Chapter 55 *Rafael* “Ano’ng plano mo, Jason?” Tanong ko sa kabilang linya. Ganito na lang kami mag-usap ngayon. Thru video call. Dalawang taon na ang lumipas pero ayaw niya pa ring umuwi. Galit pa rin ba siya kay Abby? Hindi ko alam kung kailangan ko bang batukan ang kapatid ko para makaalala na. Masiyado nang matagal ang dalawang taon. At sumasakit na ang tenga ko kay Mommy tuwing kukulitin ako tungkol kay Abby. Abby called me noong araw na umalis siya sa bahay. Nakiusap siyang huwag muna namin siyang bisitahin. We tried, many times para payagan niya kaming dalawin siya and of course, I want to see my niece. Lalo na si Mommy. But we respect her decision. She needs space at iyon ang ibinigay namin. Mahirap ang pinagdadananan niya those times. Ayaw naming makadagdag sa stress niya. Na

