Chapter 46 *Abby* Nagising akong nakahiga sa malawak na kama. Naging mahaba yata ang tulog ko. Hinaplos ko ang kobre kama. Ang bango ng sapin at kaamoy ni Jason. Agad akong natauhan nang mapagtantong kwarto pala ito ni Jason. Teka, paano ako napunta rito? Pinikit ko ang mga mata para alalahanin ang mga nangyari. Namimili kami ng damit at bigla akong nahilo. Bumangon ako sa kama para lumipat sa kabilang kwarto. Hindi niya pa rin ako maalala kaya hindi ko ipagpipilitan ang sarili ko sa kaniya. Ayaw niyang matulog ako dito. Sakto namang pagtayo ko ay siya namang pagbukas ng pinto. Nakita ko si Jason na may dalang tray na may lamang mainit na bulalo. Bigla akong nagutom nang maamoy ang dala niyang pagkain. “You’re awake. Kamusta na ang pakiramdam mo?” nakangiting bungad niya. Nanibago a

