Kirsten Mariin kong naipikit ang mga mata nang sumakit iyon dahil sa liwanag. Nang maka-adjust ay sumalubong sa akin ang puting kuwarto ng... ng hospital. Natigilan ako at saglit na natulala, pilit na inaalala ang nangyari. Nang mapagtanto ang lahat ay napasinghap ako’t inilibot ang paningin. Walang gising na tao kaya bigla ay binalot ako ng matinding kaba. Huli ko nang napagtanto na tumutulo na ang mga luha ko. Napaupo ako at mariing niyakap ang sarili sa takot. Maliban sa kaligtasan ko, inaalala ko rin ang lagay ng baby ko. Hindi ako maaaring ma-stress, n-natatakot akong mawala ito sa akin. Mariin kong tinakpan ang bibig at pinigil ang sarili na umiyak nang umiyak. Hinaplos ko ang tiyan ko at bahagyang natakot para sa bata. Natigilan lamang ako nang mapatingin sa gilid—kung

