Chapter 68 *Kevin’s POV* “Kailan ang kasal?” Tanong ni Samantha. Nandito kami ngayon sa isang coffee shop. Biglaan siyang sumulpot na hindi man lang nagsasabi sa’kin. Kararating lang niya galing Florida at gusto na agad makipagkita. Kaya maaga akong nagising para makapaghanda ng almusal nina Abby at Jasmine. Pagkatapos magluto ay naligo na ako at nagbihis. Nag-iwan lang ako ng text sa kaniya para malaman niyang nasa labas lang ako at may inaasikaso. “Bakit hindi ka nagsabing uuwi ka?” Tanong ko sa kaniya. Tumawa naman siya at nag-alis ng sun glasses. “Ganiyan mo ba ‘ko i-welcome, kuya?” Pabirong tanong niya. “Parang ayaw mo ‘kong nandito,” dagdag niya pa at sumimsim ng kape habang sa akin nakatingin. “Hindi naman sa gano’n. Alam mo namang hindi pa ako tapos,” makahulugang saad ko.

