Hindi na ako sumubok na magchat pa kay Jace pagkatapos ng gabing 'yon at nagpasya na lang na hintayin ang pag-uwi niya para makausap siya sa personal. “Really, Mommy?” Bungisngis ni Ma'am Jen ang agad na nabungaran ko sa muling pagpasok ko sa opisina. Kakagaling ko lang sa opisina ni Engr. Liam para kuhanin ang portfolio na pinapakuha ni Ma'am Jen. “Don't let him this time, Mom! Nasasanay lang po siya na palaging sina Kuya at Diko ang sumasalo sa mga projects na iniiwanan niya!” natatawa pa ring sambit niya. Hindi tuloy ako nakapagpatuloy sa paglalakad palapit sa table niya para ibigay sa kanya ang mga documents na galing sa opisina ni Engr. Liam. Nang makita niya ako ay bumungisngis ulit siya sa kausap bago tuluyang nagpaalam at saka hinarap ako. “Anong sabi ni Liam, Jam? May papalit

