Chapter 21 *Abby* Hindi pa kami tapos kumain ay may biglang kumatok. Pinagbuksan ‘yon ni Jason at dalawang babae ang pumasok. May dala silang lagayan yata ng make up. Narinig ko pa ang sabi ng isa na sila raw ang pinadala ni Rafael para ayusan ako. Alam na kaya niya na ikakasal kami ni Jason mamaya kaya nagpadala ng mag-aayos sa akin? Nakangiti sila habang nakatunghay sa akin. Nahihiya akong ngumiti sa kanila. Hindi ko na natapos ang pagkain. Ngayong may ibang tao ay nahiya na rin akong ipagpatuloy ang pagkain ko. Lumapit naman sa akin si Jason kaya tumayo ako. Hinapit niya ako sa beywang at pinakilala sa dalawang babae na mag-aayos sa akin. Mas lalo akong nahiya. Ang gaganda pa naman nila dahil mahahalatang may lahi sila. Matatangkad at mapuputi sila. “Hello,” nahihiya kong bati sa ka

