CHAPTER 10

2914 Words
First time para sa akin ang lahat. Makasakay sa eroplano, kumain sa isang mamahaling restaurant, makasuot ng magagarang damit, magkaroon ng iba't ibang klase ng gadgets at ng sariling bank account. Halos lahat ng 'di ko natatamasa noon, nararanasan ko na ngayon. My parents also enrolled me in one prestigious University here in Manila, at magsisimula na ang klase ko sa susunod na linggo. Hindi ko naman daw kailangan mag alala kung papano ako makakapunta 'don sa school ko, dahil may personal driver naman daw ako na maghahatid sundo sakin araw araw. I was also tell them my concern regarding doon sa club na pinagbentahan sakin ni Erwin (my fake dad). And they said sila na daw ang bahala doon, sasabihan nalang daw nila ako once na nasettle na ang lahat. Isa pa excited narin akong matulungan sila Jessica at maparusahan si Aling Minerva. I want her to pay for the bad things she did. She is a evil wicked, bahala na ang batas na magparusa sa kanya. Kumusta na kaya si Jessica? gusto ko rin syang makita, marami akong ikukwento sa kanya. At gustong gusto ko din syang tulungan magsimula muli. Especially that she was a big help for me while I am suffering there in that club, gusto ko lang ibalik sa kanya lahat ng kabutihan nya sakin. Tatlong araw narin ang lumipas magmula ng umalis kami ng Santa Valencia, at sa tatlong araw na 'yon hindi ko parin nakikita o nakakausap man lang si Ellias. Nandito ako ngayon sa kwarto ko, walang ginagawa. Kanina pa ako gising. Nakapag hilamos narin pero bumalik ulit ako sa kama ko, para humiga ulit at wala. Para matulala. Nilibot kong muli ang mata ko sa kabuuan ng kwarto ko. I could say that my room is pretty big. It has a neat design and refined architectural interior. Masasabi mong ang kwartong ito ay para sa may isang eleganteng personalidad bagay na hindi ko alam kung ganon ba ako. The paint used in my room was a warm greyish blue-paint which is aesthetically calming to the eyes. I have my own huge walking closet na punong puno ng iba't ibang klase ng damit. To all accessories, shoes and bags. I don't know what to feel actually dapat akong maging masaya diba? pero hindi ko alam parang may kulang parin sa akin. At hindi ko alam kung ano. Alas otso pasado na ng umaga ng mapagdesisyunan kong bumangon na at bumaba. Wala sila Mama at Papa ngayon, busy na sa trabaho. Gabing gabi narin kung maabutan kong umuwi, magkukumustuhan lang saglit hahalik sakin tas matutulog na. Paulit ulit. Si Nanay Flores lang kung tutuusin ang medyo close ko na ngayon sa bahay, sya kase ang mayordoma dito. Pinagsisilbihan nya ako sa kung ano mang naisin ko. May apat pa kaming kasambahay pero hindi ko sila masyadong nakakausap dahil marami silang ginagawa. Tanging si Nanay Flores lang ang nag eentertain sakin dito. Ang hirap din pala ng wala kang kapatid ang tahimik ng bahay nyo. Nakababa na ako ng hagdan at sakto namang naamoy ko na ang mabangong almusal na hinanda ni Nanay. "Oh Marina, gising ka na pala kumain ka na dito." bungad nya. Bagay na kinangiti ko naman at nagmadali ng nagtungo sa Dinning Area. Malaki din yon akala mo andami naming miyembro sa pamilya para sa 12 seater na Dinning Table. Ang lungkot lang tuloy lagi pag ako lang mag isa ang kumakain doon. "Nay, nag almusal ka na? sabayan mo 'ko kumain" pakikiusap ko habang naupo na ako sa isa sa mga upuan na nandidito. Natawa naman ng bahagya si Nanay Flores sa tinuran ko. "Ikaw talagang bata ka, kumain na ako pero sige daluhan nalang din kita magtitimpla nalang ako ng kape para sakin." Napangiti ako don. "Salamat Nay." gaya nga ng sinabi ni Nanay, sinabayan nya akong kumain, nag uusap din paminsan minsan. Sinasagot ang mga katangunan ko tungkol sa Maynila. Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ko ng bigla akong may maalala hindi pa pala ako nakakabili ng gamit ko pang eskuwela. Napaangat ako ng tingin kay nanay, busy sya sa paghigop ng kape habang nakatingin sa gardeb area. "Nay, busy ba ngayon si Kuya Gibo? papasama sana ako sa National Bookstore bibili ng gamit sa eskwela." tanong ko. Hinintay ko munang matapos sya paghigop ng kape bago sya sumagot. "Hindi naman. Sige hija, magpasama ka lalo na at hindi mo ba ganon kaalam masyado dito sa Maynila mamaya maligaw ka pa." Napatango nalang ako at binilisan na ang pagkain, at ng matapos ay umakyat akong muli sa kwarto ko para makaligo at makapagbihis. Mabilis lang ang kilos ko, nasanay narin kase. Nang matapos agad narin naman kaming tumulak ni Kuya Gibo. Dinala nya ako sa Greenbelt bagay na bago sa pandinig ko. Hindi narin naman nagtagal nakarating na kami sa doon. Iniwan ko muna si Kuya Gibo sa parking lot, at sinabi ko nalang na tatawagan ko nalang sya kung maliligaw man ako sa loob, gusto ko rin kaseng maglakad lakad lang mag isa. Hindi narin naman ako nahirapan sa paghahanap ng makita ko lang sa Ground Floor ang National Bookstore. Pumasok na ako doon sa loob, sinimulan na ang paghahanap sa mga gagamitin ko sa pag aaral. I was busy searching for my necessity when I accidentally bumped into someone who was currently hiding in a corner here in one of the shelves near my position. "Sorry--" "Oops..Sorry--" Halos sabay naming sabi, nanlaki ang mata ko ng makitang si Lukas yon. Anong ginagawa nya dito? "Its...you!" "Lukas?" He chuckled. "What's brought you here Marina?" he asked pero wala naman sakin ang atensyon. He was secretly looking infront, habang nagtatago dito sa gilid. He was obvious tho, ang laki laki nyang tao he was a 6 foot taller kitang kita parin sya. Napatingin din tuloy ako sa tinitingnan nya. I narrowed my eyes looking carefully at who was in front. It was a girl. A woman perhaps na may kasamang gwapong lalaki na tumitingin din ng mga libro. Napakunot noo ako. "Stalker ka ba? ba't mo tinitingnan mukha namang may boyfriend." sabi ko, bagay na kinalingon nya sakin. He looks irritated after hearing my sentiments. He hissed. Humarap saglit sakin. "Why would i be a stalker? tss.." singhal nya. Napakunot noo nalang ako sa tinuran nya. That was exactly what he is doing now, mukha syang creepy stalker. I shrugged. Di ko nalang sya pinansin. Inintindi ko nalang kumuha ng mga kakailanganin ko sa school supplies section na 'to. "That girl was my fiance." out of nowhere he said. Napatigil naman ako saglit sa pagkuha ng binder at hinarap sya. But this time binalik nya yung tingin sa babaeng may kasama. Is he drunk? "Joke ba yon Lukas? funny ka din pala." natatawang turan ko. Imposible naman kaseng maging fiance nya yon, the girl looks like a minor mga 17 years old i think. Tas yung kasama nya pa kaedadan nya rin lang. Si Lukas lang ang medyo ahead ng ilang taon sa kanila. He glare at me naiinis na. Oh bakit? totoo naman, sinasabi ko lang ano yung mga nakita ko. "I'm telling the truth, it was her parents who requested my family to agreed to arrange marriage between her and me, ayoko lang dahil nga bata pa sya. I mean kami." he explained. Ipinagpatuloy ko ang paghahanap ng mga kailangan ko habang kausap sya. "Oh ayaw mo pala e, bat mo sinusundan." sabi ko ng hindi sya tinitingnan. He growled. Napalingon akong muli sa kanya habang hawak ang sentido nya, nauubusan na ng pasensya sakin. Ganto pala mastressed ang isang Lukas Lostrego. Nakakaawa na nakakatawa. I looked like an idiot creepyly smiling here. "Binabakuran ko lang." mahina nyang sabi pero rinig ko naman. I just want to tease him. konti pa. "Ano?" biro ko He pursed his lips this time tila ayaw na ibuka, tinalikuran narin ako. I chuckled. Magkaibang magkaiba talaga sila ni Ellias. Lukas is much more friendly than his brother. "Wala" inis nyang sabi at tuluyan na akong iniwan. Pikon. Madali lang din naman akong natapos nakapagbayad narin This time hindi ko nakita yung babaeng tinitigan ni Lukas kanina. At wala narin si Lukas. Medyo mabigat din ang mga dala ko, hindi naman ganon karami ang binili ko pero nabibigatan ako. Napalingon ako sa paligid umaasang mahahanap si Lukas pero wala. Sayang 'di ko man lang natanong kung kumusta na si Ellias. Tatawagan ko na sana ang Driver ko para sabihing papunta na akong parking lot at handa ng umuwi, ng biglang may humigit sakin sa braso bagay na kinatili ko. Dinala nya ako sa isang hindi masyadong tao dito tila tinatago. Nagpupumiglas na ako sinusubukang makawala. "What the f**k! It's me Marina, tone down your voice." Lukas groaned. Habang hawak hawak ang bibig ko, pinipigilan sa muling lalabas na ingay. Napasinghap ako doon. Akala ko kung sino na. Nang kumalma binitawan nya rin naman agad. Masama ko syang tinitigan. "Adik ka ba? ba't bigla bigla ka nalang nanghihila syempre what do you expect me to do pag may humila sakin malamang titili---" hindi nya na ako pinatapos ng takpan nyang muli ang bibig ko. Bastos to. "hmpp...a..hmm..no ba" salitang hirap lumabas sakin. Napatingala sya saglit namumula narin ang leeg at tenga. "Shhh....can you please calm down okay, i was just dragging you here to asked some favor." gigil nya ring sabi tila binulungan na ako sa tenga. Tinadyakan ko sya sa tuhod para bitawan ako. Nagawa ko naman. "Damn.. It hurts!" reklamo nya habang hinahawakan na ngayon ang tuhod nya. Masama parin ang tingin ko sa kanya, siraulong 'to hihingi lang pala ng pabor kung ano ano pang pinaggagawa sa akin. "Ano ba'yon?" He looked away... parang may hinanap. At ng matagpuan nya kung ano yon, agad agad nya naman akong hinila. "Lukas ano ba! hobby mo na ba talaga ang paghila isusumbong na kita kay Ellias" pananakot ko. May ilang tao ang napalingon samin pero di nya parin ako pinakinggan. Kung tutuusin para nga lang akong papel sa kanya. Huminto muna kami saglit sa isang Italian-European Restaurant, habang nagtatago sa isang gilid. Kakain lang pala kung ano ano pang pinagsasabi. Hinablot ko yung braso kong hawak hawak nya, hindi naman yon mahigpit kaya nabawi ko rin. Sesermonan ko na dapat sya ng mahagip ng mata ko yung babaeng tinititigan nya kanina sa loob ng bookstore, na pumasok na ngayon sa restaurant kasama yung lalaki. Tinitigan ko si Lukas. Madilim ngayon ang aura nya tila hindi natutuwa sa mga nakikita. "Selos ka?" nangingiting tanong ko. Gumalaw ang panga nya at biglang nilingon ako. "To whom? to that young ass man? why would i?" galit na turan nya. Wow...the way he insult that boy seems that he was obviously jelous. Grabe maka insulto gwapo naman yung lalaki e, pero oo nga mas gwapo naman sya. I agree with that. Hinintay nya munang makapasok sa loob yung dalawa bago nya ako ulit hinila papasok sa loob. Napairap nalang ako at nagpatangay sa kanya. Sya ang pumili ng seats naupo kami doon banda sa dulo, dalawang lamesa lang ang pagitan mula doon sa inistalk nya. Maganda ang atmosphere sa restaurant na to, simple yet elegant. May pagka Gothic European din yung style ng interior design, sabagay Western Cuisine naman 'to hindi narin nakakapag taka. Pagkaupong pag ka upo namin doon, inabutan na kami agad ng menu, pero mukhang walang balak si Lukas na kuhain yon. Kaya ako nalang ang nag abalang kunin yon sa waiter. Pirmi lang ang titig nya sa doon sa lalaki, kung nakakamatay ang titig nya malamang kanina pa 'yon pinaglalamayan. Hindi ko na sya inintindi dahil mukha namang may sarili syang mundo. Pinagtuunan ko nalang ng pansin yung oorderin ko. Nalula naman ako sa mga presyong nakalagay sa menu, parang mas gugustuhin ko nalang na mag tubig. Kaso naalala kong mayaman na nga pala ako ngayon. Mukhang kailangan ko ng sanayin ang sarili ko sa mga ganitong bagay. Binasa ko muna ang labi ko bago sabihin ang mga oorderin ko. "uhm...One Rissoto please and one apple pie for the dessert, for the drinks naman tubig nalang po" naiilang pang sabi ko. Tiniklop ko na yung Menu, napatingin naman yung waiter kay Lukas. Pero si Lukas lutang. Sinipa ko sya sa ilalim ng mesa para makuha atensyon na, nagtagumpay naman ako don. "Ano daw order mo" sabi ko. Inangatan nya lang ako ng kilay. "Martini" walang gana nyang sabi at binalik ulit ang tingin doon sa lalaki. "That's all maam/ sir? " pagtatanong ng waiter. Ako nalang yung tumango dahil parang wala naman akong kasama dito. Umalis na yung waiter, habang ito si Lukas nakapalumbaba na ngayon, mas matalim ang tingin sa lalaking kasama nung Fiance nya 'daw'. kinatok ko yung mesa para makuha atensyon nya. "Lukas, isang beses palang tayo nagkita pero kung makaasta ka sakin parang antagal na nating magkakilala. Ba't mo ba 'ko dinala dito? para maging front mo? akala ko ba Fiance mo 'yon? ba't di mo lapitan?" Mas mapapadali buhay nya kung yun ang ginawa nya, fiance nya pala e. Napabuntong hininga lang sya. Di ako sinagot. Umirap nalang ako sa hangin naaasar ako bigla sa kanya. Bahala ka na nga. Lumipas ang halos sampung minuto, dumating narin ang order namin. Hindi ko narin sya pinakealaman dahil nagugutom narin ako. I was busy eating my food when suddenly his phone rang. Nahagip ng mata ko na nag pop out sa cellphone nya yung pangalan ni Ellias. Napaangat ako ng tingin kay Lukas na hanggang ngayon wala parin sa wisyo. Sinipa ko syang muli. "Aray! Bakit ka ba naninipa?" reklamo nya sa mahinang boses. Napanguso ako tinuturo yung cellphone nyang nagba vibrate. Nilingon nya naman yon. At nagulat ng kinansel nya yung tawag ni Ellias. What the heck??? "Ba't hindi mo sinagot?" pagalit na sabi ko. Tinitigan nya lang ako. "I don't want to talk. Ikaw kung gusto mo ikaw kumausap. I'm busy with my business now." walang pakeng sabi nya at tinuon na naman ang atensyon 'don sa dalawa. Nagring muli ang cellphone nya, this time kinabahan na ako. Sasagutin ko ba? Tiningnan ko si Lukas, wala talaga syang balak sagutin yon at lalong wala syang pake sa sasabihin ng kuya nya. Napaubo ako ng bahagya, huminga din ng malalim bago ko napagpasyahang kunin ang phone nya at sagutin ang tawag. "Lukas, tell Dad to send me his files na kailangan na sa project? hindi ko mareach ang number nya ngayon nakapatay. I'ts ASAP gusto ko ng matapos 'to ng makauwi na ako jan." tuloy tuloy na sabi ni Ellias. Kumabog bigla ang dibdib ko, parang ang tagal na panahon na ng marinig kong muli ang baritono nyang boses. "Lukas, hear me?" sabi nya ulit. Tumingin akong muli kay Lukas, pero busy ang atensyon nya doon sa dalawa. kinakabahan man nagsalita narin ako. "I'ts...me Marina." mahina kong sambit habang napapikit sa kaba. Ilang segundong wala akong narinig sa kabilang linya, Akala ko pinatay nya na. "Why are you holding Lukas phone Marina? Where he is? Nasan kayo? Bakit kayo magkasama?" sunod sunod na pagtatanong nya. mababakas mong may galit doon sa bawat huling salitang binibitawan nya. Hindi ko alam kung papaano ipapaliwanag sa kanya, tutal biglaan lang din naman ang pagkikita namin. Tiningnan ko si Lukas para sana manghingi ng tulong pero mukhang hindi nya ako iintindihin ngayon. "Ahm...nagkita lang kami..accidentally dito sa greenbelt---" hindi pa man tapos dinugtungan nya na. "and then...bakit nasa iyo ang cellphone nya?" Napakagat ako ng labi...bakit parang pakiramdam ko may krimen akong nagawa e wala naman. "Hinila nya kase ako para kumain sa isang restaurant tapos...hindi nya sinasagot yung tawag mo kaya, ako nalang ang sumagot. Galit ka ba?" Todo todo na ang kaba sa dibdib ko parang anytime soon sasabog na yung puso ko. "Not really...paka usap kay Lukas." utos nya. Agad ko naman yong inabot kay Lukas, masama nya akong tinitigan pero kinuha nya rin. Umayos ako ng upo at tinuloy muli ang pagkain . "No, why would i? Tss..." unang salitang lumabas kay Lukas habang di parin inaalis ang tingin don sa dalawa. "I will kuya, can you just relax. May sarili akong problema ngayon...and yes i will tell her." pagtatapos nya at binaba ang tawag. Agad naman akong binalot ng kuryosidad. "Ano daw sabi?" tanong ko. Napainom sya sa Martini nya bago ako sinagot. "He just telling me na layuan ka, as if naman na aagawin kita sa kanya. I'm not interested in you meron na nga akong Fiance why would i hit another women." he said. Ang kapal, so dapat kong ipagpasalamat na wala syang gusto sakin ganon? "and uh...here's his number. Save mo daw." dagdag nya sabay bigay ulit ng phone nya sakin. Napatingin ako don, habang sya nakaangat ang isang kilay naghihintay na kunin ko yon. Nang hindi ko yon abutin sya na mismo ang nagbukas ng palad ko at nilapag ang cellphone nya doon. Napapakurap ako ng ilang beses. He want me to save his number? para saan? para makapag usap kami? Naguguluhan man kinuha ko nalang din ang phone ko sa bulsa at sinimulan ng itipa ang numero nya. At ng matapos binalik ko yon agad kay Lukas. "You finished? You can go home now, sorry sa abala. Don't worry the bills is on me. Just go ahead madami pa akong gagawin." out of nowhere he said. Napairap nalang ako sa hangin at tumayo na. Bigla bigla mo akong hihilahin dito tas papaalisin mo ng ganon ganon lang? Ewan ko sa'yo Lukas. Malala ka na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD