Chapter 44 *Abby* Habang papalapit siya sa’kin ay siya namang bilis ng t***k ng puso ko. Nakatitig pa rin siya sa’kin at hindi yata kumukurap. Hindi ko mabasa sa mga mata niya ang emosyon niya. Ilang hakbang na lang ay tuluyan na siyang makakalapit sa akin. Dahil sa labis na kaba ay umatras ako. Hinahakbang ko ang mga paa ko paatras. Hindi ko na rin matantiya ang paghinga ko. Hindi ko rin maalis ang titig sa kaniya dahil parang magnet ang nga titig niya. Para akong hinihigop at nilulunod. Hinakbang ko uli paatras ang mga paa. Sa hindi inaasahan ay nawalan ako ng balanse. “Ay!” malakas kong sigaw. Akala ko ay mararamdaman ko na ang sahig pero mabilis niya akong naagapan. Agad niyang nasalo ang likod ko at ang kamay ko ay dumapo sa matipunong dibdib niya. Ang puso ko, kakawala na ya

