~Autumn's Point of view~
" Sino yung nakita nyo kagabi?" tanong ni Annika habang nakatingin sa aming dalawa ng kambal ko na nasa likod habang magkatabi kami ni Annika.
" psh... masyado kang madaldal..." sagot lang ng kambal ko.
" Eh?? sino nga yun eh? hindi ko kayo titigilan hangga't hindi kayo nagsasalita!" sabi nya.
" Charlene Carson....." sabi ko sa mahinang boses na ikinagulat nya.
" C-carson? Mariz Sofia Carson's daughter? i thought tayo lang ang survivor sa isla?" naguguluhang bigkas nya.
" Hindi ko din alam na may survivor pa maliban sa atin." buong akala ko kami lang ang survivor..... mukhang hindi nag tagumpay si Marcus na ubusin kaming lahat...
" Annika mag iimbistiga tayo kung ilan ang patay at ilan pa ang survivor na hindi natin alam...... kailangan natin ang tulong nila.....at ang pagiging isang leader natin sa flower ay malaking tulong ito para madali lang tayong makakilos ng maayos ng hindi nahahalata ni Marcus... we'll use this leader thing.. and get what we want....get the underlings trust to us....malaking tulong na iyon para kalabanin ang black triangle."
mahaba kung sabi habang nakatingin sa labas ng bintana, kami palang tatlo ang nandito sa room maaga pa at nasa labas pa ang iba......mga ilang minuto pa ay nagsipasukan na ang ibang classmates namin.
" Yeah! what about finding your father thingy!" biglang sabi ni Annika kaya napatingin ako sa kanya ganon din si Winter na nasa kay Annika nakatingin.
" Uh...did i say something?" naguguluhang tanong nya sa aming dalawa.
" psh....I have my own people and kuya Lance mafia will help us fight the black triangle.....i don't need his help!" malamig nyang sabi kaya itinikom ko nalang ang bibig ko.
mukhang may galit din ito sa ama..
" Good morninggggg Annika! good morninggg twins!" sabay kaming napatingin sa babaeng sumigaw ng good morning na walang iba kundi si Andrea na may malaking ngiti kasunod nya si Blynne na tahimik lang.
" Tsk.... kailangan talagang sumigaw?" inis na sabi ni Annika sabay irap sa dalawa. napailing nalang ako at ibinalik ang tingin sa labas ng bintana nagtaka naman akong bigla nalang nagkagulo ang mga estudyante...ano kayang meron?
" Bakit ba ang init ng dugo mo sa amin Annika?" nakataas ang kilay na tanong ni Andrea.
" Eh...sa ayaw ko sa inyo eh! may problema ba don?" mataray na sambit ni Annika. napabuntong hininga ako at tumayo para lumipat sa tabi ni Winter. masyadong maingay ....
"Paano ba yan Annika? eh kasama ka na namin sa iisang grupo kaya magtiis ka hahahaha!" sabi ni Andrea sabay upo sa harapang upuan ni Annika katabi si Blynne.
" Psh...bitch kung hindi lang-- tsk...." iiling iling na sabi ni Annika.
" Good morning my twins!" napabaling ang tingin namin ni Winter kay Jace na kakapasok lang kasama ang mga ka-gang mates nya.
" Good morning my queen!" bati ni Evan kay Andrea na sinamaan lang nito ng tingin.
" Good morning my Countess!" bati din ni Kiel kay Blynne na hindi man lang umimik.
" Tsk...bakit ba ayaw mo akong pansinin my Blynne?" sabi ni Kiel na hindi naman sya ulit pinansin ni Blynne.
" Bakit ba ang ingay nyong dalawa ha!?" sabi ni Andrea na napakamot lang sa noo nya.
" psh...nagsalita ang maingay!" bulong ni Annika sabay cross arms.
" Lance is already here!" sabi ni Jace sabay upo sa desk namin magsasalita sana ako ng bigla nalang nag bulong bulungan ang mga classmates namin papasok sa room at ang lalakas ng mga boses nila.
" and oh! by the way twins? do you know anything about the death of Alfred Bustamante?" pabulong nyang tanong kaya nagkatinginan kami ni Winter sabay iling.
" Students take your seats!" sigaw ng teacher namin.
" Tsk....lies again!" sabi nya sabay ayos ng tayo at pumunta sa likuran para umupo na.
inilapit ko ang mukha ko sa tenga ni Winter at nagsalita ng pabulong.
" He knows already!" sabi ko.
" yeah.....hindi yan maluloko...." sagot ng kambal ko na napailing lang.
Umayos ako ng upo at mabilis na lumingon sa likuran ko sa pag aakalang si Jace ang naka upo don pero mali ko....napaurong ako sa gulat at napatitig sa mukha ng taong inaakala kung si Jace, na ngayon ay nakatitig lang sa akin. deep blue eyes staring right at me...
" Mag tititigan lang ba kayong dalawa dyan? mabilis akong napalayo mula sa kanya at sya naman ay umayos lang ng upo sabay sandal sa sandalan sa upuan nya at nag cross arms. napatingin ako sa teacher na nakapameywang na nakatingin sa amin.
" tapos na ba kayong mag ligawan gamit ang mata?" mataray nitong sabi habang nakataas ang isang kilay.
" gosh! Kita nyo yun guys....bagay sila...parang sila lang dalawa sa buong mundo!" bulong ng isang classmate namin.
" nakakakilig naman! "
" Hmmp hindi sila bagay ni Levi no!"
" inggit ka lang !"
psh.....umayos ako ng upo at hindi pinansin ang mga tao sa paligid ko.
" hahaha bagay daw kayo ni Levi oh!" nakangiting sabi ni Annika na lumingon pa talaga sa akin.
" shut up!" tsaka sya sinamaan ng tingin.
" hahaha ang cute mo pala Autumn!" mabilis kung nilingon ang kakambal kung may munting ngiti sa labi na nakatingin sa akin.
" shut up Winter! hindi ka nakakatuwa!" sabi ko sa kanya at binalik ang tingin sa harapan....kung saan nandoon na si ma'am.
" Right! Hindi na!" sabi lang nya.
bwishit! bakit ba sya nakaupo don.....kay Jace na upuan yun eh! bakit ba naman kasi sya tumitig!
Napabuntong hininga ako at itinuon nalang ang pansin sa teacher na nasa harapan.
Napapikit ako ng maramdaman kung may nakatitig sa akin mula sa lukuran..... actually kanina pa 'to... naiinis na ako sa taong ito bwisit......!
calm down Autumn you can't kill him in front of the teachers and students and also to his gangmates....Lalo pa't kaibigan din sya ni Jace.
" Everyone please proceed to the gymnasium right now!".
napatigil sa pagsasalita si ma'am maging kami ay napatigil din ng bigla nalang may nag announce.
" bakit Kaya?"
" anong meron?"
" nandito daw ang bosses ng dalawang mafia's!"
" Oh my gosh! ang gwapo pa naman nila!"
" oo nga eh!"
" tayo na girls!"
Bulong bulungan na naman ng mga estudyante.......at ang mga babae yun .....kanya kanyang kuha ng makeups sa bag nila.....tsk....mga walang magawa.
~Levi's Point of View~
Pagkatapos ng nangyari ay tinitigan ko Lang and likod ni Autumn.....tingnan natin Kung hanggang saan lang ang pasensya ng babaeng to.
" tsk.....baka naman matunaw yang kambal ni Winter Levi!" rinig kong sabi ni Dwight na umiling iling lang napangisi lang ako at nagpatuloy sa ginagawa ko.
" Levi matutunaw na yang pinsan ko kaya tumigil kana kakatitig sa kanya!" sabi din ni Jace na nasa likuran ko naka upo ng bigla nalang tumunog ang mga speaker sa buong school asking for all the students to come to the gymnasium....tsk....at lahat ng mga estudyante nag bulong bulongan na naman.
Lahat kami nagpunta na sa gymnasium dahil nadito ang boss ng dalawang mafia.....ang akala ko sa susunod na araw sila pupunta dito sa school....bakit kaya napa aga?.
" akala ko ba si Lance Morgan lang ang pupunta? bakit pati yata ang kambal na Moon nandito din?" takang sabi ni Evan.
" hmm...pati pala ang mag kambal na Moon ay papasuk na dito sa academy?" sabi din ni Andrea na katabi ang tatlo, nandito kami sa harapan mismo ng mini stage.
" Bakit ba kailangan pa palabasin ang mga estudyante? Sino ba sila? masyadong pa VIP. naman ang mga yan!" inis na sabi ni Annika. napailing nalang ako sa inasta nya.
" Please welcome the Mafia bosses everyone! simula sa araw na ito ay dito na sila mag aaral!" sabi ni tito Dwayne daddy nina Dwight at Blynne.
pumasok naman ang tatlo na nakasuot ng uniform ng academy na all black maliban nalang sa white shirt na panloob ng polo.
Nagsimula na namang naghiyawan ang mga babae.
Ibinigay naman ni tito ang mic. kay Stiles na kinuha naman nito at nagsalita.
" Hello there students....oh! by the way transferee's please move forward and the others move backwards!" nagkatinginan kaming lahat ng ka gang mates ko.
" What are they planning to do?" bulong ni Evan nagkibit baikat Lang ako at nag move backwards na kami habang ang tatlo ay nasa gitna na.
" So? transferee's huh! " sabi nito , habang yung dalawa naman ay tahimik lang , tsaka ito suminyas sa mga tauhan nito na nasa gilid lang na mabilis na pinalibutan ang tatlo.
" Fight them!" utos nito sa mga tauhan nya na mabilis namang nagsi kilos at sinugod ang tatlo na mabilis namang umiwas sa ataki ng mga tauhan ng Moon mafia at nag back-to-back silang tatlo para madali lang sa kanilang makipaglaban.
Itinaas naman ni Autumn ang kaliwang paa nya sabay sipa sa isang lalaki at si Winter naman ay binigyan agad ng suntok sa panga ang kaharap habang si Annika ay iwas lang ng iwas sa kalaban nya na halatang pinaglalaruan nya.
Hinaklit ni Winter ang kwelyo ng isang lalaki sabay suntok sa sikmura nito at balibag sa direksyon ni Autumn na binigyan lang nito ng malakas na sipa na tumilapon sa iba pa nitong kasamahan.
" Bwisit naman oh!" inis na sabi ni Annika na tinamaan ng suntok sa panga at binigyan nya rin ng malakas na sipa sa dibdib ang sumuntok sa kanya sabay pahid sa gilid ng kanyang labi na may dugo.
Sinuntok ni Autumn sa panga ang isa pang lumapit sa kanya sabay hila sa damit nito at balibag sa isang lalaking pasugod din sa kanya sabay lingon at bigay ng suntok sa isa pang lalaki na napunta kay Winter na binigyan lang nito ng malakas na sipa sa sikmura at suntok sa isa pang lalaki na hawak nya.
Gulat kaming lahat na nakatingin lang sa nag lalaban sa harapan....sobrang bilis ng kilos ng mga ito, hand to hand combat lang ang gamit pero sobrang lakas na nila.
" tsk.... that's my Cousins!" puri ni Jace na nakangiting nakatingin sa labanan sa harapan.
" Hindi mo ba pupurihin si Annika Jace?" nang aasar na sabi ni Evan na sinamaan lang ng tingin ni Jace.
" Ang galing talaga nilang makipaglaban! tama lang sila sa grupo natin!" nakangiti ding sabi ni Andrea na sinang ayunan lang ni Blynne.
Ibinalik ko ang tingin sa harap na patuloy lang sa pag depensa sa kanilang mga sarili.
" what do you think Dwight?" sabi ko habang sa harapan parin nakatingin.
" Hmm....it's fine.... malalakas sila at kaya nilang protektahan ang sarili nila....not a damsel in distress..." sagot nya na kay Winter lang nakatingin.
tss....like what i think..
" Stop!" sigaw ni Stiles na nagpatigil sa kanyang mga tauhan at sa tatlo.
" Ok. enough! " sabi nito na halatang sinusubukan ang kakayahan ng tatlo.
" You pass transferee's!" sabi nito na nakangiti at sininyasan ang ibang tauhan na dalhin sa clinic ang mga tauhang nakipag laban sa tatlo.
" Ano to exam lang!" sabi ni Annika na may iritasyon sa boses at naglakad papunta sa gawi namin kasunod lang ang kambal.
" Ayos kalang Annika? masyado namang mainit yang ulo mo!" sabi ni Blynne ng makalapit na sila sa amin.
" Tss.." Annika at umirap lang.
Napatingin kami kay Lance na lumapit sa gawi namin sabay yakap sa kambal na mukhang nagulat sa ginawa nito.
" Damn! na miss ko kayong dalawa!" sabi nito sabay bitaw sa yakap sa kambal na nakatingin lang sa kanya na walang emosyon ang mukha.
" Hindi nyo ba ako na miss na dalawa ha?" sabi nito na may pagtatampu sa boses.
" Your a mafia boss yet you act like a child!" sabi ni Winter.
" Tsk... Winter I'm your brother atsaka sa inyo lang naman ako ganito." sabi nito na umakbay pa kay Autumn na tahimik lang.
Napatingin ako sa baba ng stage ng makita ko ang kambal na Moon na nakatingin sa kay Lance at sa kambal na may masamang awra .
Napataas ang kilay ko....anong problema ng dalawang 'to?bakit may selos sa mukha nila habang nakatingin sa tatlo?pero mabilis lang din naman nawala sabay talikod ng mga ito.
" What was that?" bulong ni Kiel, na mukhang napansin din ang awra ng kambal na Moon.... nag kibit balikat lang ako.
Hindi ko din alam.....
****************
*****************
****************
*****************