Chapter 53 *Abby* “Gusto mo bang kumain muna bago tayo umuwi sa inyo?” Tanong ni Kevin habang nagmamaneho. Isang beses niya akong nilingon at tinutok uli ang mata sa daan. Umiling ako. “Limang oras ang byahe. Dumaan muna tayo sa drive thru,” saad niya. Hindi na ako sumagot at hinayaan na lang siya um-order sa drive thru. Tinatanong niya ako kung ano’ng gusto ko at tumatango na lang ako. “Kahit ano na lang,” saad ko. Pagkadaan sa drive thru ay bumiyahe na kami papunta kina Nanay. Alam ko ang address dahil minsan ko na ‘yong tinanong kay Rafael. Sa probinsya raw ‘yon ng Pangasinan. Dalawang oras na kaming bumibyahe at naging tahimik lang ako habang pinagmamasdan ang daang tinatahak namin. “Kumain ka muna,” wika niya. “Wala akong gana,” mahinang boses ko. “Please, Abby. Kahit kaonti

