Chapter 66 *Abby* Inuwi kami ni Kevin sa condo unit niya. Sa kabilang kwarto kami ni Jasmine. Si Kevin ang nag-ayos ng kama bago ko ihiga si Jasmine doon. Tinignan ko siya at sinuklay ang buhok niya gamit ang daliri ko. “Anong plano mo ngayon?” Mahinang tanong ni Kevin sa akin. Nilingon ko siya at binalik uli ang tingin kay Jasmine. “Pagkatapos ng opening, iuuwi ko si Jasmine sa amin,” wika ko. Dalawang araw na lang ‘yon mula ngayon. “Itatago mo siya kay Jason?” Tanong ni Kevin. “Hindi,” tipid kong sagot. “What do you mean?” takang tanong niya. “Kapag nalaman niyang may anak kami at kung talagang may pakialam siya… kikilos siya at hahanapin si Jasmine. Hindi ko siya kailangang itago dahil karapatan niya ‘yon at ng anak ko. Ang gusto ko lang… makita siyang may gawin,” paliwanag ko.

