Disguise Nine: CIJ Films

1859 Words
PINAPANOOD ko sila habang nasa taping ng isang TV show. Parang ang saya-saya nilang kausap. Nagtatawanan sila no’ng host at parang normal conversation lang at hindi scripted ang mga nangyayari. Napapatitig lang ako minsan kay Jusper. Kapag gan’yan siya, para siyang mabait talaga na tao, madaling kausapin at parang hindi gagawa ng kahit ano mang masamang bagay. “Medyo matagal na rin kayo sa pagiging isang banda and you,” tinuro ng host si Jusper, “as a solo artist. Naisipan niyo ba kahit minsan na pumasok sa pag-aartista?” “May mga nag-o-offer, pero hindi namin tinatanggap,” sagot ni Mark. “Playing music and acting is a different thing,” sagot naman ni John. “Playing music is our passion. We tried to do something different like acting,” napailing si James, “you probably don’t want to see it.” “It’s awful,” maikling dugtong ni Marco. “How about you, Jusper? We heard that CIJ Films is recruiting you for the lead role of their upcoming movie He’s a She, why don’t you accept their offer?” “If they’re awful in acting, so do I. Acting is not actually my thing,” natatawang sagot ni Jusper. “P’wede ba naming makita kung paano kayo umarte? For fun lang,” suggestion ng host. “What do you think?” tanong n’ya sa audience. Siyempre, lahat kami sang-ayon. “P’wede ba niyo ba kaming mapagbigyan?” Nagkatinginan silang lima. Wala kasi sa script ang part na ito. Hindi siguro expected na maikli lang ang isasagot nila patungkol sa acting. Sa huli wala na ring nagawa ang lima at pumayag na lang sa gusto ng host. Hindi rin naman sila p’wedeng umayaw at mag-inarte dahil maraming nanonood sa kanila. “Alright!” Tumayo ang host at nagpunta sa audience. “Okay, I will pick one lucky lady here para maging partner ng dalawa sa kanila para sa unang skit. Sino ang gusto?” Nagkagulo ang crowd. Lahat ng mga babae gusto. Sino nga ba ang hihindi sa limang guwapong nilalang na ito? Kahit ako mapapa-oo. Nagulat ako nang biglang nasa tabi ko na ang host at tinapat sa bibig ko ang mic. “Look at this lovely lady. Ano’ng pangalan mo?” tanong n’ya sa `kin. “S-Shara. S-Shara Santiago,” kinakabahang sagot ko. Iniisip ko lang kanina pero ito nga. Ako nga ang napili. Baka naman alam n’yang assistant ako kaya ako na lang ang pinili? Igin’ya n’ya ako papunta sa stage at ipinakilala sa lima. Nagkunwari naman sila na ngayon lang nila ako nakilala. So, gano’n din ang ginawa ko sa kanila. Ang bilis ng t***k ng puso ko. Kinakabahan ako. Mapapanood `to sa buong Pilipinas at kung maaari ring sa ibang bansa. “Sino ang gustong mauna sa inyong lima?” Napangiti ang host dahil mabilis na nagtaas ng kamay is Jusper at Marco. Tumayo na sila at lumapit sa `min sa gitna ng stage. “Sino nga ba ang tatanggi sa magandang dilag na ito. Ngayon, kunwari si Marco ang current boyfriend at si Jusper naman ang ex. Si Jusper gustong makipagbalikan kay Shara, ano ang gagawin niyo? Ikaw Jusper, will you do everything to take her back or will just let her to be with Marco,” tumingin naman siya kay Marco, “Marco, will you let her go or you will fight for her?” sa `kin naman napunta ang tingin n’ya, “How about you, Shara? What will you do?” “H-huh? W-what will I do?” natatarantang tanong ko. Nagulat ako nang biglang hawakan ni Marco ang kamay ako at hinatak ako sa side palayo kay Jusper. Wait? Nagsisimula na ba? Ano’ng gagawin ko? Kailangan ko bang magsalita? May hindi ba ako narinig sa sinabi ng host? Gad. Nagulat na naman ako nang hawakan naman ni Jusper ang isa ko pang braso. Parang pinag-aagawan na nila ako ngayon. Ano ba ang dapat kong gawin? Magsasalita ba ako? Kinakabahan ako. “I will take her back,” mariing sabi ni Jusper. Sa tono n’ya parang gusto ko nang himatayin. Parang seryosong seryoso siya sa binitiwan n’yang salita. Hinatak ako ni Marco at naalis ang pagkakahawak ni Jusper sa braso ko. L-um-anding ang mukha ko sa dibdib n’ya. Napalakas nang kaunti ang pagkakahatak n’ya. Hindi ako nakaalis sa puwesto namin na gano’n dahil kinulong ako sa yakap ni Marco. Nararamdaman ko sa pisngi ko ang mabilis na kabog ng dibdib ni Marco. Kinakabahan siguro siya. “I won’t let you,” balik naman ni Marco kay Jusper. “You left her. Live with the pain.” Hindi ko makita kung ano na ang itsura ni Jusper. Pero base sa reaction ng mga tao, mukhang effective naman ang pag-arte nila o nadadala lang sa kaguwapuhan nila? “Why don’t we ask Shara kung kanino n’ya gustong sumama?” suggestion ni Jusper at hinatak ako palayo kay Marco. Pero hindi katulad nang ginawa ni Marco, hinayaan lang ako ni Jusper na nasa pagitan nila. “I still love you. I never stop loving you. Please, come back to me,” samo ni Jusper. Tinitigan ko siya. Tinitingnan ko kung may tutulong luha. Pero bigo ako. Mukha lang siyang malungkot pero walang luhang tumulo. “I-I...” Napatingin ako kay Marco. “I-I love you, Shara and I will do everything just to make you happy.” Napatingin ako sa isang crew na nasa harapan ko at kumakaway para makuha ang atensyon ko. May hawak siyang manila paper at may nakalagay na basahin ko raw. Kaya binasa ko. “Paano kung ang makakapagpasaya sa `kin ay ang pagbalik ko sa piling n’ya. Will you give my freedom, Marco?” seryosong basa ko sabay tingin kay Marco. Sinalubong n’ya ang tingin ko. “Will you?” ulit ko. `Yun kasi `yung nakalagay sa manila paper. “W-what?” parang naguluhan na tanong n’ya. Hindi yata nila alam na binigyan ako ng script. Sorry. “You want to be with him after what he did to you? If he left you before, then he is capable of leaving you again.” Nagulat ako dahil bigla na lang akong nakakulong sa bisig ni Jusper. Naramdaman ko pa ang pagdampi ng labi n’ya sa noo ko. “Let’s get married and I’ll promise, I will never leave your side ever again.” Damang dama ko `yung sinabi ni Jusper. Lahat ng fan n’ya `yun ang pinapangarap na marinig galing sa bibig n’ya. Gusto kong mag-sink in sa buong sistema ko pero bigla na lang sumigaw ng ‘Cut!’ `yung host. Parang biglang gumuho ang lahat. Parang bigla akong nahiya sa lahat nang nangyari. Pero on the bright side, nahalikan ako sa noo ni Jusper. Alam kong totoo `yun. Naramdaman ko siya. Hindi siya panaginip. “And they just called themselves an awful actors? E, parang may pinaghuhugutan nga, e! Ano sa tingin niyo?” kuwelang tanong ng host sa mga audience. Siyempre nagtilian lang sila. Tinignan ako ng host at kinamusta nang kaunti at pinabalik na sa puwesto ko. “Jusper, are you sure na ayaw mong tanggapin ang offer para maging lead role? The way you act parang it’s natural.” Alanganing ngumiti si Jusper. “No. I think may mas deserving pa para sa role na iyon.” “NAPANOOD niyo ba `yung latest episode ng The Gandang Gabi Show?” Napatago ako sa likuran ng poste nang marinig ko `yung pinag-uusapan ng mga tsismosa dito sa office. “Ang suwerte ni Shara, mga baklush!” “Ay, havey na havey! `Yung kiss sa noo, oh! Panalo! Pak na pak!” sabi pa ng isa. Parang biglang nanghina `yung mga tuhod ko. Ang bilis na ipinalabas `yung shooting noong isang araw. Akala ko mga next week pa. Sana hindi napanood ni Mama. Patalikod akong naglakad palayo sa kanila. Sinigurado kong sa pader nakaharap ang mukha ko. Malamang marami ang nakapanood no’n dito sa office. Pagtsi-tsimisan na nila ako. “Shara!” Natarantang nilingon ko `yung tumawag sa `kin. Si Ma’am Ysabelle pala. “Oh, ba’t parang nakakita ka ng multo?” natatawang tanong n’ya. “Naku, hindi po, Ma’am. Nagulat po kasi ako sa inyo. May kailangan po kayo?” “Yeah,” inabot n’ya sa `kin `yung isang papel, “Ito `yung schedule ni Jusper. Wala kasi si Lheine may emergency daw. Ako na muna ang bahala kila Mark.” “J-Jusper po?” Nakangiting tumango siya. “Yep, may problema ba? Sabi kasi ni Lheine sa iyo ko raw ipasa dahil ikaw na rin naman ang nag-handle sa kanya noong nakaraan na wala rin si Lheine.” “W-wala naman pong problema, Ma’am. Sige po, mauna na ako.” Bahagyang yumuko pa ako biglang paggalang at saka iniwanan si Ma’am. Tiningnan ko ang schedule ni Jusper. Puro sa labas. May ilang TV guestings. Napatitig ako sa unang schedule n’ya ngayong araw. Tiningnan ko pang maigi dahil baka namali ako ng basa. “Meeting with CIJ Films,” basa ko. Nabitawan ko `yung papel nang biglang tumunog `yung phone ko. Tiningnan ko kung sino `yung tumawag. Pinulot ko muna `yung papel bago ko sinagot. “Oh, bakit?” pataray na sagot ko kay Justin. “Don’t you need to fetch Jusper now? Ano pa ba ang tinutunganga mo d’yan? Male-late na siya sa schedule n’ya.” “E, bakit hindi ikaw ang sumundo? Tss.” “Trabaho mo `yun, `di ba?” Hindi ko na siya sinagot at pinatay na lang ang tawag n’ya. Sayang lang sa battery ang pakikipag-usap sa tao na `yun. Tss. Lumabas ako ng office para hanapin `yung van ni Jusper. Hindi naman ako nabigo dahil sakto bumaba si Jusper galing do’n. Sinalubong ako nang nakakunot na noo n’ya. Magrereklamo sana ako pero hindi ko na ginawa. Baka kung ano na naman ang ikuwento n’ya kila Mark. Tss. Hindi naging maganda ang nangyari sa meeting dahil kahit ano’ng i-offer ng CIJ Films ay tinatanggihan ni Jusper. After ng meeting n’ya sa CIJ Films ay pina-cancel n’ya sa `kin ang lahat ng schedule n’ya na nakasunod noon. Itatanong ko sana kung bakit n’ya pina-cancel pero hindi na ako nagtanong. Parang wala na rin kasi siya sa mood. Nagpahatid sa isang home for the aged na facility si Jusper. Sinabi n’ya na iwanan na namin siya doon, pero ang ginawa ko ay bumaba rin ako nang makapasok siya sa loob at pasimple ko siyang sinundan. Ano kaya’ng gagawin n’ya dito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD