Disguise Five: Dyusper

1770 Words
“This is kidnapping,” sabi ko kay Justin nang makasakay kami sa eroplano papuntang Palawan. Bangag pa ako dahil kakatapos lang ulit ng jampack na schedule ng The Cliché. Ito namang si Justin pagbaba na pagbaba ko ng van hinatak na ako palipat naman sa van na gamit n’ya. Kaya 'to, magkasama na kami ngayon at ba-byahe papunta sa Palawan daw. Ang day off ko nawala na talaga. “This is not kidnapping. May usapan tayo, `di ba?” pagpapaalala n’ya. “Sa pagkakaalala ko hindi ako pumayag,” sagot ko sa kanya. “Whatever. Matulog ka muna d’yan. Gisingin kita 'pag dating natin do’n,” sabi n’ya sabay lagay ng eye mask n’ya at saka humilig sa upuan para matulog. “Ayos? Akala ko ba ako ang matutulog? Inunahan mo pa ako, e,” reklamo ko. “Gano’n talaga para mauna akong magising sa `yo. Sige na, matulog ka na. P’wede mong gawing unan 'tong balikat ko,” suggestion n’ya saka inangat angat ang balikat. Hindi ko na lang siya pinansin at inayos ang upuan ko para makatulog din ako. May kulang isang oras din naman ang flight namin. Itutulog ko na lang kaysa ma-stress ako sa lalaking kasama ko. Napahikab ako at dahan dahang iminulat ang mata. Nagulat ako dahil wala ng ibang tao sa loob ng eroplano. Tiningnan ko si Justin wala na rin siya sa tabi ko. “Hala. Bakit ako na lang ang nandito?” Kinurot ko ang braso ko. Baka kasi nananaginip lang ako. “Aray! Hala. Naiwan ba ako?” Mabilis na tumayo ako at kinuha `yung bag ko. Wala na talagang ibang tao sa loob ng eroplano. “Nasaan naman kaya 'yung Justin na `yun?” “Uy, gising ka na pala,” bungad sa `kin ni Justin. Sakto ang dating n’ya sinalubong n’ya ako bago tuluyang bumaba. “Bakit hindi mo ako ginising? Ano’ng oras na ba?” Parang padilim na kasi sa labas. Tiningnan n’ya ang relos n’ya. “Almost 5:30. Let’s go?” Hindi ko siya sinagot at naglakad na lang palabas ng eroplano. Grabe! Ang lakas din ng saltik ng isang 'to. Paglabas namin ng airport, may lalaking may hawak na placard na nakalagay ang pangalan ni Justin. Sosyal din ang isang `to. Nag-rent ng service. Hindi ko na hinintay si Justin. Nilapitan ko na kaagad si Kuya at sinabing kasama ako ni Justin. Tatanggihan n’ya pa sana ako pero biglang dumating si Justin at sinabing kasama n’ya nga ako. Wala kaming imikan habang nasa loob ng van. Bahala siya. Wala naman akong sasabihin sa kanya plus kasama lang naman ang kailangan n’ya hindi kausap. Pagdating namin sa hotel, sinalubong na kaagad kami ng bellboy. “Wait lang, confirm ko lang `yung reservation natin,” sabi sa `kin ni Justin. Tumango lang ako sa kanya bilang sagot. After ng ilang minute bumalik si Justin. “Ang pangit ng service dito,” inis na sabi n’ya. “Hala, bakit?” gulat na tanong ko. Itong hotel na ito ay isa sa pinakamagandang hotel dito sa lugar namin. “I confirmed my reservation yesterday pero sabi nila wala daw akong reservation. That’s bullshit.” Kinuha n’ya ang mga gamit namin gamit ang isang kamay n’ya lang at bigla akong hinatak palabas at sumakay ulit sa van na ni-rent n’ya. “Manong, may iba pa bang hotel dito?” “Naku, Sir. Baka mahirapan po tayo makahanap ng hotel ngayon. Kailangan po may reservation kayo,” sagot naman ni Manong. Parang lalong nag-init ang ulo ni Justin dahil sa sinabi ni Manong. Napailing na lang ako at kinuha ang cellphone ko. Tatawagan ko na lang si Kuya Park, baka sakaling matulungan n’ya kami. “Hello? Sino `to?” “Kuya Park, si Shara `to.” “Oh, ba’t napatawag ka?” “May problema kasi ako, Kuya. Nandito ako ngayon sa Palawan. May kasama ako, wala kasi siyang matutuluyan ngayong gabi, e. May alam ka bang inn na available?” Tiningnan ko si Justin. “Ilang araw ka ba dito?” tanong ko. “Huh? Anong ilang araw?” “Hindi ikaw, Kuya. Wait.” Tiningnan ko ulit si Justin. “Ano?” “Sino `yan?” kunot-noong tanong sa `kin ni Justin. “Sasagot ka ba o dito ka matutulog sa van na ni-rent mo?” balik na tanong ko sa kanya. “Sino ba `yang kasama mo? Boyfriend mo?” natatawang tanong ni Kuya Park. “Hindi, `no!” “Sus! Deny pa. Walang available na inn ngayon, Shara. Baragatan ngayon, nakalimutan mo ba? Maraming turista ngayon. Sa bahay niyo na lang kayo mag-stay. Si Tita Sabel lang naman ang nando’n.” Napailing ako. Oo nga pala. Baragatan nga pala ngayon. Bakit ba hindi ko kaagad naisip `yun? Tsk. “Oo nga pala. Sige, kuya. Salamat!” “Daan ka sa Provincial Capitol kung maluwag schedule niyo. Nandito ako ngayon, may service.” “Sige. Libre mo ko, ha?” natatawang sabi ko. “Sige. Ikaw pa! Malakas ka kaya sa `kin!” Nagpaalam na `ko at binaba na ang tawag. Inutusan ko si Manong na dumaan muna sa Provincial Capitol. Mamaya na lang kami uuwi sa bahay. Hindi ko pa rin naman natatawagan si Mama. Hindi ko sana ipapaalam na nandito ako pero wala talaga kaming choice. Pagdating namin sa capitol, tinawagan ko kaagad si Kuya Park. Sabi n’ya maghintay lang daw kami ng kaunti dahil hinatid n’ya pa raw sa backstage `yung artista na service n’ya ngayon. Kaya naman pala, si Kuya Park mismo ang driver ng service ngayon. Bigtime ang customer nila. Napatingin ako kay Justin. Naka-shade na siya ngayon at nakasuot ng cap. Para siyang may pinagtataguan. “Anong get up `yan?” natatawang tanong ko. “Madaming tao, baka may makakilala sa `kin,” sagot n’ya saka nilibot ang paligid. “Natural maraming tao ngayon dito. Bukod sa may festival, may mga artista pang pupunta. `Wag ka ngang pa-showbiz d’yan. Hindi ka naman makikilala ng mga `yan.” “Uh. Sa pagkakaalala ko, iisa lang ang mukha namin ni Jusper. Sa pagkakaalala ko rin sikat `yung kakambal ko. Tingin mo kaya hindi nila ako mapagkakamalang Jusper kapag nakita nila ako?” sarkastikong sabi n’ya. Nagkibit balikat na lang ako. Sorry naman. Hindi ko kaagad naisip `yun, e. Napatingin ako sa stage. May guwapong binata na kumakanta sa stage. Sino nga `to? Hmm. “Dito pala pupunta si Shade? Hindi man lang ako sinabihan para nagsabay na lang kami,” naiiling na sabi ni Justin. `Ayun! Shade nga ang pangalan n’ya. “Kilala mo si Shade Silverio?” gulat na tanong ko. “Oo?” natatawang sagot n’ya. “Maliit lang ang mundo ng showbiz, Shara. Kaya imposibleng hindi kami magkakilala.” “Showbiz? Bakit part ka ba ng showbiz na sinasabi mo?” natatawang balik tanong ko sa kanya. Hindi ko nakita pero sigurado akong inirapan n’ya ako dahil nagbago ng kaunti ang galaw ng mukha n’ya. “`To hindi na mabiro. Ayaw mo naman kasing magkwento kung ano’ng ginagawa mo sa buhay.” “Shara!” Napatingin ako sa tumawag sa 'kin. Si Kuya Park. “Kumusta? Bakit hindi mo sinabing uuwi ka?” “Biglaan lang kasi, Kuya.” N’yakap ko siya. Grabe, na-miss ko `tong pinsan ko. Mag-iisang buwan pa lang akong hindi nauuwi dito pero sobrang miss ko na talaga sila. “Nga pala, kuya si Justin pala,” pakilala ko. “Hi!” bati ni kuya kay Justin. Pilit na ngumiti lang siya at hindi na pinansin si kuya Park. “Pagpasensyahan mo na `yan. Maraming pinaglalaban `yan sa buhay.” Nagkuwentuhan kami nang nagkuwentuhan ni Kuya Park. Si Justin naman nakikinig lang. Okay lang, choice naman n’yang 'wag magsalita. Pero sana hindi n’ya pinapahalata na ayaw n’ya sa pinsan ko. Nakakaloka. “Sige, Shara. Mauna na ako. Tapos na raw sila Shade. Ihahatid ko pa sa airport,” tumingin siya kay Justin, “'Tol, una na ako. Ingat kayo ng pinsan ko.” Yumakap lang ako saglit kay Kuya Park bago siya tuluyang umalis. Bumalik na rin kami sa van para makapunta na sa 'min. Napapatingin ako kay Justin dahil napapangiti siya. Para siyang timang na ngumingiti sa isang tabi. “Baliw ka na? Sa mental na kaya kita dalhin?” kunot-noong tanong ko. Ngumisi lang siya at hindi ako pinansin. Baliw. Kinuha ko na lang ang phone ko at tinawagan si Mama. “Ma, uuwi ako ngayon d’yan sa bahay,” bungad ko kaagad. “Bakit naman biglaan?” “Basta po. May kasama po akong bisita, paayos na lang ng kuwarto ni Kuya. Do’n ko patutulugin.” “Naku, pinaglagyan ko ng mga gamit `yung kuwarto ni Kuya Shaw mo. Magtabi na lang kayo sa kuwarto mo.” “Ma, hindi po p’wede.” Napatingin ako sa dinadaanan namin. “Ay, Manong. Pakiliko d’yan sa kanto,” sabi ko. Binalikan ko si Mama. “Bahala na pagdating d’yan, Ma. Malapit na kami.” Pagpasok na pagpasok namin sa loob ng bahay tinanggal kaagad ni Justin ang shade at cap n’ya. Nagpalit palit ang tingin ni Mama sa poster na nasa pinto ng kuwarto ko at kay Justin. “'Nak, bakit hindi mo naman sinabi na kasama mo pala si Dyusper? Hindi ako nakapaghanda!” natatarantang sabi n’ya nang mapagtanto n’ya na magkamukha ang nasa poster at ang lalaking kasama ko. “Ma, dyasper ang pagbigkas no’n, hindi dyusper. Pati, hindi po `yan si Jusper,” paliwanag ko. “Dyusper `yon, `nak. Nakita mo ba ang spelling?” lumapit siya sa poster sa pinto ng kuwarto ko. “Oh. J-U-S-P-E-R, dyusper ang basa d’yan.” Napa-facepalm ako dahil sa ginagawa ni Mama. Nakakahiya. Lumapit ako sa kanya at pinigilan siya sa pagturo sa spelling ng pangalan ni Jusper. “Ma, dyasper nga po. Di-yas-per po.” “Magandang gabi po,” singit sa 'min ni Justin. “Kakambal po ako ni Jusper,” nakangiting pagpapakilala n’ya. Tinapik ko nang mahina sa braso si Mama. “Sabi ko po sa `yo, Dyasper, e.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD