Nakauwi na kami ng bahay, bigla ring bumuhos ang malakas na ulan kanina habang bumabyahe kami ni Kuya Gibo pauwi.
Alas kwatro y media na ng hapon.
Inayos ko na yung mga gamit ko sa eskwela at ng matapos, napagpasyahan ko ng mahiga ulit sa kama.
Halos mapabalikwas ako ng maalala kong may number na nga pala ako ni Ellias.
Nagmadali akong kunin ang phone ko sa bulsa ng pants ko, at hinanap ang numero niya doon.
Tinitigan ko 'yon.
What should i do? tatawagan ko ba sya?
Since, ako ang may number nya. Hindi naman pwedeng ako ang tawagan nya dahil wala naman nya akong number.
Right?
Napakagat ako sa labi ko ng mapagtantong mukhang ako pala dapat ang tatawag o magtetext sa kanya.
Nagtatalo pa ang isip ko, ano naman ang sasabihin ko?
Nagsimula akong magtipa sa kanya ng mensahe, itetext ko nalang sya para ng sa ganon hindi masyadong nakakahiya.
To: Ellias,
Hi! si Marina to. Nasave ko na ang number mo gaya ng sabi ni Lukas kanina.
Binasa ko yung muli isesend ko ba? anong oras na ba ngayon sa Singapore? mamaya nakakadisturbo ako sa kanya nakakahiya.
Napasinghap ako ng mapag alaman na pareho lang pala ang timezone ng atin sa Singapore.
Nagdadalawang isip parin ako kung iinform ko ba sya, itetext ko ba? sasabihin ko lang naman na number ko 'to tapos wala na. Tutal wala namang namamagitan samin diba? ba't ba ako nag ooverthink.
I pressed send.
Tinapon ko ang selpon ko sa paanang bahagi ng kama ko at kumuha ng unan para itakip sa mukha ko, bahagyang tumili.
Nakakahiya!
Kabado ako, hindi narin mapakali.
Yung puso ko gusto ng lumabas mula sa ribcage ko.
Pano pag nagreply anong sasabihin ko? rereplyan ko ba?
Naghinatay ako ng ilang minuto pero hindi umiilaw ang selpon ko, walang ganap.
Walang reply kay Ellias.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil hindi ko na pag iisipang muli ang isasagot ko kung saka sakali mang magreply sya sakin ngayon. Oh malulungkot ako kase wala man lang akong sagot na nakuha sa kanya.
Lumipas ang labing limang minuto wala parin, napasampal na lang ako sa pisngi ko dahil bakit parang hinihintay ko ang text nya eh wala namang namamagitan samin.
Ano ba 'tong iniisip ko?
Binuksan ko nalang muna ang malaking Flat screen t.v na nandidito sa kwarto ko ngayon. Magpapa wala nalang muna ako ng boredom.
Pagbukas ko sakto namang nasa Entertainment news yon at hindi ko inaasahang si Ellias ang mapi-featured doon at ng isang babaeng nalilink sa kanya ngayon na kasama nya sa Singapore.
Her name was Veronica Lopez, Daughter of Maximo Lopez who own a big liquour business here in the Philippines. She was beautiful, A model type, she knows how to bring her clothes, her body is matured, she was stunning i could say.
There family known each other for a long time, Partnership din nila ang Lostrego Shipping Firm mula pa noon at dahil kilala din abroad ang Liqour business nila.
They rumored to have a date in Singapore.
May inilabas ding proofs of pictures na magkasama silang kumakain sa isang high end Michelin restaurant. They look sweet there just like a newly couples who enjoys there vacation abroad.
May sumigid na kirot sa dibdib ko.
Bagay sila.
They look good together...
Mapait akong natawa ng mapagtantong para akong tanga dito na naghihintay ng reply nya, mukha namang busy sya ngayon sa kanyang private life. Bat ba ako nag expect? eh wala namang namamagitan sa amin right?
Lahat ng nangyari saming dalawa ay isang malaking pagkakamali. Nasaktuhan lang na natulungan nya ako sa problema ko at hanggang doon nalang yon.
Pinatay ko na ang T.V mas lalo lang akong nawala sa mood. Mabuti pa mas pag tuunan ko nalang ng pansin yung pag aaral ko kesa kay Ellias.
It was past midnight ng maisipan kong bumaba para kumain na ng hapunan. As usual wala parin sila Mama at Papa, usually alas dose pasado na sila kung umuwi kaya wala ako laging kasabay pag kumakain.
Walang gana akong nagtungo sa Dinning Area, naabutan ko don si Nanay Flores iniinit yung ulam. Alas dies na kase ako bumaba. Ewan ko 'di rin ako nagugutom kanina. Mas sumama lang ang timpla ko dahil sa nabalitaan.
"May problema ba Hija? mukha kang matamlay may sakit ka ba?" alalang tanong ni Nanay Flores hinawakan na ako ngayon sa noo at leeg.
Napangiti ako don ng bahagya.
"Wala po akong sakit nay, medyo napagod lang ako po siguro ako kanina kakahanap ng mga gagamitin ko sa eskwela." matamlay kong sabi sa kanya.
Mukha namang nakumbinsi ko sya dahil sinimulan nya na akong paghandaan ng pagkain.
"Ganun ba, oh ito kumain ka ng marami at ng makabawi ka ng lakas"
Tumango nalang ako bilang pag sang ayon at sinumulan ng kumain.
Teka nga bakit nga ba ako nagkakaganito? as if naman na may gusto ako kay Ellias. Eh wala naman.
***
Lumipas muli ang isang Linggo nagsimula na ang pasukan namin. At sa loob ng isang Linggong yon wala akong reply na nakuha kay Ellias.
I know dapat 'di ko na sya iniintindi, nakakaasar lang na kahit 'ok' wala syang reply.
Hindi ko rin alam kung nakauwi na yon ng Pilipinas o nag extend pa doon ng ilang araw dahil kay Veronica na hindi ko alam kung girlfriend nya ba o ano.
At tsaka ano bang pake ko.
Mainit ang ulo kong naglalakad papasok ng campus, maaga ako ngayon dahil unang araw ng klase. First year College na ako sa kursong Business Administration. Actually hindi ko sya gusto kaya lang naisip kong ako nga lang pala ang nag iisang anak nila Mama at Papa, at ang tumatayong tapagmana ng Andromeda Scapes kaya dapat lang na may alam ako sa kung papaano ba ito patakbuhin.
Pero kung ako ang tatanungin wala padin naman akong naiisip na gusto kong kurso ngayon.
kaya mas okay narin siguro 'to.
Nahanap ko na ang room ko at may iilang kaklase narin akong nakikita doon.
Malaki ang room namin, maganda din ang mga facilities. May malaking aircon. Yung board dito nahahati sa dalawa isang white board at glass board, may sarili ding Projector.
Naupo ako sa medyo gitna, isa kase ito sa mga favorite spot ko magmula palang nung nag aaral ako ng High School sa Santa Valencia.
kaya nakagawian ko na.
Ilang minuto lang napuno narin yung seats.
May katabi narin ako ngayon isang babae.
She looks like quiet and shy. Nerdy type kumbaga pero she's pretty kahit na nahaharangan ng makapal na salamin ang mga mata nya masasabi mong maganda sya.
I took a minute to get a courage na maunang mag approached sa kanya. Tutal wala pa namang prof.
"Hi! Marina nga pala ikaw?" panimulang bati ko.
Pasimple nya akong tinitigan tapos biglang nayuko.
I pursed my lips, mukhang nasobrahan ata ako sa pagiging friendly sa unang araw ng klase.
Medyo naubo ako ng bahagya tinatakasan ang nakakahiyang pangyayari.
Umayos ako ng upo at tumahimik nalang, ramdam kong sumusulyap sya ng tingin sakin bagay na kinangiti ko naman ng bahagya.
Siguro nahihiya lang talaga sya.
Ilang minuto pa ang lumipas dumating na ang Home room teacher namin.
She was informing us na orientation lang muna ang magaganap ngayong araw. Bibisita lang saglit ang mga magiging Professor namin para sa semester na 'to , at mag aanunsyo lang daw ng mga dapat asahan sa subject nila at pag natapos yon pwede na daw kaming umuwi ng maaga.
Humigit kumulang 2 oras ang lumipas bago matapos ang huling Professor namin sa pag oorient.
"That's all class, Just do advance reading para prepared rin kayo sa next meeting natin. Anyway dismissed." Prof. Gonzales said at nauna ng umalis.
Nagsitayuan narin ang mga kaklase ko at lumabas na, ganon din ang ginawa ko. Yung katabi ko kanina nandon nakaupo parin inantay atang makalabas muna kaming lahat bago sya tuluyang umalis.
Nauna na ako wala talaga ako sa mood ngayon. Itutulog ko nalang saglit at tsaka ako mag aadvance reading.
Sumasakit din ang ulo ko, hindi kase ako masyadong nakakatulog lately. Pesteng Ellias.
Naglalakad na ako papalabas ng Main Gate ng Campus. Napakunot noo ako ng mapansing medyo maraming taong nagkukumpulan doon sa entrance, aakalain mong may artista na dumating karamihan pa babae.
"Excuse me po, makikiraan" sabi ko.
Ang iba gumalaw para gumilid ang iba walang pakealam.
Siniksik ko nalang ang sarili ko at gumawa ng paraan para makalabas, ano ba kaseng meron.
Nakita kong may itim na moserati na nakapark doon, baka iyon ang pinagkukumpulan nila.
Ilang minutong pakikipag siksikan Napagtagumpayan ko naman na makalabas.
Kaagad ko ng inilabas ang cellphone ko para itext na si Kuya Gibo na sunduin ako dito.
I was ready to pressed a send button ng may mainit na kamay ang humaplos sa bewang ko, tila nang aangkin.
Napatili ako doon.
"I missed you" He said.
Nanlaki ang mata ko ng mapagtantong si Ellias 'yon. Napatakip din ng bibig ng mapabaling samin ang ibang estudyante dahil sa tili ko.
Namula ako bigla sa hiya at sa pagsulpot ni Ellias.
"A..nong...gina-gawa mo dito?" pabulong na sabi ko.
Umayos na akong tayo pero di nya parin pinapakawalaan ang bewang ko.
Mariin nya lang akong tinitigan tila naninimbang sa reaksyon ko.
He grinned when he notice na pulang pula na ako dito.
Napayuko nalang ng hindi makayanan ang titig nya.
He coughed once then he let go his hand on my waist bagay na ipinagpasalamat ko.
Akala ko iiwan nya na ako ng magulat ako ng higitin nya ako at padarag na pinunta sa Moserati nya.
"Let's go" he said.
Nagpumiglas ako sa kanya pilit na tinatanggal yung kamay kong hawak hawak nya ngayon.
Napalingon sya sakin medyo galit.
"Te..ka sandali, natext ko na si Kuya Gibo su..sun-duin nya ako ngayon."
Kinabahan ako bigla hindi ko alam kung anong mararamdaman kong nandidito sya sa harap ko ngayon.
Naiinis nga ako sa kanya diba? bakit ngayon parang hindi ko 'yon magawa.
He licked his bottom lips before he speaks.
"I'll kiss you here pag di ka pa sumunod." seryosong sabi nya habang nakatingin na ngayon sa labi ko pabalik sa mata.
Napaawang ang labi ko 'don, medyo nagulat din sa sinabi nya.
Napatakbo naman akong pumasok sa loob ng kotse nya, nahihiya narin dahil paniguradong may mga nakarinig ng mga pinagsasabi nya.
Ano na naman bang trip neto ni Ellias, bored na ba sya kay Veronica at ako naman ngayon ang trip nya.
Binaon ko nalang ang mga palad ko sa mukha ko ng makapasok ako sa loob, ilang segundo lang sumunod naman sya at sinimulan ng paandarin ang kotse nya.
He chuckled.
Naasar ako lalo sa mga inasta nya sa harap ng maraming tao. Imagined anong iisipin nung mga yon. Na ano boyfriend ko sya? Eh hindi naman.
Lumiko na ang kotse pero hindi yon ang daan pauwi samin.
Masama ko syang tinitigan. San nya na naman ako balak dalhin.
"Hindi ito ang daan pauwi sa bahay namin Mr. Lostrego." medyo pikon ng sabi ko.
Napabaling sya sakin, medyo binagalan ang takbo.
"You call me what? Mr. Lostrego? kelan pa tayo naging Surname basis Marina?" iritado na ngayong sabi nya.
Napairap nalang ako sa hangin.
So what naman kung tawagin ko sya by his surname i was just being polite here, isa pa hindi naman kami ganon ka close para mag first name basis.
"Pakihinto na lang ng kotse sa may bus stop, bababa na ako. " I said.
This time Napatingin na sya sakin ng matagal.
Kinabahan naman ako doon, una dahil sa galit na titig nya pangalawa dahil baka mabangga kami kapag hindi pa sya tumingin sa harap.
"Ano ba eyes on the road mababangga tayo!" medyo nagpapanic na sabi ko.
Ngumisi lang sya at inapakan lalo ang accelarator para bumilis ang takbo.
Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya. Kabado na.
"Call me by my first name Marina" he said.
Ano na naman ba to Ellias.
Mamamatay kaming dalawa sa ginagawa nya e.
Masama ko syang tinitigan. Naiiyak narin dahil sa mga ginagawa nya.
"Eyes on the road E..llias please." I said.
this time sinunod nya naman na tumingin sa daan, pero nanatiling mabilis ang pagpapatakbo nya sa kotse.
Nakahinga na ako doon ng maluwag. Hindi ko sya pinansin buong byahe kahit na nagtatanong sya ng kung ano ano sakin.
Lumipas ang ilang minuto huminto yon sa isang mamahaling restaurant.
Bababa na sana ako dahil gusto ko ng umuwi wala akong panahon para makipag usap sa kanya ngayon.
Tinanggal ko na ang seatbelt ko handa ng bumaba ng pigilan nya ako.
"Ano ba! let me go!" asar na turan ko habang nagpupumiglas.
Pero tila bakal sa tigas ang pagkakahawak nya sa palapulsuhan ko, ayaw akong pakawalan.
"Let's talk..."
Napabaling ako sa kanya. Naiinis na.
"Wala naman tayong dapat pag usapan Ellias. Uuwi na ako. Bitaw." Seryoso kong sabi
He let out a big sigh. Napatingala narin di alam ang gagawin sakin.
Naasar ka na nyan? mas naasar ako sayo!
"Marina what's wrong? Did i do something wrong? Iyon ba yung kanina? I'm sorry hindi na mauulit." he apologize.
Lumapit narin sya sa kinauupuan ko, mapungay narin ang mga mata akala mo sising sisi.
Napaiwas ako ng bigla nyang hawakan ang pisngi ko. Pilit na pinapaharap sa kanya.
"Ellias...ano ba?"
"Look at me baby please...ano bang nagawa ko? I'm sorry okay?" he whispered.
Nagawa nyang ibaling ang mga mata ko sa kanya, his eyes now are very apologetic.
He pressed his forehead into mine, at tsaka ako pinakatitigan.
"Ano bang kinagagalit mo? Can you tell me please?" gulong tanong nya.
Why you suddenly become so vulnerable towards me Ellias? ano mo ba ako?
Nangungusap na ngayon ang mga mata nya, clueless sa lahat.
"Just go with your girlfriend Ellias, baka mamaya machismis pa akong kabet mo" I said then i looked away pero hindi nya hinayaan.
He groaned.
"A what? a girlfriend? with whom? I was not informed na may girlfriend na pala ako." he said.
Nakatingin ako ngayon sa mga hita ko habang sya mariin ang mga titig sa akin.
"Stop fooling me Ellias hindi nakakatawa, bumalik ka nalang kay Veronica." i whispered.
A minute of silent before he laughed.
Nainis ako lalo. Nahampas ko tuloy sya sa braso.
"Goddammit! Hindi ko girlfriend si Veronica. I wasn't interested at her. " He chuckled after saying those words.
He pulled me at pinatakan ako ng mabilis na halik sa labi.
Napapapikit ako don hinihintay na may kasunod pero wala.
He chuckled.
"So, my baby is jelous." he said.
hahampasin ko sana syang muli pero this time nahuli nya ang mga kamay ko at pinagsiklop iyon.
Namumula na ako sa hiya.
"bitawan mo ako Ellias ano ba!" inis na sabi ko.
Pero hindi nya naman ginawa, imbes mas lalo nya pang nilapit ang mukha namin sa isa't isa at binigyan ako ng isang malalim na halik.
Humigpit ang hawak ko sa kamay naming magkayapos, habang yung isa ko namang kamay pinipigilan sya sa dibdib.
Masyado syang marahas.
His left hand was clasped around my neck, pinipirma iyon para hindi ako makagalaw.
I moaned when his tongue started to enter in my mouth. Mas lalo pang nilaliman ang paghalik sa akin. Habang ako nauubusan na ng hininga.
Were both gasping air ng pakawalan nya ako. He was staring at me with his dim eyes while his mouth was slightly open, ganun din ang sakin.
Napayuko nalang ako ng hindi sya kayang titigan.
He is too much for me. Hindi ko kaya.
"I don't have a girlfriend Marina, magkakaroon palang kung sasagutin mo"
He grinned.
Wala na akong lakas para hampasin sya, kinuha nya lahat ng enerhiya ko sa katawan, nakakaasar.
Pinaglandas nyang muli ang kamay nya sa magkabilang pisngi ko, at marahang niyayapos iyon.
"I'm sorry if that's makes you upset, hindi narin ako nakapag text dahil nawawala ang phone ko, kakabili ko lang ng bago ngayon. Nag alala ka ba?" he explained.
His nose is touching my cheeks ganon kami kalapit, I can also feel his heavy breath on my right ear.
I shivered.
Hindi ako sumagot.
we stay silent for about a minute.
Lumayo sya sakin ng bahagya umayos ng upo, Binitawan nya na ako ngayon pero hindi parin kami lumalabas ng kotse.
"I think we need to stop this Marina." he said.
Nakatingin na sya ngayon sa harap.
Habang ako nagguguluhan.
Lito ako ngayon ang alin?
"What do you mean?" medyo kinakabahang tanong.
his jaw clenched, huminga din sya ng malalim.
He licked his lips before looking at me and speak.
"I want to level up our relationship. I want a label. Ano ba ako sa'yo?" he asked.
kumabog ang dibdib ko sa tinuran nya.
Nanlamig ako bigla.
Napakurap kurap ako.
bakit parang ako pa ang nagpapahirap sa kanya ngayon, samantalang ako nga tong nakakaramdam ng kakaiba.
Ano ba ako sayo Ellias?