Chapter 50 *Jason* Kaya heto kami ngayon, nasa labas ng palengke para maghanap ng rambutan. This is my kuya’s fault! Biruin mong iniyakan pa ni Abby ang mga rambutang ‘yon?! Sobra naman yatang halaga ng mga rambutang ‘yon. Kapag hindi ako makakahanap ng rambutan ay tiyak na iyon ang kakainin niya. Ni ayaw pa nga niyang iwan ang mga bigay na rambutan ni Kuya. Ano bang meron sa rambutan na ‘yon at gustong-gusto niya?! Maraming tao ang nasa paligid. Tila hindi mga mapagkakatiwalaan. Papaano ako lalabas? Kung ganito ang mga tao ay parang ayokong lumabas. At mas lalong hindi ko hahayaang dito na lang si Abby sa loob ng sasakyan. Baka mapano pa siya dito. At nang magprisinta siyang siya na lang ang bibili ay agad akong lumabas sa sasakyan. I have no choice. Kapag wala kaming nahanap na ramb

