Chapter 52 *Jason* Mabilis kong pinatakbo ang sasakyan ko paalis sa event na ‘yon. Ngayon, alam ko na ang totoo. Diniinan ko ang gas para mas lalong bumilis ang pagpapatakbo ko. Wala na akong pakialam kung madisgrasya man ako. Hindi ko lang kayang tanggapin na ginawa niya sa’kin ‘yon. Handa na pa naman ako. Handa akong gumawa ng ala-ala kasama siya. Papakasalan ko pa nga siya. Planado na sa utak ko ang lahat. She’s wearing a beautiful gown habang naglalakad sa altar. Magpapalitan ng pangako sa isa’t isa at bubuo ng sarili naming pamilya. Lahat ng ‘yon ay balewala na ngayon. Humigpit ang hawak ko sa manibela hanggang sa mamuti na ang kamay ko. Planado rin pala nila lahat. Ginilid ko ang sasakyan at mabigat ang bawat paghinga ko. Galit ako. Galit na galit ako sa kaniya. Ang buong aka

