Nakatulog akong umiiyak kagabi at umiiyak na naman pagkagising kaya halos hindi ko nagawang magreply sa chats ng mga kaibigan ko na magbonding kami dahil tapos na ang exams at ilang araw na lang ay lilipad na naman kami papuntang England. Tanghali na nang magdahilan ako sa kanila na masama ang pakiramdam ko kaya hindi ako makakasama sa lakad nila. Kaagad naman nilang pinostpone iyon kaya medyo na-guilty pa ako na dahil sa akin ay hindi sila makakapag enjoy ngayong araw. Kahit na pinipigilan ko ang sarili ko ay halos hindi ko alisin ang tingin ko sa phone ko. Inis na inis na ako sa sarili ko dahil kahit na alam kong hindi na tatawag o magtetext si Jace sa akin ay umaasa pa rin ako. Kakatapos ko lang kumain at pahiga na sa kama nang makareceived ako ng text mula sa kanya na nasa labas siy

