Chapter 28 *Mark* “T*ngina. Ano ‘yon?!” Naiinis kong bulalas at malakas na tinapon kung saan ang helmet na hawak ko. “Bakit may pulis agad?” Takang tanong ko. “Bwesit!” Malakas kong sigaw at saka malakas na sinipa ang basurahan na nasa gilid. Dalawang araw kong hindi mahanap si Abby. Hindi ko alam kung saan pumunta. Hindi rin siya pumapasok sa eskwela. Ilang araw na rin siyang hindi nagpaparamdam sa akin. Saktong napadaan ang grupo sa bahay nila ay napagpasyahan kong dumaan muna. Hindi ko inaasahan na makikita ko ang isang magarang sasakyan sa labas ng bahay nila. At nakasara ang pinto? Ano’ng ginagawa nila sa loob? Sigurado akong si Gomez ang nagmamay-ari ng sasakyan na ‘yon. Totoo kayang asawa na siya ni Abby? Umusbong ang galit at inis sa dibdib ko. Kinuyom ko ang kamao habang n

