Jared's POV
"James..."
"James, wake up."
"James? I want to hear your voice, please."
"Wake up."
Dahan-dahan akong nag-mulat ng mata.
"S-sandy?" tawag ko kanya. Nag-angat naman siya ng tingin at ngumiti sa akin. "O-okay ka na?" Nakangiti pa rin siyang tumango kayakahit sobrang nananakit ang buo kong katawan ay umupo ako at yinakap siya nang mahigpit. "B-bakit naka wheelchair ka?"
Please don't tell me na napilay or worst nalumpo siya because of the accident. I will surely kill myself if that happens. Please...
"Not enough strength to walk straight. I'm fine, thanks to you," sagot niya na hindi naman tinatanggal yung pakakayakap ko.
'Thanks, God!'
"Kasalanan ko 'to. Dapat siniguro ko munang maayos yung kondisyon ng kotse ko. I'm sorry, baby."
"It's not your fault. I'm totally fine. You saved my life, remember? You saved me."
"Hindi. Nagpabaya ako," malungkot kong sagot.
"Stop. I've been hearing shits like that since I opened my eyes. Can you please cut it out?"
"But-"
"You don't have to blame yourself. I'm fine, I'm good, okay?" Aalis na sana ako sa pagkakayakap ko sa kanya pero laking gulat ko nang yumakap siya sa akin. Parang ang baklang pakinggan pero, bigla na lang lumakas ang t***k ng puso ko.
"Thank you, James,"
Napangiti na lang ako at maingat na dinampian ng halik yung ulo nya.
"Thanks God that you're fine, baby." Hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kanya "Buti pinayagan ka ni Renz? He was so mad yesterday."
And I cant blame him, I put Sandra's life in danger. Believe me, I feel the same way.
"I have my ways. And Jhake helped me."
Hindi ko yata maiwasang makaramdam ng selos.
Si Jhake yun eh! First boyfriend niya 'yon eh! Ano namang laban ko 'don?
"Ah, okay," matipid kong sagot at tumango-tango pa.
"Uy selos siya~" pang-aasar pa niya kaya nag-iwas ako ng tingin.
"Hindi. Bakit ako magseselos? Eh mas gwapo ako 'don! Saka ako na kaya ang mahal mo ngayon,"
"A-assuming ka talaga!" defensive niyang sagot at napatawa na lang ako nang malakas. May pagka-Denial Queen din itong si Sandra, eh. "James..."
"Uhm?"
"Wala. I'm happy that your fine, too. Kapag magaling na tayo, balik ulit tayo sa lake, ha?"
"Sige. No matter what happen, we will find our way."
"Mahal ko, time's up."
Napasimangot ako nang dahil sa tinawag mi Jhake kay Sandra.
"Tss!" singhal ko at mas niyakap ko si Sandra nang mahigpit.
'Mainggit ka ngayon!'
"I have to go, James." Kumalas siya sa pagkakayakap ko at laking gulat ko nang halikan niya ako sa pisngi. I was so surprised. "Thank you, "
Lumapit na si Jhake sa kanya at itinulak na yung wheelchair pero bago sila tuluyang makalabas, tinapunan pa ako ng masamang tingin ni Jhake.
"Tss! Inggit ka lang," mahina kong bubod.
Pagkaalis nila, siyang pasok naman ni Alyson. Siya kasi ang nag-volunteer na mag-bantay sa akin.
"Oh? Siguro naman Jay, kakain at iinom kana ng gamot mo. Nagkita na kayo diba?" Nakapameywang pang tanong ni Aly sa akin.
Talagang papanindigan kong hindi ako kakain at iinom ng mga gamot ko hangga't di ko nasisigurong ligtas na si Sandra, e.
"Psh." Ismid ko sa kanya.
"Jay, sana naman huwag ka nang makulit ha? Napakahirap mong painumin ng gamot," reklamo pa niya.
"Oo na." Nakasimangot na sagot ko sa kanya.
Humiga na lang ako nang maayos at lihim na napangiti. Sino ba kasi ang hindi matutuwa.
She kissed me.
"Oh? Ang saya yata ng kuya ko?" Bungad sa akin ni Shiela na kapapasok pa lang ng kwarto ko.
"Wala kang paki. Tss"
"Sweet," sarcastic niyang sagot. "May dala akong fruits. Susunod na daw sila Mommy dito." Pabagsak niyang inupo ang sarili sa sofa .
"Problema mo?" Tinaasan ko siya ng kilay. Parang ang haggard niya masyado.
"Bukod sa may pasaway akong kuya na napakahirap alagaan at bantayan? May school event kami. Pressured lang siguro 'to. Wala pa kasi akong official plan for the last day."
"Ahh..."
"Excuse me. Tatawagan ko muna si Sexy," paalam niya at lumabas na. Kinuha ko yung phone ko at tinignan lang yung picture namin sa Lake kahapon.
She's just the most beautiful woman I ever seen. She has the most angelic face and smile.
Napangiti ako. I am really thankful that she is safe..Mula nang magising ako kahapon, di na mawala sa isip ko kung ano na ba ang kalagayan nya. It's such a relief to see her.
Ano nga kaya ang nangyari kahapom? It's really odd na nawalan ng brake ang kotse ko dahil alaga sa maintenance lahat ng sasakyan ko. Nakakainis dahil sa napakaraming pagkakataon na pwedeng magloko, bakit kung kailan kasama ko pa si Sandy? Gusto kong magalit sa sarili ko for being careless. The accident almost killed the both of us.
Hinding-hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kung may nangyaring masama kay Sandra. She's my everything now.
I understand how Renz feels about what happened. He was just worried. Naiintindihan kong natakot lang din siya sa pwedeng mangyari kay Sandra. Maybe we both really love her so much na handa na talaga kaming ipagdamot si Sandra.
Ramdam na ramdam ko yung galit ni Renz. Alam kong kung hindi siya nagawang awatin ni Eunica, I may be a cold corpse right now. Malamang pinaglalamayan na ako. Talagang mapapatay niya ako. That's how mad he is for what happened. Like I said, nauunawaan ko siya. Kahit naman ako sa sarili ko, nang malaman kong hindi pa siya nagkakamalay after maisugod sa ospital, halos ipagdasal ko na sana ako na lang yung nasa posisyon niya. Kung pwede lang na, ako na lang yung makaramdam ng lahat ng sakit, tatanggapin ko.
"Jay, inom ka muna ng gamot," ani Alyson. Tumango naman ako. "It's good na si Cassy na ang bumisita sayo. I don't think Renz will allow us to visit her. Not after what happened last night."
Yeah. Last night. I was too desperate to see her. Pero kung anong tindi ng kagustuhan kong makita siya, ganoon din ang paninindigan ni Renz na hindi na kami dapat magkita pa ng kakambal niya. Galit na galit talaga siya. Sa totoo lang, nakaramdam ako takot, hindi sa natatakot ako na baka nga mapatay ako ni Renz pero dahil natatakot ako na hindi ko na makita si Sandra.
"Andito na sila Dad!" Kasalukuyan akong umiinom ng gamot nang pumasok si Shiela, kasunod ang Dad ko at si Mommy Tess. "Aba! Ang bait mo naman yata, kuya? Anong nakapag-convinced sayo na uminom ng gamot?"
"Psh."
"Sungit talaga! Hmp!"
"Anak, how do you feel?" Worried na tanong ni Dad. "We're very worried. Anong nangyari?"
"I dont know, Dad. Basta nawalan kami ng brake and everything went too fast."
"There is something wrong, hindi pwedeng basta na lang kayo mawalan ng preno." Seryosong singit ni Mommy Tess. "I mean, paano naman kayong mawawalan ng preno?"
"So mommy, you're thinking na baka sinadya yung aksidente?" Full of curiousity namang tanong ni Shiela. She's right. It's more possible na sinadaya talaga yung aksidente. Pero bakit at sino naman ang gagawa 'non?
"Most probably. But, I'm not concluding, kasi naman, who would have do that?"
Tama. Wala din akong maisip na pwedeng gumawa nun.
"Save your thoughts, sweethearts. Let's leave the investigation to the authorities. For now, dapat magpagaling ka na, Jay. Ako na ang bahalang makipag-ugnayan sa tito Ben mo." Tumango na lang ako kay Dad kahit punong-puno ng mga tanong ang utak ko.
"Aly, umuwi ka na para makapagpahinga ka na din." Seryoso kong utos kay Alyson. Mula kagabi, siya yung naiwan para magbantay sa akin. Tumango lang siya at nagpaalam na kila Mom and Dad.
Nakaramdam ako ng antok. Epekto marahil ng gamot na ininom ko.
Jhake's POV
Tsk! Ang hirap naman ng sitwasyon ko! Ako pa mismo ang naglalapit sa taong mahal ko sa karibal ko. Pero ano bang magagawa ko? Hindi ko kayang tapatan ang katigasan ni Renz kung alam at nakikita ko namang nahihirapan din si Cassy.
Halos manginig na ang buo niyang katawan sa gutom pero pinaninindigan niya na hindi siya nagugutom. So kahit masakit, ako na ang gumawa ng paraan para makita, I mean makausap nya si Jared.
Galit ako kay Jared. Because of him, nabulag si Cassy. Pero matapos kong marinig ang totoong nangyari kay Cassy, aaminin kong may parte sa akin na thankful kay Jared. He saved her.
Well, I will use this chance to hit two birds with one stone. Masisiguro kong maaalagaan ko siya ng maayos at mapapalapit ulit ako sa kanya. Tama, ako din ang magbebenefit sa pagsasakripisyo kong ito.
"Jhake," tumayo ako at sinalubong ang kararating lang na sila Renz. Andito kasi ako sa labas ng room ni Cassy, napakain at napainom ko naman na siya ng gamot. But she insists that I should stay outside. Ang sabi pa niya, if I dont want Renz to kill me, mabuti pa daw na manahimik na ako tungkol sa pagtakas niya kanina. "How is she? She must be really starving." seryoso pero punong-puno ng pag-aalalang sabi ni Renz.
"Lorenz, stop this. Nahihirapan lang ang kapatid mo."
"No, Dad. Alam ko ang ginagawa ko. If we won't do this now, anong pwedeng mangyari? I can't afford to lost my sister," matigas niyang sagot.
"Anyway, ayaw pa rin niyang kumain." Pagsisinungaling ko. "So stubborn," bulong ko pa.
"Sige na Jhake, I think kailangan mo munang umuwi para ikaw naman ang makapag pahinga. Renz, pag-isipan mo yung napag-usapan natin kanina. I know na protective ka lang kay Cassy, pero hindi mo siya kailangang sakalin. Papasok muna ako." Paalam sa amin ni Tito Ben. Matapos nun ay pumasok na siya at naiwan kami ni Renz dito sa labas.
Umupo si Renz sa tabi ko at nagpakawala ng buntong hininga.
"Pre," tawag ko sa kanya. Hindi ko alam kung paano ko ito uumpisahan pero kailangan. This can be my only chance to win my girl's heart back. Kung kinakailangan kong maging daan para magbago ng isip si Renz, I will do it!
"Bakit?" Walang gana niyang sagot.
"Don't you think you're just driving Cassy away?"
"What?" Napasimangot siya sa itinanong ko,
"I mean, look, natatakot ka na baka mawala sa atin si Cassy, I understand that. Pero , don't you think that you're using the wrong ways of protecting her?"
"What are you trying to point out, Jhake? Na mali na protektahan ko ang kapatid?"
"It's not like that. Protecting her is not the problem. It is your way of protecting her."
"I'm doing this for her. To keep her away from Jared at sa mga taong pwedeng makasakit sa kanya!" Napailing ako sa bahagyang pagtaas ng boses ni Renz.
Nakatapat pa naman siya sa tainga ko.
"How about from you?"
"W-what?"
"You said, you're protecting her from everyone who might hurt her. But who will protect her from you."
"What are you trying to say!?"
"I'm trying to say that you're hurting her, Renz. I know, we all know that you're intentions are good and clear. Pero ikaw mismo ang nakakasakit sa kanya." Huminga ako ng malalim bago tumayo. Nagkakadramahan na kami ni Renz. "Just think about it." Iniwan ko siyang nakatulala. Naisip niya siguro na may point din ang mga sinabi ko.
Naglakad na ako palayo. Ayos na yung ganito. Atleast napapalapit ulit sa sa akin.
"Oh! Hi Jhake!"
"Hi, Lycka."
"Uuwi ka na?"
"Yes."
"Mind if I take a ride?" Todo pa-cute niyang tanong. "Please?"
"I don't know, your house is out of the way."
"Actually, I'm going to the mall."
"Fine." Sang-ayon ko na lang.
"Kyaaah! Sweet! Let's go!" Ikinawit pa niya ang kanyang kamay sa braso ko. Masyado siyang clingy, tsk!
Tahimik lang ako sa buong biyahe samantalang itong si Lycka, apura ang salita. Kung anu-ano ang pinagsasabi at ikinukwento pa yung mga nangyari sa bakasyon nila ng Missing Angel. Hindi naman sa hindi ako interesado, pero parang wala namang pumapasok sa utak ko.
I'm way too busy thinking about Cassy. Kaonti na lang, she will be mine again.