Chapter 32 *Abby* Malakas na apoy. Sa sobrang lakas ay gano’n din ang takot sa dibdib ko. Natatakot ako sa malakas at malaking apoy na umuubos sa bahay namin. May dalawang truck ng bombero ang tumutupok sa apoy. Nanginginig ang kamay ko at nanlalamig. Natatakot ako para sa mga magulang ko. Kaya pagkahinto pa lang ng sasakyan ay agad akong bumaba. Narinig kong tinawag ako ni Jason pero mas mahalaga ang buhay ng Nanay at Tatay ko. Kailangan ko silang puntahan. Baka nasa loob sila pero sana ay maaga silang nakaalis. Ililigtas ko sila sa kahit na anong paraang kaya ko. Kung hanggang saan ang makakaya ko. Kahit delikado ay bahala na. “N-Nanay,” garalgal kong boses habang tumatakbo. Bago pa ako makalapit ay agad akong inawat ng bombero. Sinabihan agad akong bawal daw akong pumunta doon dahi

