap ako. Umiral na naman ang pagiging fan girl niya sa mga gwapo at sikat na katulad lang no'ng Aiden na sinasabi niya.
To Jewel:
Oh, tapos? :/
From Jewel:
ANG GUSTO KO LANG NAMAN SABIHIN AY MAUNA KANA PUMUNTA SA KLASE
To Jewel:
BAKIT? HOY ANO BINABALAK MO? SUSUNDAN MO 'YAN? PA-PIC GANO'N?
From Jewel:
OOOOOO
Napapikit na lang ako sa inaasal ngayon ni Jewel. Hindi ko naman siya mapipigilan kaya naman sinunod ko na lang ang gusto niya.
Umakyat ako mag-isa sa hagdan papunta sa assign room namin tuwing Friday.
Pagpasok ko andoon na ang iba. Naroon narin si Edward at ang mga kaibigan niya.
Umupo ako sa may dulong upuan sa may harapan. Wala na kasing bakante sa dulo. Ayoko namang umupo sa may gitna dahil madalas doon ang mga pinapansin ng mga Prof.
Habang nag aantay ako kay Jewel ni labas ko ang libro para sana mag advance study. Para kahit mag pa surprise quiz on recitation ang Prof namin ngayon may maisasagot ako sa kaniya.
Dumaan ang ilang minuto walang pumapasok sa utak ko. Laging sumasagi sa utak ko ang party mamaya.
Ano kaya ang mangyayari? Mag eenjoy ba ako o tutunganga lang? Ito ang magiging unang karanasan ko sa club at inuman. Sana naman wala akong pagsisihan.
Paano ba ang tamang kilos sa loob ng nightclub? Base sa mga naririnig ko, masyadong mga aggressive ang mga tao roon. I don't think I would fit in.
Sinara ko ang librong pilit kong iniintindi. Kagat kagat ko ang ibabang labi ko habang nakatulala sa may harapan.
"Maria!"
Lumingon ako sa tumawag sa akin— si Jewel. Tumatakbo siya papalapit sa akin. Napakagandang babae talaga ni Jewel kahit anong isuot niya. Sa tingin ko kahit na basahan lang ang ipasuot sa kaniya kaya niya itong irampa na mag mumukhang mamahalin.
She's wearing a black cropped shirt, mini skirt, a pair of white sneakers and a plain white tote bag.
Nang makalapit iniharap niya ang arm chair sa akin bago upuan. Malaki ang ngiti niya kahit na pagod siya sa pag takbo. Hinarap ko siya, nakataas ang isang kilay.
Of course, alam ko na kung sino ang ikwe-kwento niya. Sino pa ba? Edi 'yong lalaking nakita niya raw kanina. Si Aiden.
"Oh, ano? Nakapag pa-picture ka?" bungad ko sa kaniya.
Pinalo palo niya ako dahil sa sinabi ko. Patango tango rin siya. Pinipilit niyang huwag sumigaw kahit na malabo iyon mangyari. Kilala ko si Jewel, hindi niya kayang mag tago ng nararamdaman.
"Maria Aderia, ang pogi niya kahit na mayroon parin siyang sugat sa mukha!" kinikilig na kuwento niya.
Ngumiti na lang ako sa kaniya at tinalikuran siya. Binuklat ko muli ang libro. Pinilipilit na sana ay may pumasok na sa aking utak kahit kaunti lang.
I heard Jewel shrieked. She's now tapping on her cellphone. Maybe itwe-tweet na niya ang nangyari kanina.
Nang matapos siya sa pag titipa ng kung ano sa cellphone niya. Hinarap niya muli ako. "Ano? Ready ka na pala ba para mamaya?" Pinag cross niya ang dalawa niyang braso sa may dibdib. "Naka ready na ang gagamitin mong damit sa bahay," dagdag niya pa.
Nagkibit balikat na lang ako at pinag patuloy ang pag babasa. Sige, Maria kaya mo 'yan kunwari may naiintindihan ka sa binabasa mo.
"Andiyan na si Ma'am." Umayos na sila ng upo. Bumalik na rin sila sa pagiging seryosong mga estudyante.
Sa buong oras ng klase ni Ma'am wala akong ni-isang natandaan. Inuukupa ng mangayayri mamaya ang utak ko. Sa tingin ko naeexcite ako sa gagawin mamaya. Ito ang magiging unang night out ko. Unang night life. Unang inuman.
Nasa sasakyan na kami ni Jewel papuntang condo niya. Gusto niya nga munang dumaan ng taft para kumain sa may samgyupsal-an doon. Sino ang maniniwala na gusto niyang pumunta ng taft para kumain sa isang korean bbq e kung meron naman malapit sa amin?
"Gusto mo lang makita 'yong Aiden, eh!" asar ko.
Humagikgik naman siya.
"Huwag na tayo kumain doon. Sa may condo mo na lang. Makikita mo naman ata 'yong Aiden na 'yon sa may club, eh." anyaya ko.
Noong una, pinipilit niya parin talaga ako na pumunta sa taft para kumain pero ayaw ko talaga.
"Libre ko naman, eh! Sige na, Maria..." she plead.
"Pag kumain pa tayo roon 'di na talaga ako sasama sa'yo bahala ka," pananakot ko.
Tahimik na lang siyang nag maneho pauwi sa condo niya.
Tahimik lamang ako habang inaayusan ni Jewel.
Wala naman akong magagawa dahil hindi ko naman kayang ayusan ang sarili ko para sa mga ganoong pag titipon.
"Close your eyes." Pinikit ko ang mata ko.
"Alam mo, b. Sobrang tuwang-tuwa talaga ako no'ng sinabi mong pinayagan ka ng parents mo. Like? b***h, ikaw lang pala talaga ang umaayaw sa mga ganitong bagay!"
Hindi ko man nakikita ang itsura niya ngayon, naiimagine ko naman 'yon. Kilalang kilala ko na ang kaibigan ko, 'no!
"Ayoko nang pag usapan. Buti nga at sumama pa ako sa'yo, eh! Puwedeng puwede namang hindi ako tumuloy kahit na pinayagan ako nila Papa." Nakapikit paring sabi ko.
Patuloy lang siya sa pag lalagay ng kung ano sa mata ko.
Sana naman ay gumanda ako, ano?
Ilang oras din ang tinagal nang pag aayos niya sa mukha ko. Gano'n ba ako ka panget para tumagal ng ilang oras?
"Look at yourself!" Inikot niya ako pa harap sa salamin.
Shit?
Ako 'to? Hayop. Ang ganda nito, ah?!
"Hoy! Sure ka ako 'to?" hindi ko makapaniwalang ako ang babaeng nakikita ko sa malinis at malaking salamin ni Jewel.
Pinalo niya ako sa may braso. "Oo, b! s**t ka! Maganda ka na nga kahit walang make-up mas gumanda kapa pag inayusan," madramang sabi nito. May papunas punas pa siya sa mata na paranh umiyak.
Inirapan ko ang kaibigan at hinawakan ang pisngi. Hindi ko alam na ganito pala ako kaganda. Hindi ko man lang na-appreciate ito dati.
Pinatayo ako ni Jewel at pinag palit na sa may cr ng kaniyang condo. Suot suot ko ang isang white cropped top na sa isang balikat lang ang may sleeve at pinaresan ng ripped jeans at black ankle strap na sandals. I look... Hot.
Lumandas ang kamay ko sa may bewang ko at umikot sa harap ni Jewel para ishow-off ang... kagandahan ko ngayong gabi.
Natawa si Jewel ng pagak. Malaki ang mga ngiti nito. Kitang-kita sa kaniya na proud siya sa akin dahil for first time sumakay na ako sa trip niya sa buhay. Hindi ko rin napigilan at natawa na rin.
We are now on our way to Taguig. Of course, it's still Jewel who's driving. Malaki ang ngiti niyang sumasabay sa tugtugin.
Hindi ko maalis sa akin na hindi kabahan para sa mga pu-puwedeng mangyari mamaya. Kinakabahan na na-eexcite ako.