Chapter 65 *Jason* Hindi naman nagtagal ang ulan kaya nabasa ako. Nakatayo pa rin ako dito. Nakatanaw sa malayo then I heavily sigh. Humakbang ako patungo sa sasakyan ko. Tahimik akong pumasok doon. She’s gone. Kung titigan niya ako kanina ay parang hindi niya ako gustong makita. Ayaw na niya sa akin. Tulad ng ginawa ko sa kaniya noon. Kevin is right. Pinagtabuyan ko siya. Napasabunot ako sa buhok. Sinayang ko siya. Pinabayaan ko siya. Nahuli na ako ng dating. At may iba na siyang kapiling. May nag-aalaga na sa kaniya. Hindi tulad ko na pinabayaan siya. Dalawang taon ako sa Florida at ni minsan ay hindi ako sumubok kausapin siya. Puno ako ng pagsisisi. Sana hindi ako umalis. Sana hindi ko siya tinulak palayo. Sana hindi ko ginawa ‘yon. Now I realize na sa huli pala talaga ang pagsisi

