Disguise Four: Day Off

1765 Words
Tinapik tapik ko ang aking pisngi. Grabe. Inaantok pa talaga ako. Sa dalawang linggo na pagsama ko sa The Cliché, naranasan ko ang umuwi ng alas tres ng madaling araw para matulog at gumising ulit ng alas singko ng umaga para pumasok. Kaya siguro walang tumatagal sa kanila na assistant, wala naman kasi talagang humpay ang schedule nila. Dahan dahan kong dinilat ang mga mata ko. Napakurap kurap pa ako dahil tagilid ang tingin ko sa mga bagay bagay. “Gising ka na,” sabi ng katabi ko. Bigla kong nailayo ang ulo ko sa balikat n’ya. “Matulog ka lang kung gusto mo,” sabi n’ya ulit. “Hindi o-okay na ako,” nauutal na sagot ko. Umurong ako ng kaunti. Masyado kaming magkadikit. “Kanina pa ba ako natutulog?” Ngumiti siya. “Medyo,” sagot n’ya. Naningkit ang mga mata ko. Kanina feeling ko si Jusper siya pero nang ngumiti na siya pakiramdam ko si Justin na siya. Binalik n’ya ang tingin na binigay ko sa kanya. “Bakit?” tanong ko. “Hindi ba dapat ako ang magtanong n’yan?” kunot-noong tanong n’ya. “Sorry,” mahinang sabi ko, “Uhm. May way ba para malaman ko kung sino si Justin at kung sino si Jusper? Naguguluhan na kasi talaga ako sa inyong dalawa,” pag-amin ko. “Wala,” mahinang sagot n’ya. Tumayo siya at sandaling tumingin sa akin pero umiwas din kaagad. “Kanina ka pa yata hinahanap nila Mark,” nagpamulsa siya, “Sige, mauna na ako.” “T—“ hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil tinawag na ako ng isang crew. “Ms. Shara, tapos na po ang The Cliché. Puwede na po silang umalis,” sabi sa akin ng crew. “Ah, sige salamat,” sagot ko. Mabilis na pinuntahan ko sila Mark sa dressing room nila. Naabutan ko silang nag-aayos na ng mga gamit nila. Pasimple akong umupo sa gilid para hindi mahalata na kararating ko lang. May ilang segundo pa bago nila ako napansin. “Kanina ka pa d’yan?” tanong ni James. “Medyo?” alanganing sagot ko. “Hayaan niyo na siya, hindi naman pinagbabawal sa atin ang office affair,” natatawang sabi ni Mark, “'Di ba, Shara?” “Huh?” naguguluhang sagot ko. Inangat na nila ang mga bag nila at sabay sabay na tumayo. “Uwi na tayo, pagod na ako, e,” sabay sabay na sabi nila. Wala na akong nagawa kaya sumunod na lang ako sa kanila. Habang tinatahak namin ang kalakhang Maynila ay napapaisip ako. Ito na ang huling araw na makakasama ko 'tong makukulit na 'to. Simula bukas makukulong na ako sa opisina. `Yun naman kasi talaga ang in-apply-an kong trabaho. Gusto kong sabihin na hindi ko sila mami-miss. Gusto kong sabihin na ayos lang na hindi na ako ang assistant nila simula bukas. Kaya lang ang hirap tanggapin. Kahit ano’ng gawin kong isip sigurado akong mami-miss ko sila. “Shara,” tawag sa akin ni Mark. Tumingin lang ako sa kanya. Hindi ako nagsalita kasi feeling ko maiiyak ako. “Do you want to stay as our assistant?” “H-huh?” naguguluhang tanong ko. “Tinatanong kita kung gusto mong mag-stay na assistant namin,” ulit n’ya. Tiningnan ko kung seryoso siya. “If yes, tatawagan ko na si Kuya Yael para maghanap nang papalit sa iyo sa accounting department.” “Puwede ba `yun?” mabilis na tanong ko. Biglang nabuhay ang dugo ko. “Mark, puwede ba `yun?” ulit na tanong ko. Nginitian n’ya ako at tinapat na sa tainga n’ya `yung cellphone n’ya. “Kuya Yael, I have a favor to ask. Okay lang ba kung kuhanin na namin si Shara as permanent assistant? Yes, kuya. Thank you!” binaling n’ya sa akin ang tingin n’ya. “Ano? Pumayag ba si Sir?” kinakabahang tanong ko. “Depende daw sa iyo,” ngumiti siya sa akin, “Ano ba ang gusto mo, Shara?” Naramdaman ko ang pagtulo ng luha sa mga mata ko. “I told you, it’s not a good idea! You made her cry!” natatarantang sabi ni John. “Thank you. Thank you sa inyo. Dati ang gusto ko lang kasama mga numbers, pero no’ng nakasama ko na kayo,” ngumiti ako sa kanila. Wala na akong paki kung ang weird ng itsura ko. “You made me realize na may mga bagay pa pala akong puwede pang gawin at `yung mga bagay na `yun ay nagpapasaya rin sa akin.” Tinitigan nila akong lahat. “I want to stay with you, guys.” “`Yun oh!” sabay sabay na sigaw nila. “Party!” HINDI ko na alam kung nakailang hikab na `ko. Pagkatapos naming pumunta sa The Cliché para mag-celebrate daw dahil ako na ang magiging permanent assistant nila ay dumeretso kami kaagad sa office para naman sa recording nila. Hindi ko alam kung paano sila nakakatagal ng walang tulog. Halos 24 hours na kaming gising. Ako inaantok na, sila naman ay 'ayun. Hyper na hyper pa sa loob ng recording studio. Naghalo-halo na ang mga likido sa katawan nila. Alak at kape. Hindi ko alam kung paano nila nama-manage ang gan’yan. `Yung ako sabog na ang itsura dahil sa wala pa ngang tulog pero sila, parang hindi man lang nabawasan ang kaguwapuhan nila. Parang hindi sila mga puyat. Walang eyebags. Walang bahid na puyat sila sa mga mukha nila. “You might need this.” Napatingin ako sa kape na nasa harapan ko. “Pinuntahan kita sa accounting department pero sabi nila hindi ka na nga daw magta-transfer.” Alanganing kinuha ko `yung kapeng inaalok sa `kin ni… “Uhm. May I know kung sino ang kausap ko?” “Sino ba sa tingin mo?” nakangiting tanong n’ya. “Justin?” huminga ako nang malalim at humigop nang kaunti sa kape. “Pero minsan tingin ko si Jusper,” mahinang sabi ko. “Pero tingin ko naman hindi ako kakausapin ni Jusper nang katulad nang pagkausap mo sa 'kin. Sikat `yun, e. Mahirap i-reach.” “Por que ba sikat mahirap na i-reach? Bakit sila Mark na-reach mo?” ngumiti siya at humigop din sa kapeng hawak n’ya. “Iba naman sila Mark. `Yung kakambal mo kasi… Hay. Nagkita na kami noon sa Palawan pero no’ng nagkita ulit kami parang nag-iba siya. Oo naaalala n’ya ako, pero 'yung ngiti n’ya noong una ko siyang nakita… wala na, e. Parang naging seryosong tao siya. Noong nakita ko siya dati siya pa ang kumuha ng picture naming dalawa. E, ngayon? Minsan ko na nga lang siya makadaupang palad lagi pang napupurnada.” Napatingin ako kay Justin. Ang haba nang nasabi ko. Nakangiti lang siya sa 'kin at parang na-amazed sa mga pinagsasasabi ko. “Bakit?” “Paano kung tutulungan kitang mapalapit kay Jusper, ano mukukuha ko in return?” tanong n’ya sabay higop ulit sa kape n’ya. Tiningnan ko kung seryoso siya. “Seryoso ako, `wag mo akong tingnan nang gan’yan.” Napakunot ang noo ko. Paano n’ya nalaman `yung way nang pagtingin ko sa kanya, e, sa kape siya nakatingin? “What now?” tanong n’ya sabay tingin sa `kin. “E? Ano naman ang ibibigay ko sa `yo? Hello? Mahirap lang ako. Wala akong kayang ibigay sa `yo,” sagot ko. Totoo naman. Saka malamang lahat naman nasa kanya na, `no! “Sayang naman.” Biglang naningkit ang mga mata ko. Seryoso ba siya? As in for real? “Ah. Alam ko na. Bigay mo sa `kin ang day off mo.” “Huh? Paanong ibibigay ko sa `yo ang day off ko?” taas kilay na tanong ko. “Sasamahan mo ako kapag day off mo.” “Huh? Alam mo bang tuwing day off ko lang saka ako nakakakuha ng matinong tulog. At minsan dose oras lang ang nakukuha kong day off,” pagliliwanag ko sa kanya. “Then kukunin ko `yung dose oras na 'yun,” seryosong sabi n’ya. “Are you for real?” natatawang tanong ko. “Oh, sige nga. Sabihin na nating papayag ako, saan naman kita sasamahan?” “Kahit saan. Basta ibabalik kita pagtapos na ang day off mo.” Tinitigan n’ya ako saka ngumiti, “Mukha ka kasing masayang kasama. Plus, I’m planning to go to Palawan one of these days so I’m hoping na papayag ka sa deal at sasamahan ako.” “Ano naman ang gagawin mo sa Palawan?” kunot-noong tanong ko. “Uh. Magbabakasyon? I’m a busy person you know. Minsan kailangan ko rin mag-relax. Nakakapagod kaya ang trabaho ko.” “Ano ba’ng trabaho mo?” natatawang tanong ko. “Tuwing nakikita kita dito sa office, ang ginagawa mo lang ay ang magliwaliw dito at minsan gan’to. Iniistorbo ako.” “Iniistorbo ka? As much as I know wala kang ginagawa ngayon dahil nasa loob pa ng recording sila Mark. Hindi pang-iistorbo ang tawag dito. Nakikipag-usap ako sa `yo,” natatawang sagot n’ya. “Anyway, nakakapagod ang trabaho ko. Huwag mo akong i-judge base sa nakikita mo tuwing nakikita mo ako.” “Uh. So, paano kita ija-judge?” hindi ko mapigilan ang pagtawa ko. “Sige nga, ano ba pinagkakaabalahan mo?” Ngumisi siya. “Tawagan mo ako kapag pumapayag ka na, ha?” sabi n’ya sabay tayo at iniwanan na ako. Napailing na lang ako. Tingnan mo `yon. Hindi naman ako sinagot. “Teka. Paano ko siya tatawagan hindi ko naman alam ang number n’ya? Loko talaga `yun. Tsk.” Napatingin ako sa tinahak ni Justin. May kausap na siya ngayong babae. Ang ganda no’ng babae. Parang hindi makabasag pinggan. Mukhang mahinhin at mukhang edukada talaga. Pero tingin ko bata pa ito. Dahil medyo maliit at baby face pa talaga. Hindi katulad ko. Mukhang sabog. “Tulog siguro ako nang magsabog si Lord ng mga magagandang katangian para sa mga babae. 'Tapos no’ng nagsabog ng insecurities sinalo ko lahat,” inis na sabi ko sa sarili ko. Minsan `yung akala kong pag-a-appreciate ko sa ganda ng ibang tao naikukumpara ko na pala ang sarili ko. Nakakainis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD