Chapter 69 *Abby* Unang araw, ito ang araw ng opening namin. Kahit pala handa ka na, matataranta ka pa rin. Maraming tao kaya hindi kami magkamayaw sa paggalaw. Walang pahinga dahil dagsaan ang tao. Ang iba ay take-out na lang ang kanilang order dahil wala ng maupuan. Hindi maubos-ubos ang order na pati si Kevin ay tumutulong na rin sa pagse-serve. Lalo na kami dito sa kusina na puno na ng mga papel ng orders nila. Nakakalito pero nama-manage pa rin naman namin dito sa kusina. Si Jasmine ay na kay Tatay. May opisina itong pwesto namin kaya nadoon sila. Naroon ang mga computer kung saan naka-monitor ang mga CCTV. May isa kaming guard sa labas na maya’t maya ang bukas ng pinto dahil sa dami ng tao. Si Nanay ay kasama ko rin dito sa kusina. First day ng crew at nasabak agad sila sa gani

