Chapter 20 *Jason* Bumangon ako para sagutin ang kanina pa ring nang ring na phone ni Abby. She’s still sleeping. Madaling araw pa lang at mamaya ay kasal na nina Kuya at Vanessa. Dahan-dahan lang ang bawat kilos ko dahil nakaunan siya sa’kin. Ayoko sanang umalis sa tabi niya hanggang umaga kaya lang ay istorbo ang tumatawag. Hinanap ko ‘yon sa bag niya at agad ko namang nakita ang phone niya doon. Kinuha ko ‘yon para tignan kung sino. Kinuyom ko ang kamao nang makitang pangalan ni Mark ang nasa screen. Nilingon ko si Abby at tulog pa rin. Sinagot ko ang tawag pero hindi ako nagsasalita. “Nasaan ka? Nandito ako ngayon sa bahay niyo,” wika niya sa kabilang linya. Ganito pala niya kausapin si Abby. Parang walang pasensiya at hindi kayang huminahon. “Hello?” wika niya nang walang sumasa

