CHAPTER 20

1245 Words
I am trying to push him away from me, ngunit mahigpit niyang hinawakan ang mga braso ko. . . to stop me from making any more movements. "Come on, Raffi, respond to my kiss." Napailing ako habang hinahabol ang aking paghinga. I am about to open my mouth to say my disagreement to his actions when he grabs that opportunity to insert his tongue inside and explore it like it's his own. Hindi ako makapalag dahil mas lalo niyang pinalalim ang pag-french kiss niya sa akin na wala na akong ibang magawa kundi ang tumugon dahil kung hindi mas lalo lang akong makakapusan ng hininga. Naramdaman ko ang pagngisi niya between our kiss dahil sa pagtugon ko sa halik niya. At dahil gusto ko ng makawala sa kaniya kung kaya't ipinadama ko sa kaniya na gusto ko rin ang nangyayari ngayon. Para mag-loosen up ang pagkakahawak niya sa braso ko. Sinukbit ko ang aking mga kamay sa kaniyang leeg nang tuluyan niya ng bitawan ang pagkakahawak sa akin. I am hugging him hanggang nasa beywang ko na rin ang kaniyang mga kamay, caressing me there that gives more pleasurable feeling to me. Mas lalo niyang idiniin papalapit sa akin ang kaniyang katawan. At mas pinalalim pa niya ang aming paghahalikan na naghahalo na ang aming mga laway. This is wrong. . . Kaya hinawakan ko siya sa kaniyang broad shoulders at pwersahang itinulak palayo sa akin. At mabilis akong lumabas ng kwartong iyon na hawak-hawak ang aking dibdib. Anlakas ng t***k ng aking puso para akong nakipag-marathon sa olympics sa sobrang hingal ko. Pagkapasok ko sa aking kwarto ay ang pag-upo ko sa sahig at pagsandal sa pader. Pinikit ko ang aking mga mata. Thinking what just happened a while ago between me and Gabriel. Damn, s**t! Napahawak na naman ako sa aking bandang dibdib. I shouldn't feel this way. Mali ito, nagkamali na ako noon, ayaw ko ng ulitin dahil ang ending na naman nito ay ako lang din ang masasaktan. And besides, Rowena doesn't deserve to be cheated like this. Yes, this will only result to cheating and hurting someone. Kaya hangga't kaya ko pa, kailangan kong pigilan itong hindi mapigilang pagnanasa ko kay Gabriel. Dahil kahit anong tanggi ko sa aking sarili, addicted pa rin ako sa kaniya. Para siyang droga noon na pinilit kong iwanan at layuan para gumaling sa pagkagumon ko sa kaniya. Ang paglayo ko noon at pag-alis ay parang naging rehabilitation sa akin upang tuluyang makalimutan siya at ang maling damdaming namumuo sa aking kaloob-looban. Ngunit heto na naman ako, unti-unti na namang nalululong sa pagnanasang hindi tama. Hindi tama dahil may asawa siyang mahal na mahal niya. Hindi tama dahil makakasakit at masasaktan lang din ako kapag nagkataon. At ramdam ko namang isa lamang akong masarap na pagkain na kay tagal niyang hindi natikman kaya inaasam-asam niya ngayon pero magsasawa at magsasawa rin siya kapag natikman niya ulit ang paborito niyang putahe. Kaya hindi ako pwedeng magpatalo sa sarili kong damdamin. I need to fight and defend myself from hurting someone and hurting myself. Dahil kapag nagpadaig ako sa pagnanasang ito na pinaparamdam na naman ni Gabriel sa akin ay paniguradong kakainin ko lang din ang nga binitiwan kong salita kay Engr. Alarcon na hindi sekretong relasyon ang mayroon kami ng pinsan niya kundi isang purong business deal lang noon. Iyon lang at hanggang doon lang. Napamulat naman ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Kaya kinuha ko ito sa aking bulsa at sinagot. "Hello, Raffi?" It's Rowena. "Y-yes, Wena?" medyo nautal kong sagot. "Andiyan na ba kayo sa isla? I can't contact Gabriel." "Hmm. Oo andito na kami. Medyo unstable kasi ang connection dito kaya pawala-wala ang signal. Bakit mo nga pala ako pinasabay sa inyo tapos hindi ka rin pala makakasabay sa amin?" sambit ko. Dahil sa totoo lang nagulat lang din ako nang tinawagan niya ako kahapon to tell me na sumabay na sa kanilang mag-asawa papunta rito, noong una ayaw ko talaga dahil alam kong aayaw si Gabriel pero napapayag ako dahil sa isiping tyansa ko na iyon to spend more time with my son. "Hay nako, Raffi. Actually I just wanted to spend time with you rin sana, kasi you feel like more than just a colleague to me o modelo ng magazine ko. You are a friend that's why you should be treated like one. Kaya pinasabay kita sana sa amin. Kaso nagkaproblema ang mga equipments na gagamitin for the photoshoot kaya kailangan kong ayusin mo na ito rito. At total nasa airport na rin kayo kanina kaya sinabi ko kay Gabriel na mauna na kayo. At sasabay na lang ako sa mga staffs ko sa makalawa. Sorry for the inconvenience, Raffi. I hope my husband is treating you well. . ." paliwanag nito. Kung alam mo lang Rowena, he is really treating me well but it's not right for you to know what just happened between me and your husband awhile ago. Damn it. This is not a vacation and spending time with my son but a total torture together with Gabriel Mondragon. Napabuntonghininga ako bago sumagot. "Wala na rin naman akong magagawa, I am already here." Narinig ko namang napatawa na lang din ito. "Yeah! Kaya mag-enjoy ka na riyan dahil mapapagod ka na kapag nag-start na tayo sa photoshoot. By the way, ikaw na muna bahala sa mag-ama ko ha? Lalo na kay Gabino. Hindi basta nakakatulog iyon sa gabi kapag hindi niya ako katabi. He is always looking for a mother's presence," paalala niya pa. "Don't worry, I will be your replacement for the mean time." I jokingly answered. 'A replacement? Oo, Rafaela isa ka lang kapalit kapag wala ang legal na asawa.' Iyon na lang talaga ang magiging role ko sa mga buhay nila. . . just a replacement sa mga kakulangan ni Rowena bilang babae noo at ina at asawa ngayon. 'Ano ba iyang pinag-iisip mo, Raffi!' suway ko sa aking sarili. Natapos ang pag-uusap namin ni Rowena dahil bigla na lang itong nawala sa linya. Nagpakalumbaba na lang ulit ako at pumikit. I feel so tired. . . *************** Naalimpungatan ako dahil sa katok sa labas ng pintuan ng kwarto ko. Nakatulog na pala ako habang nakaupo pa rin sa sahig at nakasandal sa pader. Tumayo ako para pagbuksan ang kung sino mang nasa labas. "Raffi. . ." malumanay na sambit nito. "Anong kailangan mo?" casual kong tugon, dahil kahit ayaw ko man siyang kausap ay wala akong choice sapagkat tatlo lang naman kami rito dahil sa makalawa rin yata ang dating ng mga mag-aasikaso para sa 6th birthday celebration ni Gabino. "Can you cook?" tanong nito na nagpataas ng kilay ko. "Gising na si Gaby and he wants you to cook him something delicious." Mas lalong napataas ang kilay ko. Si Gabino ba o siya ang gusto ng masarap na pagkain. Naalala ko tuloy ang sinabi ni Rowena, 'Gabriel doesn't know how to cook. . .' "Fine. Mag-aayos lang ako saglit," sagot ko na lamang. Napakamot naman ito sa kaniyang batok, cute. Naligo at nagsuot lang ako ng komportableng bestida. Naabutan ko naman sina Gabriel at Gabino na nakapangalumbaba sa kitchen counter. 'Oh my baby boy is already hungry.' Lumapit na ako sa kanila, napansin naman kaagad ni Gaby ang presensya ko kaya lumiwanag ang mukha nito sabay ngiti ng kay lapad. "Mommy!" Napaigtad naman ako at napatigil sa paghakbang papalapit sa kanila nang biglang sumigaw ito at tinawag akong Mommy. . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD