Chapter 74 *Abby* Gumawa pa si Jason ng dalawang pancake para kay Jasmine. Hindi ko alam kung ilan na ang nakain niya. Base sa tiyan niya, nakarami na siya. Nang matapos magluto si Jason ng pancake ni Jasmine ay nagluto rin ako ng almusal para sa’min. Gusto pa nga niyang utusan si Tere na magluto para hindi raw ako mapagod. Agad akong tumanggi dahil gusto kong may gawin din dito at hindi iaasa lahat kay Tere. Marami siyang gawain at kahit man lang sa pagluluto ay makatulong ako para makabawas sa mga gawain niya. Mamayang pagkatapos kumain ay tatanungin ko siya kung bakit nag-iisa lang si Tere sa ganitong kalaking bahay. Madali ang gawaing bahay kung ang bahay ay tulad ng nasunog naming bahay o hindi kaya ang bahay namin sa Pangasinan. Pero kapag ganito kalaki at kalawak, idagdag p

