Chapter 56 *Jason* “No!” Malakas kong sigaw mula sa bangungot. I’m having a bad dream again. Isang taon na ‘to at paulit-ulit lang ang nangyayari sa panaginip ko. Pero parang para sa akin ay hindi siya panaginip. Parang nangyari na at hindi ko alam kung saan at kung bakit ako nahulog sa bangin na matarik. Napabalikwas ako ng bangon habang malakas na kumakabog ang dibdib ko. Parang katapusan ko na ang pagkakahulog doon. Mabibigat bawat paghinga ko dahil sa labis na kaba. Takot na takot akong mahulog sa banging matarik. May taong naghulog sa akin pero hindi ko maaninag ang mukha. Kapag pinipilit kong isipin ay sumasakit ang ulo ko. Tuwing pipilitin kong umalala ay sobrang sumasakit ang ulo ko. Tuwing napapanaginipan ko ang pangyayaring ‘yon ay nahihirapan na akong bumalik sa pagkakatu

