Chapter 54 After two years… *Abby* “Nay, tikman niyo nga itong panibagong version ko ng palabok,” saad ko. Mula sa pagde-decorate ng aming food house ay sinubukan kong magluto ng pancit palabok. Dahil sa paborito ko ang palabok ay naisipan kong bigyan ng karagdagang lasa na gusto ko. Kung papasa kay Nanay ay baka, isali namin sa menu. “Iyan ba ‘yong naaamoy kong mabango kanina?” Nakangiting saad niya at lumapit sa kalan. Inabot ko sa kaniya ang bagong sandok na palabok noodles na nilagyan ng espesyal na sauce sa ibabaw. Kinuha niya ‘yon at hinalo-halo. “Ang bango ha!” Puri niya sa niluto ko kaya napangiti ako. Hinintay ko ang reaksyon niya nang tikman niya ang palabok na gawa ko. Agad namilog ang mga mata niya. Sumubo pa ng isa at napasayaw si Nanay. “Ay ang sarap, anak!” nakangi

