Disguise Eight: Come on.

1755 Words
Lumipat ang palad ni Marco sa kaliwang pisngi ko. Ang init ng palad n’ya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Napatingala ako, dahil mataas siya sa `kin. Napatitig na lang ako sa mga mata n’ya. Kulay green pala ito. Wala naman kasi akong masyadong alam sa kanya at hindi ko rin naman siya masyadong binibigyan ng pansin. Ngayon lang. Bagay sa kanya ang kulay green n’yang mata. Maputi naman kasi siya at may katangkaran rin. Kung titingnan mo ang tindig n’ya ay para siyang prinsipe sa isang malayong palasyo. Pareho sila ni Mark ng facial feature, light brown lang ang kay Mark. Hindi kaya magkapatid sila? Napangisi ako sa naisip ko. Imposible naman `yun. Ito na naman ako kung ano-ano na naman ang naiisip ko. Hay. “Why are you smiling?” Tila nabuhay ang kaluluwa ko nang marinig ko ang boses ni Marco. “N-nothing.” Hinawi ko `yung kamay n’ya na nasa mukha ko. “Okay na ako, wala na akong sakit.” “No, you’re not okay. Your face is red and you’re hot.” Ako lang ba, o may halo talagang pag-aalala ang tano ni Marco? O akala ko lang kasi ngayon ko lang naman siya narinig na magsalita? “Look, Marco. I’m okay. I’m good. I’m not sick anymore. So, let’s bring the coffee,” pag-a-assure ko sa kanya. Kinuha ko na `yung tray at naglakad na pabalik sa studio. Nagtanong sila kung bakit natagalan, nagpalusot na lang ako na nagloko `yung machine. Noong hinanap nila sa `kin si Marco saka ko lang napansin na hindi pala siya sumunod sa `kin kanina. Saan naman kaya naglusot ang isang `yun? Tss. Nagpaalam ako na hahanapin ko muna dahil kailangan si Marco sa rehearsal. Bumalik ako sa vending machine pero wala na do’n si Marco. Sinubukan ko siyang tawagan sa cellphone pero hindi naman sinasagot. Ano kaya ang problema ng isang `yun? Sumasabay pa siya sa ka-weirdo-han ng ibang tao ngayon. “Hello, this is Marco. I’m currently away, so, just leave your message after the beep. Thank you,” sabi ng voicemail ni Marco. Hindi ko na hinintay ang beep at pinatay ko na lang `yung tawag. Bakit kaya hindi nag-singer si Marco? Kahit sa phone maganda rin ang boses n’ya. Huwag din kaya akong magsalita? “Shara!” Napatingin ako sa tumawag. Si Ate Jessica. “Kanina pa kita hinahanap.” Napakunot ang noo ko. “Bakit naman, Ate?” “Lheine is absent at sabi ni Sir Yael sa iyo ko raw ipasa ito,” inabutan n’ya ako ng papel, “Jusper’s schedule for the afternoon. Nagawa na n’ya `yung para sa morning show kanina and he’s now on his way to the recording studio. Be sure to take good care of him, okay?” bilin n’ya. Kinurot n’ya pa ako sa tagiliran at halatang hindi mapigilan ang kilig na nararamdaman. “This is your chance, be sure to grab it,” pahabol n’ya sabay kindat. “I will. Thank you, Ate,” sabi ko at saka nagpaalam sa kanya. Kinuha ko `yung schedule ng The Cliché. “Halos pareho lang naman pala. Hindi na ako mahihirapan dito.” Pagbalik ko sa recording studio nando’n na si Marco. Hinayaan ko na lang. “Shara,” tawag sa `kin ng composer nila. “Can you check Jusper? I need him for the next song.” “P-po?” gulat na tanong ko. “I. Need. Jusper. Now.” “Yes, Sir.” Bigla akong nataranta. Parang nagalit kasi siya sa `kin. Nagtanong lang naman ako. Kinuha ko na `yung phone ko at tinawagan `yung phone ni Jusper. “What?!” Nailayo ko ang phone sa tainga ko. Parang galit kasi si Jusper. “Hi, Jusper. This is Shara. Ako `yung inutusan na maging assistant mo today. Itatanong ko lang kung nasaan ka na? Hinahanap ka na kasi ni Sir Cruz,” pormal na sagot ko. Grabe ang kabog ng puso ko. Parang may bomba na mabilis ang countdown. Any minute p’wedeng sumabog. “Tell him to wait. Nasiraan ako malapit sa office and I can’t get off the car may mga fan sa labas.” “Sunduin na kita, malapit ka lang naman kamo, `di ba? Hintayin mo ako,” mabilis na sabi ko. “O-okay.” Hindi na ako nakapag-bye dahil pinatay na n’ya `yung tawag. Mabilis na kinuha ko `yung bag ko at nagpaalam na susunduin ko lang si Jusper sa malapit. Hindi naman ako nahirapan na hanapin siya dahil kitang kita kung saan siya nasiraan. Hindi ko na nga halos makita `yung van na sinasakyan n’ya dahil maraming tao ang nakapaligid dito. Lumapit ako sa mga tao. Sinusubukan kong makisingit pero hindi ko magawa. Natutulak lang din ako pabalik ng mga fan. Parang nag-iinit ang ulo ko. Naririndi ang tainga ko sa tilian nila. Hindi pa nagpe-perform n’yan si Jusper, ha? Nakaupo lang `yan sa loob ng van at walang ginagawa, pero kung tilian nila. Nagbeep ang phone ko. Tiningnan ko kung sino ang nag-text. Si Jusper. What are you doing? Come on. You need to hurry. Napasimangot ako. Nakikita naman pala n’ya ako. E, `di alam n’yang nahihirapan akong sumingit dito sa mga fan n’ya. Kung tinutulungan n’ya kaya ako? Tss. Napatingin ulit ako sa phone ko dahil nag-beep ulit ang phone ko. If I’m late, I’ll be blaming you. Hurry. Nanggigil ako sa phone ko. Napaka-demanding pala ng isang `to. Paano nakakatagal si Lheine sa kanya? Kinalma ko ang sarili ko. “Come on, Shara. Si Jusper `yan. Patience. Ito nga ang dahilan mo kaya ka nandito, `di ba?” Huminga ako nang malalim at tiningnan nang masama ang mga babaeng nagtitilian. “Excuse me, p’wede po bang paraanin niyo ako,” sigaw ko. Nagtinginan silang lahat sa `kin. Kung nakakamatay ang tingin, malamang napakarami kong stub wound. Ngumiti ako sa kanila. “Makikiraan lang, okay?” Nag-giveway sila. Nag-O shape ang bibig ko. Madali naman pala silang kausap, e. Nagkibit balikat na lang ako at nagtuloy sa paglalakad. “Jusper!” sabay sabay na sigaw nila. Napatingin ako sa likuran ko. Nakatayo si Jusper sa hindi kalayuan at nakangisi. Don’t tell me kanina pa siya nasa labas? Huminga ako nang malalim para pakalmahin ng sarili ko. Magsasalita na sana ako nang biglang na tulak tulak na ako ng mga babaeng nasa likuran ko. Sa kakatulak nila hindi ko namalayan na tatama na pala ako sa van. Naramdaman ko na lang `yung sakit sa likod at ulo ko no’ng tumama na ako. Nanlalabo ang mata ko. Naalog yata ang ulo ko. Hindi ko alam kung tama ba ang nakikita ko. Parang tila nahawi ang mga tao at may isang guwapong nilalang na papalapit sa `kin. Tinatawag n’ya ang pangalan ko habang palapit nang palapit siya sa `kin. Pupunta na ba ako sa langit? Napangiti ako nang makita ko nang malapitan ang anghel na sumundo sa `kin. “Justin.” DAHAN DAHAN kong minulat ang mata ko. Hindi ko magalaw ang katawan ko. Para akong binugbog ng isang katerbang tao. Ang ulo ko naman parang may adobeng nakasabit sa sobrang bigat. Hindi ko maiangat. “Ano’ng nangyari?” tanong ko nang makita ko si Mark sa paanan ko. “Nasaan ako?” “Are you okay?” tanong n’ya imbes na sagutin ang tanong ko. Tumango na lang ako bilang sagot. “Shara, ang trabaho mo ay alagaan ang artist hindi ikaw ang aalagaan. Paano na lang kung wala si Jusper do’n kanina? Ano na lang ang mangyayari sa `yo?” nag-aalalang tanong n’ya, pero parang naiinis din. “W-wait? Anong ako ang aalagaan? Sa pagkakaalala ko susunduin ko dapat si Jusper dahil nasiraan daw siya,” depensa ko. “Ano ba’ng kinuwento n’yang nangyari?” “That you are also screaming with the fans. Then they knew na assistant ka ni Jusper kasi pinagsigawan mo raw at,” tinuro n’ya ako, “that happened.” “What?! Hindi gano’n ang nangyari!” tanggi ko. “He’s lying! Pagdating ko do’n wala na siya sa loob ng van na akala ko nando’n pa siya. Siya kaya ang may kasalanan nitong nangyari sa `kin!” Pinilit kong umayos nang upo para makapag-usap kami nang maayos ni Mark. “Kung hindi siya nagpakita sa mga fan n’ya, e, `di hindi sana ako matutulak ng mga iyon!” inis na sabi ko. Mariing napapikit si Mark. “Kailangan mong magpahinga. Kaya na naman ang schedule namin ngayong araw. Guesting lang naman `yun.” Iiwanan na sana n’ya ako nang pinigilan ko siya. “Wait! Iiwanan mo ako dito? Sasama ako sa inyo.” Pinilit kong tumayo at bumama sa kamang hinihigaan ko. “Sasama ako,” pamimilit ko pa. “Kasama namin sa guesting si Jusper and I don’t think na good idea na ang magsama kayong dalawa.” Hindi ko siya pinakinggan at naglakad na palabas. Hindi ko alam kung ano ang issue sa `kin ni Jusper para gawin `yung ginagawa n’ya. Pero hindi ako papayag na gano’n ang gawin n’ya sa `kin. Hindi por que gusto ko siya gaganituhin n’ya na ako. Hindi makatarungan `to. Kinuha ko `yung phone ko at tinawagan si Justin. “Hoy! Akala ko ba tutulungan mo ako kay Jusper? Bakit parang pinagti-trip-an n’ya ako?!” sigaw ko pagkasagot n’ya nang tawag. “I don’t know. May sariling isip `yan. Tinupad ko naman `yung usapan natin, ha? Give me your day off and I will help you with Jusper. Hindi ko pinapasok si Lheine para magkasama kayong dalawa. I did my part. How to tame him will be your job. Bye,” masungit na sagot n’ya sabay patay nang tawag. “Tingnan mo `tong mokong na `to! Ugh!” Nakita ko si Jusper sa `di kalayuan. Nakangisi siya. Determinadong tinitigan ko siya. “I will get you by hook or by crook.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD