"You plan all of this!" bulyaw ni Gabriel sa akin na ikinakunot-noo ko.
Sasagutin ko na sana siya nang bigla niya naman akong itinulak papasok sa isang madilim na kwarto.
"Ano bang problema mo?" tanong ko sa kaniya nang binuksan niya ang ilaw. Inikot ko naman ang tingin ko sa paligid, it's a storage room ng mga dayami. At ibinalik ang tingin ko sa kaniya na ngayon ay sobrang sama nang pagkakatitig sa akin.
"Bakit ka pa bumalik, Raffi?" wala sa huwesyo niyang tanong.
"Para sa anak ko. . ." simpleng tugon ko na ikinangisi niya, a devil's smirk.
"Para sa anak mo? Wala ka ng anak dahil anak ko lang si Gabino, Raffi. Anak namin ni Rowena. Umalis ka na rito! Umalis ka na sa mga buhay namin." Napaigtad ako ng akala ko ay susuntukin niya na ako pero tumama ito sa pader na malapit lang sa gawi ko. Nakita ko ang pagkasugat at pagdurugo ng kaniyang kamao.
I am about to approach him and held his hand para matignan ang kaniyang sugat nang lumayo siya sa akin kaagad.
"Don't come near me," tanging sinabi niya lang at napasandal sa pader na malapit sa kaniya. Hinayaan niya lang tumulo ang dugo sa kaniyang kamao habang nakapamulsa ang kaliwa niyang kamay.
Hindi na siya nakatingin sa akin at nanatiling tahimik habang ako, tinititigan lang siya at binubuo ang mga salitang gusto kong sabihin sa kaniya.
"Bakit ka ba galit na galit sa akin, Gabriel?" bigla ko na lang naitanong sa kaniya.
"I just don't like your presence near me, it's making me uncomfortable, suffocated and unrestricted. . ." hindi ko maintindihan na sagot niya sa akin.
"Unrestricted? Really? Saan ka naman hindi mapigilan?"
Tumingin itong muli sa akin, and this time hindi na galit ang nakikita ko sa kaniyang magandang mga mata kundi isang matinding pagnanasa na. . . an earnest desire to claim me, to own me, to be with me. Hindi maaari itong iniisip at nararamdaman ko. Nagkakamali lang ako sa nakikita ko sa mga mata niya. I am just hallucinating things.
"Sa pagnanasang makasama kang muli. . . naked in bed," nakakapigil-hiningang sagot niya.
And in just a split of seconds, magkadampi na ang aming mga labi habang nakasandig na ako sa pader at nakakulong sa kaniyang mga bisig.
I am not responding pero ramdam na ramdam ko ang paggalaw ng kaniyang labi. Buong lakas ko rin siyang tinutulak papalayo sa akin. Damn! Ano ang ginagawa niya, this is wrong.
***********************
3 hours earlier . . .
"What? Hindi ka makakasabay sa amin ngayon ni Gabino? Akala ko ba papunta ka na?" Rinig kong kausap ni Gabriel sa kaniyang asawa na nasa kabilang linya.
Kitang-kita ko ang frustration nito habang kausap si Rowena. Inialis ko na lang ang tingin ko sa kaniya at bumaling kay Gaby na nakatingin din pala sa akin kaya ngumiti ako.
"What are you looking at me, young boy?" nakangiti at malumanay kong tanong sa kaniya.
Ngumiti ito.
"I am just happy looking at you, Tita Raffi."
Tita Raffi. . .
"I thought you want to call me your mommy too?" tanong ko sa kaniya.
"Daddy said that I have only one mommy and it's my Mommy Rowena," malungkot na pahayag nito. Napatingin naman ako sa gawi ni Gabriel na papalapit na ngayon sa gawi namin.
"Let's go, Gaby," sambit nito nang makalapit na sa amin. Kaagad niya namang binuhat at inayos ang mga bagahe nilang mag-ama.
"Saan kayo pupunta?" parang tanga kong tanong sa kaniya na ikinakunot-noo niya lang.
"Sasakay na ng helicopter."
"And how about me?"
"Alangan naman ako pa magbuhat ng bagahe mo," iritableng tugon nito at nagpatiuna na sa paglalakad papasok sa loob.
Ang sungit naman ng mokong na iyon, malay ko bang aalis na pala kami, hindi niya man lang sinasabi kung hindi ko pa tanungin.
Nakasakay at nakapwesto na kami sa loob ng isang helicopter. Parang may kung ano namang pumasok sa aking alaala nang mapatingin ako kay Gabriel na inaayos ang seatbelt ni Gaby.
Parang kahapon lang noong nag-helicopter ride rin kami patungong isla ng kaniyang pinsan.
Doon kaya ulit ang punta namin?
"Hindi ba natin kasabay si Rowena?" tanong ko.
"She needs to arrange things for your photoshoot kaya mauna na lang daw tayo," casual niyang tugon.
"Kailan siya susunod?"
"Sasabay na lang daw siya sa mga staffs niya sa makalawa. . ."
So? The three of us, Gabriel, Gabino, and me, we will be alone together in an island for two days?
We are like a-
"Ang cute naman ng anak niyo, Mr. and Mrs. Mondragon." Napatingin ako sa nagsalitang lalaki na katabi ng pilotong mag-mamaniubra ng helicopter.
Hinablot ito ni Gabriel sa kaniyang damit.
"Shut the f**k up, Primo!"
"Bakit galit na galit, Gabriel?"
"Bakit ka andito, Primo?"
"Malamang helicopter ko to at isla ko ang pupuntahan niyo."
"Akala ko ba sa weekend pa kayo ni Avi at ng mga bata susunod?"
"Bakit hindi ba pwedeng gusto ko lang mag-helicopter ride. . . and I want to personally meet, Ms. Rafaela Santiago."
Napatingin at ngumiti naman sa akin ang lalaki. Kilala ko ito. . .
Avianna's husband, Engr. Primotivo Alarcon.
He knows something. . . about me and Gabriel's past.
Umalis ito sa pagkakaupo niya sa harap at umupo sa tabi ko. At tinitignan niya kami ni Gabriel at si Gabino na mahimbing nang natutulog ngayon.
"Pinaghalong mukha niyo ang itsura ni Gabino," out of nowhere na sambit nito. Napansin ko ang masamang pagtitig ni Gabriel sa kaniyang pinsan at napasulyap sa akin at dahil nakatingin ako sa kaniya kaya nagtama ang mga mata namin. Umiwas naman ako kaagad, I can't stand his stares at me.
"Shut up, Primo."
Hindi siya pinansin ni Engr. Alarcon at tumingin naman ang pinsan niya sa akin.
"Don't worry, your secrets are safe with me," may assurance naman nitong sambit.
"Secrets?" hindi ko napigilang sambitin.
Nakita ko naman ang pagngisi at pagtaas-kilay ni Engr. Alarcon sa akin.
Ngumisi rin ako.
"Wala naman kaming sekretong dapat itago ni Mr. Mondragon. . . it's just a pure business deal between us, 6 years ago. Not a secret affair that should be keep away from his beloved wife." Napansin ko ang irita at galit sa mukha ni Gabriel.
Tumawa naman ng malakas ang kaniyang pinsan.
"To you, it's just pure business but to someone else here, it's more than that. . ." matalinhaga pa nitong sambit na nagpa-curious sa akin.
Ayaw kong mag-assume dahil alam kong mahal na mahal ni Gabriel Mondragon ang kaniyang asawa.
"That's enough, Primo. Bumalik ka na nga sa pwesto mo. What a nuisance. . ." singit naman ni Gabriel at tinuon na nito ang kaniyang pansin sa labas ng bintana. Habang ngumisi lang at kumindat sa akin si Engr. Alarcon bago bumalik sa kaniyang kinauupuan kanina.
Isang oras pa ang lumipas nang marating na namin ang isla na sobrang pamilyar sa akin.
Napatingin ako sa gawi ng isang malaking puno na malapit lang sa dalampasigan at sa dinaungan ng helicopter namin.
Napatigil pa ako habang nakatitig lang sa gawi na iyon habang inaalala ang malamig na gabi na pinainit namin ni Gabriel nang. . .
"Stop remembering that night, Rafaela." Napatingin ako sa taong dumaan sa tabi ko.
It's Gabriel habang buhat-buhat si Gabino na halatang antok na antok pa ang bata.
So he still remembers it too. Hmm.
Pagkaayos ko ng mga gamit ko sa kwartong nakatalaga sa akin ay napagdesisyunan kong mag-ikot ikot muna.
Nakabalik na rin pala sina Engr. Alarcon sa Maynila, nagmamadali nga iyong umalis dahil hinahanap na raw siya ng kaniyang mga anak.
Kung kaya't kami na lang naiwan dito ni Gabriel at Gabino.
Gusto ko sanang puntahan ang anak ko kaso mukhang andoon si Gabriel sa kwarto ng bata. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na ayaw na ayaw nitong malapit o lumapit ako sa anak namin.
Pumunta na lamang ako sa gawing hindi ako makikita ni Gabriel.
Kung ayaw niya sa akin, mas ayaw ko rin sa kaniya. Kaya ako na ang iiwas hangga't maaari.
I am just only here for my son.
Nothing more, nothing less.
Napadpad naman ako sa isang medyo tagong parte ng bahay.
I dial Trina's number. I need to talk to her about something sana lang ay hindi mawala ang signal.
It's ringing, and she answers it. I am about to say something when I feel someone's presence behind me, kaya napalingon ako.