Isinukat

1605 Words

Ilang oras na lang ay magsisimula na ang unang araw ng board exam. Imbes na kabahan para sa exams ay si Jace ang laman ng isip ko. Simula noong gabi na binigyan niya ako ng necklace ay pakiramdam ko ay nagbago na siya ng pakikitungo sa akin. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko sa tuwing kasama ko siya nitong mga nakaraan. Siguro ay nasanay lang ako na sweet, malambing at makulit siya sa tuwing kasama ako. Kaya nitong nakaraan na hindi siya gano'n ay sobra akong naninibago. “CR muna ako, guys! Parang bumabaliktad na ewan itong tiyan ko!” Kahit nang magpaalam sina Tina, Cory at Hanna na pupunta sa CR ay hindi pa rin natigil ang pag-iisip ko tungkol kay Jace. Kasalukuyan kaming nasa isang room kung saan nakatakda kaming mag-take ng Civil Engineers Licensure Examination para sa taon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD