Disguise Three: You're funny

1839 Words
BIGLA AKONG napadilat dahil sa tunog ng cellphone ko. Una ko pang nakuha ay ang orihinal na cellphone ko. Hello ako ng hello walang sumasagot. `Yung iPhone pala `yung tumutunog. Mabilis kong sinagot nang mapagtanto ko na mali nga `yung hawak kong phone. “Hello?” pupungas pungas kong sagot. “Good morning, Shara. We’ll be picking you up in ten minutes, so be ready, okay?” Tiningnan ko kung sino ang kausap ko. Si Mark pala. Tiningnan ko na rin kung ano’ng oras na. Muntik na akong mapamura nang makita kong three o’clock pa lang. Wala pang dalawang oras nang makauwi ako at matulog. “Shara?” tawag n’ya. “Noted. Maghahanda na ako,” sagot ko at pinatay na ang tawag. Mabilis na nag-ayos na ako. Kung ang normal na ligo ko ay inaabot ako ng 30 minutes ngayon ay na kaya ko sa five minutes lang. Pati ang paglalagay ng kung ano-anong anik sa katawan ay mabilis ko ring nagawa. World record ito. Saktong pagsuot ko ng sneakers ko ay may bumusina na sa labas ng bahay. Mabilis na kumilos ako pababa dahil baka magising pa sila Tita Marcedes, nakakahiya pa. Pati, baka sabihin no’n kakauwi ko lang aalis na naman ako. “Good morning, Shara,” sabay sabay na bati nila sa `kin. Si Marco naman ay tumango lang sa `kin. “Good morning,” bati ko rin sabay pasok sa driver’s seat. “Tanong ko lang, nasa schedule ba `tong lakad na `to ngayon o biglaan?” tanong ko sabay kabit sa seatbelt ko. “Nasa schedule namin `to, hindi mo lang siguro napansin,” sagot naman ni James. Mabilis na tiningnan ko `yung notebook ng schedule nila. Maliit na maliit na ang pagkakasulat sa schedule nilang ito. Papunta kami ngayon sa Bicol para sa gig nila and naka-indicate din dito na bukas pa ang uwi namin. “Uh, guys. P’wede ba tayong bumalik?” Sabay sabay silang napatingin sa `kin. “Ang dala ko lang ngayon ay ang sarili ko, wallet, cellphone at kaunting abubot. Bukod do’n ay wala na.” “Ano’ng problema do’n?” mataray na tanong ni John. Bigla akong kinabahan. Kahapon naman okay kami ni John. Naglolokohan pa nga kami, e. Bakit mataray siya ngayon? Nakakakaba. “H-hanggang bukas kasi tayo do’n. Wala akong dalang pamalit man lang,” sagot ko. “Okay lang `yan. P’wede ka namang bumili na lang do’n ng pamalit mo. I-charge mo na lang sa company,” sagot ni Mark at inabutan ako ng isang card. ATM to be specific. “Here, you can use this para sa mga expenses mo.” “S-sigurado ka?” tanong ko at kinuha sa kanya `yung ATM. “Paano ang signature nito? Kanino nakapangalan and everything?” “Sa `yo. Nakalimutan lang `yan ibigay ni Kuya Yael kahapon. Company allowance `yan, so don’t worry,” sabi n’ya sabay kindat pa. Tiningnan ko `yung mismong ATM. Pangalan ko nga ang nakalagay dito. Magtatanong pa sana ako tungkol sa ibang bagay pero lahat sila ay may nakalagay ng eye mask at mga nagsisitulog na. Tiningnan ko ulit `yung schedule nila. Ethan and Ysabelle’s wedding. Kasal pala ang pupuntahan namin. ITO NA SIGURO ang pinakabonggang kasal na napuntahan ko. Puro bigating artista at talaga namang puro kilalang tao ang imbitado. Nakakapanliit nga, eh. Kung wala nga siguro ang The Cliché rito malamang, wala rin ako rito. Nakakalula ang simbahan. Napakagarbo! At `yung bride ang ganda ganda n’ya. Kapatid siya ni Sir Yael. Hindi na nakakapagtaka, nasa lahi talaga nila ang mga guwapo at maganda. Ngayon ko pinasasalamatan ang pagiging assistant ko. Sa probinsiya hindi ko ito mae-experience at siguro hindi rin kapag napunta na ako sa accounting department. Tinitigan ko si Jusper habang kumakanta. Ang ganda ganda talaga ng boses n’ya. Alam niyo ba `yung feeling na ang lapit lapit n’ya pero feeling mo ang layo layo pa rin? `Ayan na siya oh. Halos abot kamay ko na, pero bakit ang hirap hirap pa ring abutin? Hanggang tingin pa rin ako. Hanggang subaybay pa rin ako. “Huy!” Napatingin ako sa gumulat sa akin. “Hi!” nakangiting bati n’ya. Magsasalita na sana ako pero pinigilan n’ya. “Justin ako, hindi si Jusper.” “H-huh?” Binalik ko `yung tingin ko sa puwesto kanina ni Jusper. Wala na siya. “Nasaan na siya?” naguguluhan kong tanong. “May schedule pa kasing iba `yun, e.” Tiningnan n’ya si Ma'am Ysabelle at ang asawa nito. “Hindi na n’ya siguro kaya pang kumanta sa kasal ng taong gusto n’ya.” “G-gusto n’ya si Ma'am?” Ngumiti lang siya sa akin. “Labas tayo. Ang boring dito.” Nanlaki `yung mga mata ko sa tanong n’ya. “Bakit?” Natatawang tanong n’ya. “H-hindi ako puwedeng lumabas, e,” palusot ko. “Bakit naman hindi? Kaya na `yan nila Mark.” Nagtaas-baba ang kaliwang kilay n’ya. Hindi ko alam kung magtitiwala ako. Sabi ng utak ko `wag, pero iba `yung gustong gawin ng katawan ko. “Wala akong gagawing masama sa iyo," nakangiti n’yang sabi sabay alok ng kamay n’ya. Hindi ko alam kung ano ang nangyari pagkatapos no’n. Ang alam ko na lang nasa labas na kami ng simbahan. Wala masyadong tao, may ilan lang mga tindera ng street food at sampaguita. “So, permanent assistant ka na nila Mark?” tanong ni Justin sabay upo sa isa sa mga batong upuan malapit sa amin. “Hindi. Sa Accounting department lang talaga ako,” matipid na sagot ko. Nakangusong tumango-tango siya. Hindi ko maiwasang hindi tumitig sa kanya. Bakit kahit alam kong si Justin siya iba pa rin ang nararamdaman ko? Ang bilis ng t***k ng puso ko. Feeling ko kilala ko siya. Feeling ko nagkasama na kami. “May dumi ba ako sa mukha?” kunot noong tanong n’ya. Umiling lang ako. “Fan ka ni Jusper?” Umupo na ako sa tabi n’ya, pero may agwat pa rin. “Oo,” matipid na sagot ko. “Ano na gustuhan mo sa kanya?” “Maganda kasi ang boses n’ya at guwapo rin. Mabait din siya.” Naramdaman kong nakatingin siya sa akin kaya hindi ko sinusubukang lumingon. “So, may chance ka pa lang magkagusto sa akin?” natatawang tanong n’ya. “Guwapo ako, maganda rin ang boses ko. Tingin ko mabait din ako.” Napatingin ako sa kanya. Nakangiti siya. “Si Mark gano’n din.” Tumaas `yung kaliwang kilay ko. “Sinasabi ko lang, hindi lang si Jusper ang gano’n.” “Talaga bang lagi kang nakangiti?” inis na tanong ko. Lalong lumapad `yung ngiti n’ya. “Oo. Nakasmile therapy ako, e.” Ibinaba ng hintuturo n’ya `yung nakataas kong kilay. “Nakakatanda raw kaagad kapag laging nakasimangot at nagtataray.” Hinawi ko `yung kamay n’ya. “Hindi ako nakasimangot at nagtataray, `no!” tila defensive na sagot ko. “Hindi ako nakasimangot at nagtataray, `no!” malanding gaya n’ya sa akin. Hindi ko tuloy napigilan ang matawa. “See? Mas bagay sa iyo nakatawa.” Napahinto ako. Ang lapit na ng mukha n’ya sa akin. 5 inches... 4 inches... 3 inches... 2 in— “Ano’ng ginagawa niyo d’yan?” Napatayo ako at umiwas nang tingin. “Sige, maiwan ko na kayo d’yan,” natatarantang paalam ko. “Uy, saglit lang, Shara,” pigil sa `kin ni Mark. Kinakabahang lumingon ako sa kanta. “B-bakit?” “Eh, bakit namumula `yang mukha mo? Naistorbo ko ba kayo?” natatawang tanong n’ya. “Uy, w-wala! Wala naman kaming ginagawa! Nagkukuwentuhan lang!” todo tangging sagot ko. Nagtaas baba taas baba ang mga kilay n’ya. Feeling ko tuloy umakyat lahat ng dugo sa ulo ko. “Tumigil ka na nga, Mark,” saway ni Justin. Pinaypay ko ang kamay ko sa mukha ko. “Ang init,” sabi ko sabay hinga nang malalim. Napangisi si Mark. “Shara, tara na, punta na tayo sa reception,” aya n’ya. Tumango-tango lang ako. “Ikaw sasabay ka?” parang nang-iinis na tanong ni Mark kay Justin. “Hindi, may dala akong sasakyan pati kasabay ko si Jasmine. Kita na lang tayo do’n,” sagot naman ni Justin. Tumayo siya at inayos ang suot na puting polo at skinny black pants n’ya. Ngayon ko lang napansin ang guwapo ng dating n’ya sa suot n’ya. Medyo formal pero may pagka-rakista pa rin. Napaiwas ako nang tingin nang tumingin siya sa akin. Wala nang nagsalita sa amin. Nagkanya-kanya na lang kami ng alis. Ako namman sumunod kila Mark at siya sa kotse n’ya. Nakita ko rin `yung Jasmine `ata `yun, inalalayan n’ya kasing pumasok sa kotse nila. “Eh...” Napatingin ako kay Mark. “Bakit ka nakatingin sa kanya?” Umiwas ako nang tingin at inayos ang upo ko. “Kanino ako nakatingin?” painosenteng tanong ko. Sinara ko na rin ang bintana nang sinasakyan naming van. “Kuya, tara na,” aya ko sa katabi kong driver namin. “Kunwari ka pa,” pang-aasar pa ni Mark. Inirapan ko na lang siya. SA ISANG linggo ko silang nakasama, mabait naman pala sila. Lahat kalog. Mag-eenjoy ka. Hahayaan mo lang talaga sila sa mga personal matter nila. Kung walang kinalaman sa pagiging banda hindi ako p’wedeng makialam. Ayos lang naman `yon. Hindi ko na nga naman talaga trabaho `yon. Personal nang buhay nila `yun kaya tingin ko hindi ko na talaga dapat pakialamanan pa. “Good morning, Shara.” Automatic na napaangat ang kilay ko at nag-alangang ituloy ang paglakad ko. Sino ba ito? Nakangiti, eh. Si Justin? “G-good morning din,” balik na bati ko. Patagilid akong naglakad, pasimpleng lumalayo sa kanya. Bakit ba ang awkward? Dahil ba `to sa nangyari kahapon? Hindi naman natuloy, eh! Teka! Wala naman talagang nangyari kahapon! Napalunok ako ng ilang sunod nang tumayo na siya sa kinauupuan n’ya sa lobby. “Ano’ng ginagawa mo?” kunot noong tanong n’ya. “Nagpa-practice ako ng sideway walking para kapag maraming tao makakasingit ako?” patanong na sagot ko. `Agad namang lumitaw ang ngiti sa mga labi n’ya. “You’re funny.” Lumapit siya sa akin at inayos `yung bangs ko na humarang sa mukha ko. “See you around.” Kumindat pa ito bago ako tuluyang iniwan. Napahawak ako sa dibdib ko. Ang bilis bilis ng t***k nito. Shems. Ano ba ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD