Hindi ko alam kung anong oras na ako tumigil sa kakaiyak kagabi. Mugtong-mugto ang mga mata ko pagkagising ko kinabukasan. Nagising ako sa maraming missed calls kaya mabilis ang kilos na tiningnan ko ‘yon para i-check kung may missed calls ba si Jace sa akin pero wala. Hindi ako sumuko at chineck din pati ang inbox ko pero wala rin siyang message kahit na isa. Siguro nga ay seryoso na siya sa sinabi niya sa akin kagabi na hindi na niya ako guguluhin pa. Imbes na magluto ng pagkain ay naubos na naman ang oras ko sa pag-iyak. Gabi na nang nagkaroon ako ng lakas ng loob na tawagan si Jace pero hindi ko na siya ma-contact. Hindi ako mapakali at wala akong ibang maisip kundi ang tawagan si Ma'am Jen para itanong kung nasaan si Jace. Pero nang ida-dial ko na ang number niya ay agad akong nat

