~Annika's Point of View~
Lumabas na ako mula sa aking kwarto kakauwi lang namin dito sa dorm galing sa room namin kinancel ang lahat ng klase dahil sa pagkamatay ni Timmy na ass.dean, kaninang umaga ito nakita ng isang teacher ng pumunta ito sa kwarto ng ass.dean.
tsk....simula palang ito...simula palang ito ng totoong laban...hindi pa kami tapos...
Napatingin ako sa kanila ni Autumn, Winter, at Lance sobrang lapit na nila sa isa't isa nakakainggit talaga....tsk...ano ba 'tong iniisip ko...
" Ba't ba nandito na naman kayo ha death gang at flower gang?" tanong ko sa kanila.
" Annika naman! may bagong gwapo dito eh!" nakangising sabi ni Andrea habang nakatingin kay Lance na sya namang nag pasira sa mukha ni Evan.
" My queen i'm here! don't look at him!" sabi nito.
" Duhh! paki mo ba! eh sa gwapo sya eh!" sagot lang ni Andrea mas lalo tuloy umasim ang mukha ni Evan na kahit sinong pinakamagaling na pintor ay hindi kayang ipinta ang mukha nya.
" Tsk..kuya may bakud na!"sabi ni Blynne na siniko pa talaga ang tagiliran ng kapatid na si Dwight na sinamaan lang sya ng tingin.
" Levi....hindi kana makakalapit sa kanya hahaha!" tawang sabi pa ni Evan.
" Shut up!" sabi ni Levi kaya napailing na lang ako at naglakad palabas ng dorm.
" Saan ka pupunta?" nilingon ko si Autumn at nagsalita.
" Magpapahangin lang ako sa labas." sabay labas.
Naglakad ako sa hallway ng dorm at sumakay sa elevator dito pababa sa first floor sumandal ako sa dingding nito at pumikit ng maramdaman kung may ibang taong pumasok kaya iminulat ko ang mata ko at tiningnan ang taong kasabay ko.
it's...... Charlene Carson... she's beautiful with her long brown hair and her brown eyes, mahahabang pilik mata at maputi din sya with 5'7 in height.
Bumaling naman ito sa akin at ngumiti sabay sabi.
" Nice to see you again Princess Annika!" sabi nya sabay bow ng kaunti.
" Don't bow Ms. Carson....I'm happy to see you again too and please call me by my name!" sabi ko ngumiti naman sya at tumango lang. Lumabas na ako ng bumukas ang pinto ng elevator kasunod si Charlene.
tsk..bigla akong ginutom ah!
Ng makalabas na ako sa dorm building ay naglakad ako papuntang canteen dahil sa gutom ako....nagreklamo na ang mga alaga ko sa tyan.
" Sa Canteen ka rin ba? Charlene?" tanong ko sa kanya.
" Oo eh! bigla din akong ginutom!" iiling iling na sagot nya sa akin kaya mahina akong napatawa at inangkla ang kamay ko sa mga braso nya.
" Libre mo ako!" sabi ko sabay ngiti sa kanya na napailing lang.
Pumasok na kaming canteen at nag order ng pagkain namin umupo kami sa may sulok ng canteen para wala masyadong makapansin sa amin. hindi naman marami ang mga estudyante dito sa canteen kaunti lang siguro yung iba ay nasa mga dorms na nila.
" Marami ng bali ang black triangle...sigurado akong nagwawala na si Marcus na sigurado akong inakala nyang ang Black Lion ang sunod naming gagalawin." sabi ko sabay subo ng carbonara mula sa aking plato.
" tsk...what a poor bastard!" iiling iling na sabi ni Charlene.
" yeah! that bastard kill our kind..." sabi ko sabay tingin sa pinto ng canteen na papasok na ang grupo ng Greek Gang na may bahid ng ngiti sa mukha.
tsk....ang yabang talaga ng mga 'to.....
Nasaan kaya ang serpent gang? hindi ko na nakita ang mga gagong yun ah!" hindi tumupad sa usapan....hindi pa tapos ang deal namin bigla nalang nawala ang mga gagong yun.
" Ang yabang ng awra nila... nakakainis!" sabi ni Charlene na nakatingin din sa gang na kakapasok lang ng canteen.
" sinabi mo pa!" sabi ko at sumubo ulit.
" Uhh.... Annika papunta sila dito!"
huh? Kaya napatigil ako sa pagsubo at inangat ko ang paningin ko sa kanya sabay lingon sa grupo ng Greek Gang na papunta na sa table namin.
" hello there my queen!" sabi ng isang lalaking parang koreano na nakatingin sa akin na nakangiti.
" My queen? naka drugs kaba? Kailangan mo ah?" mataray kung sabi habang nakatingin sa mukha nya ngumiti lang ito at umupo sa tabi ko at yung mga kasama nya ay naki upo na din...tatlo lang sila di ko pa alam ang name nila...nung nag iimbistiga ako bawat grupo dito eh tinamad akong basahin ang mga pangalan nila.
" Charlene...right?" sabi nung isang lalaking singkit. napataas naman ang kilay ni Charlene at sumubo ulit ng kina kain nya ng hindi ito sinasagot.
"by the way i'm Eos." sabi nya at inilahad ang kamay kay Charlene na tiningnan lang nito.
" I'm not interested in your name." mataray na sagot ni Charlene. napangiwi naman ang nagpakilalang Eos at napakamot sa batok at namumula na rin ang leeg nito at ang pisngi.
" Burn Eos! Burn!" sabi ng dalawa nyang kasama na nagtawanan pa kaya natawa na rin ako habang nakatingin kay Eos na namumula ang buong mukha.
" Hahaha......I'm Annika, Eos nice to meet you!" sabi ko at inilahad ang kamay sa kanya na tinanggap naman nya.
" Annika!" sabi ni Charlene at sinamaan pa talaga ako ng tingin...umiling lang ako.
" Anong pangalan nyong dalawa?" baling ko sa dalawang katabi ko.
" Khalil the first leader!" sagot nya
" Khallin, Khalil's twin brother!" sabi nitong lalaking tinawag akong my queen.
" Waoh! Twin? nice... meron din akong kambal na pinsan!" sabi ko ng nakangiti sa kanila ang mayabang na awra nila kanina ay bigla nalang nawala at napalitan ng friendly awra.
" tss....I'm guess I don't have another choice.....I'm Charlene!" sabi ni Charlene at kumain ulit.
" So? anong Kailangan nyo sa amin?" tanong ko habang nakatingin sa kanila.
" Makikipag kaibigan lang kami!" sagot ni Khallin. tumaas ang kilay ko sa sinabi nya.
" Makikipag kaibigan?"sabi ko sabay naman na tumango ang tatlo.
" Tsk.....tingnan mo nga naman oh! Greek Gang anong ginagawa nyo at kinakausap nyo ang pinsan ng magiging Reyna ko at ang magiging Reyna ni Andrew?" sabay kaming napatingin sa taong nagsalita na walang iba kundi si Alfred kasama ang gang nya...ang gang ng scorpion.
" Excuse me? ako? magiging reyna mo Andrew? nagpapatawa ka ba?" sabi ko habang tinuro turo ko pa ang sarili ko.
" Anong mali don? gagawin ko ang gusto ko! at kung sino man ang humarang sa daanan ko mamamatay!" mabagsik nyang sabi kaya napatawa ako.
" Hindi mo pa man ako nahahawakan....patay kana Andrew!" sabi ko sa malamig na boses. ang ayaw ko sa lahat ng lalaki ay namimilit.
" hahaha kahit ayaw mo! susunod ka!" sabi nya sabay haklit sa braso ko patayo.
Naalarma naman ang mga kasama ko at napatayo narin mula sa upuan nila.
" Andrew....let her go!" malamig na sabi ni Khalil.
" Tsk.... Khalil wag kanang makialam pa!" sabi din ni Alfred.
" Let Annika go! you bastard!" galit na sabi ni Charlene na syang nagpakuha ng atensyon ni Puma at napatingin sa kanya.
" oh! total Wala dito si Winter.....bakit hindi nalang ikaw ang gawin kong reyna maganda ka naman pala eh!" nakangising sabi ni Puma na hinagod pa ng tingin si Charlene mula ulo hanggang paa...at ang bastos ng paraan ng pagkakatingin nito kay Charlene na parang hinuhubaran na nya ito sa isip.
" Gago! pag hindi ka tumigil kakatingin sa akin sa ganyang klaseng paraan....tutusukin ko yang mga mata mo!" galit na sabi ni Charlene na napakuyom ng kamao sa galit.
" she's mine Puma! don't look my woman like that or your dead!" malamig din na sabi ni Eos na hinila pa si Charlene papunta sa likod nya habang nakatingin kay Puma ng masama.
" Woman? hoy Mr. singkit....walang nag mamay ari sa akin! gusto mo yata ng sapak?! at isa pa kaya ko ang sarili ko.!" sabi ni Charlene na pilit tinatanggal ang kapit ni Eos sa kamay nya.
Napa-aray ako ng bigla nalang humigpit ang pagkakahawak ni Andrew sa pulsuhan ko....damn! f**k! ang sakit...
Mabilis kong hinawakan ang kamay ni Andrew na nakakapit sa pulsuhan ko at pinilipit ito na syang nagpamura sa kanya at binitawan ko sya ng patulak sabay hawak sa pulsuhan ko na namumula na....
" Yan talaga ang gusto ko sa babae eh! palaban!" nakangising sabi nya at bigla ulit akong hinawakan sa magkabilaang balikat ko ng sobrang higpit Kaya napangiwi ako sa sakit.....shit! ang liit ko kayang tao tapos ang laki ng gagong to...parang mababali na yung mga balikat ko.
Nagulat nalang ako ng bigla nalang nawala ang kapit ni Andrew sa akin at nasa sahig na ito nakahiga habang hawak ang dumudugong ilong.
" f**k! don't touch my woman!" napatingin ako sa taong nagsalita na sya ring sumuntok kay Andrew.
Bumaling ito sa akin na syang nag paatras sa akin ng makita ko ang mukha nya na galit at parang papatay na ng tao pero bigla lang din itong nawala ng napansing napa atras ako.
" Are you alright?" tanong nya na tinanguan ko lang....problema kaya ng isang to?
" Psh....death gang.....nakikialam na naman kayo!" sabi ni Alfred na nakangisi na.
" Psh....gago kayo! kasama namin si Annika at isa sya sa bagong leader ng flower gang na sapilitang inaangkin ng gago mong kasama!" sabi ni Andrea na masama ang tingin sa scorpion gang.
" Scorpion Gang......alis na sa lugar na ito ayaw kung makita yang pagmumukha nyo. how dare you! Annika is one of the Morgan family and Morgan Mafia don't you dare touch her again!" malamig na sabi ni Lance habang nakatingin sa scorpion gang.
" Wala akong paki alam! Annika is mine!" biglang sabi ni Andrew na nakatayo na habang pinahiran ang dugo sa bibig nya.
" No one owns me stupid! I own myself!" sabi ko at binigyan sya ng masamang titig.
Kumilos ito at unti-unting lumapit sa akin....kaya lang hindi pa sya nakakalapit ay may dagger na nakatarak sa dibdib nya.
" touch her again and your dead!" sabi din ni Autumn.
" OUT!" malamig na sigaw ni Dwight na syang nagpatalon sa akin sa gulat.
" hindi pa tayo tapos! kayo na din death gang!" gigil na sabi ni Alfred na inalalayan si Andrew katulong nito si Puma.
Napahinga ako ng malalim ng mawala sila sa paningin ko......
Tsk...patay ka sa akin Andrew....
" Annika! hindi pa sa ngayon!" napatingin ako kay Autumn at napa pout ako sa sinabi nya....
eh! gusto ko ng patayin ang gagong yun eh.....naiinis na ako sa taong yun....
" f**k!" napatingin ako kay Jace na bigla nalang nagmura at namumula ang tainga nito habang nasa malayo nakatingin........ problema na naman ng isang ito?
" Hahaha affected!!" biglang sabi nila Evan at Kiel na inasar pa si Jace.
" Problema mo? hindi naman mainit dito sa canteen ah? bat namumula ka?" taka kung tanong sa kanya.
" psh...nothing!" sagot nito ng hindi makatingin sa akin ng diretso...
" tsk....deny pa!" sabi ni Keil.
" Bakit pala kayo nandito?" tanong ko sa kanila..
" Nagutom kami eh!" sabay sabay na sagot nina Andrea at Blynne.
" ok! by the way guys.......she's Charlene at sigurado naman na akong kilala nyo na ang tatlong yan kaya hindi ko na sila ipapakilala sa inyo!" sabi ko na tinanguan lang ng tatlo.
" Psh...bakit mukha kapang masaya dyan!" rinig kung bulong ni Jace pero hindi ko nalang ito pinansin.
baliw yata ang isang ito eh!
~Stiles Point of View~
Kakalabas lang naming mag kambal galing sa deans office para alamin kung anong nangyari talaga sa ass.dean na yun at ang sinabi ng Dean ay bigla lang tumigil ang t***k ng puso ng ass.dean........at sinabi nitong walang murder na nangyari.
" they kill Bustamante and now.......Timmy Gonzaga.....Sino ang isusunod ng kambal?" sabi ko, napatingin ako kay Styx ng bigla nalang itong tumigil sa paglalakad.
" Anyare??" tanong ko at tiningnan ang tinitingnan nya.......and there Lance Morgan and Jace Morgan na nakayakap sa kambal over protectively....napakuyom ang kamao ko sa nakita.....
Damn! our sisters is ours to protect...
" damn! " mura ng kapatid ko.
******************
********************
******************
********************