Sandra's POV
Nagising ako sa malakas na sigawan na kahit pilitin kong hanapin, hindi ko magawa. Bagamat nababalot ng sakit ang buo kong katawan, pinilit ko pa din na idilat ang aking mga mata pero bigo ako.
'May mali, e.'
"Kapag may nangyaring hindi maganda sa kapatid ko, I swear to God that I will kill you! Umalos ka dito! Hindi ka namin kailangan!" Malakas at puno ng galit ang boses ni Lorenz. Hindi ko alam kung sino ang pinatutungkulan niya pero isa lang ang masisiguro ko. Galit na galit siya.
"Renz, wag naman sanang ganito. Walang may gusto nito! Gusto lang din naman makita ng pinsan ko si Cassy!" Mahinahon na paki-usap ni Alyson.
Si James ba ang kaaway ni Renz?
But why?
Gusto ko sanang magsalita at awatin na yung pag-uusap nila dahil mas lalo lang sumasakit ang ulo ko dahil sa sobrang ingay, subalit tila wala akong sapat na lakas.
"This is all your fault! Kung hindi mo siya isimama sa kung saan, edi sana hindi kayo naaksidente!" sigaw ulit ni Lorenz.
Narinig ko na may mga umaawat na kay Lorenz pero ayaw pa din niyang tumigil.
"Mali, e! Maling mali! Kasalanan mo lahat ng 'to! Umalis ka dito! Hindi ka namin kailangan dito!"
"Please, Renz. Just let me see her," paki-usap ni James kaya sinubukan ko na bumangon kahit halos mamaluktot ako nang dahil sa sobrang sakit.
Itinukod ko ang braso ko upang maging suporta. Pilit ko din na inaaninag kung nasaan sila. But all I can see is darkness.
It was all black.
"No! Umalis ka dito! Alyson, nakikiusap ako sayo. Ilayo mo sa akin yang pinsan mo!"
"Anong nangyayari dito? Bakit sinisigawan mo ang kuya ko?" Boses iyon ni Shiela.
"Shie, wag ka nang makielam dito," awat naman ni James.
"No, kuya! Ano ba kasing ginagawa mo dito? Ate Aly? Hindi ba't sabi ng doktor kailangan ni kuya ng pahinga? Why did you bring him here? At ikaw naman sir, bakit sinisigawan mo ang kuya ko?"
"Wala kang alam kaya ialis mo ang kuya dito! Mapapatay ko yan!" Sigaw ulit ni Lorenz.
"Teka lang naman po, kung makapagsalita naman po kayo sa kuya ko! Bakit po? Ginusto ba niya yung nangyari? Nakikita niyo naman po siguro yung kalagayan niya, diba?" Pangagatwiran pa ni Shiela. Bakas sa basag niyang boses ang pag-iyak. "Akala niyo ba hindi kami nag-aalala para kay Ate Sandra?"
"Anong alam mo, ha? Siya ba yung nakaratay sa loob? Siya ba yung hindi pa nagkakamalay?!"
"Babe, wag mong patulan yung bata!" Boses iyon ni Eunica. "Red, please. Umalis na lang muna kayo."
Sandaling namayani ang katahimikan sa paligid bago ko muling narinig na nagsalita si James. "We'll go for now. Masyadong mainit ang ulo mo Renz. Pero babalik ulit kami," aniya.
"Kahit wag na!" Sagot ni Lorenz.
"Babalik ako. And you can't stop me, Renz." Ramdam ko sa boses niya ang lungkot at guilt. "Let's go."
Gusto kong habulin si James kung kaya't nagpumilit akong bumangon.
Ngunit tila lantang gulay ang mga buto ko.
Napangiwi ako nang bumaksak ako sa malamig na sahig kasunod ang tunog ng pagbukas ng pintuan.
"Cassy!" Malakas at sabay sabay na sigaw nila. Umalingawngaw iyon sa buong kwarto.
"Cassy, anak... May masakit ba?" Bakas sa boses ng tatay ko ang pag-aalala habang inaalalayan niya akong tumayo. Gustuhin ko mang tanggalin ang pagkakahawak niya sa akin, hindi ko magawa.
Naramdaman ko ang muling paglapat ng likuran ko sa malambot na kama. Pati na rin ang mahigpit na yakap na natanggap ko mula kay papa.
"Thanks God. Gising ka na," mahinang bulong ni Lorenz bago yumakap din sa akin. "Please call Tito Sony," utos pa niya sa iba.
Marahan kong inilayo si Lorenz sa akin.
"Do you want anything?" tanong pa niya kaya tumango ako. "What is it? Tell me."
"W-where's James? I heard him. He was here earlier," mahina kong sagot. It was the loudest voice I can produce right now. "Call him,"
"What? No!" Mabilis niyang tanggi. "Damn, Cassy! You almost died. We're all worried about you. Tapos si Jared parin ang hinahanap mo?" He sound really irritated right now.
"Renz, wag mo namang sigawan ang kapatid mo. Kagigising lang niya," awat sa kanya ng tatay namin. "Baka lalo lang ma-stressed ang kapatid mo."
"Ako ang naii-stressed sa kanya! Puro na lang James!" Sigaw pa ulit ni Lorenz. "Anong bang meron si Jared, ha? Hindi pa na nagsi-sink in sayo na naaksidente ka nang dahil sa kanya?"
Yumuko ako. Hindi dahil sa naniniwala akong tama siya. Sadyang biglang kumirot lang ang ulo ko.
"Ano? Tama ako, diba?" Tanong pa ni Lorenz kaya nag-angat ulit ako ng tingin.
"Please... gusto kong makausap si James. Please, call him," sagot ko.
"Sige anak, ha? Papasundo ko si Jared mamaya. But for now, kailangan munang matingnan ka ng Tito Sony mo."
"Dad!" sigaw ni Lorenz out of protest.
"Lorenz, enough," awat pa sa kanya ni papa.
"Cassy..." Narinig kong tawag ni tito Sony, marahan pa niyang tinapik ang balikat ko. "Maupo ka, hija." Utos niya kaya matipid akong tumango. May mga kamay din na umalalay sa akin para maka-upo ako. "Okay, let's check. Look here and try to follow the light," aniya kaya bigla akong nakaramdam ng kaba. "Cassy, you're not following the light."
"W-what damn light!?" Singhal ko. I'd like to commend myself. Nagagawa ko pa talagang mag-sungit kahit wala na akong energy.
"You cant see the light?" nagtatakang tanong ni Lorenz.
"f**k! How can see that light if I cant see anything at all!?" Sigaw ko sa kanila.
"Bulag na si Cassy?" ani Marga bago bigla na lang humagulgol.
"f**k! I'm gonna kill him!" Galit na galit na sigaw ni Lorenz. Nakarinig pa ako ng pagkalabog na galing sa kung saan.
Kung alam ko lang kung saan nakapwesto ang gunggong na to, sasapakin ko talaga siya.
"Renz, relax ka lang," narinig kong awat ni Tito Sony kay Renz. "You can see that the accident caused severe damage to both of them. Jared recieved more fractured and physical damages than Cassy."
"Kahit na! Siya ba yung nabulag!?" sigaw ulit ni Lorenz.
"I know. This is very unfortunate but you should be worried for Jared's condition too. The accident worsen his heart condition..."
Bigla akong natigilan sa sinabi niya.
"Is he okay?" tanong ko. Naghintay ako ng sagot mula sa kanila pero wala akong natanggap. "Tell me! Damn it! Where is he? Is he alright?"
"Why do you even ask? Sarili mo dapat ang iniintindi mo!" sigaw sa akin ni Lorenz.
"Shut up, Lorenz. I am not asking you!" Sigaw ko din sa kanya. But I guess that was a wrong move dahil gumuhit ang kirot sa ulo ko.
"Sony, anong nangyayari kay Cassy?" Nag-aalalang tanong ni papa.
"Let's not stress her out. She needs more rest. Hindi makakabuti sa kanya kung makikipagtalo kayo sa kanya," ani Tito Sony. "Cassy's blindness is a temporary effect of the accident. May internal swelling pa sa upper part ng ulo siya which blocks her optic veins. Kapag nawala na ang swelling, hopefully makakakita na ulit siya. Maybe after a week or two."
"Paano kung hindi pa din siya makakita after that?" tanong ni Lorenz.
"Then we will conduct more tests. Let's hope for the best here." sagot ni Tito Sony. "She needs more rest. I suggest na may isa lang na maiwan dito para magbantay sa kanya." Bilin pa nito bago magpaalam na aalis na muna.
"Cassy, don't worry. Babalik din ang paningin mo, anak." ani papa at inalalayan pa ako na bumalik sa pagkakahiga ko.
"I want to see James," mahina kong bulong. Mas maayos na akong nakakapagsalita kumpara kanina.
"You can't see him. You're blind, remember?" sagot ni Lycka kaya nag-smirked ako.
Hindi naman ako na-inform na pati pala siya nandito.
"Pupuntahan ko si James. He's in this hospital too, right?" akma na sana akong tatayo nang magsalita ni Lorenz.
"Who told you that you talk to him? Simula ngayon, hindi ka na pwedeng makipagkita, makipag-usap at makipaglapit manlang kay Jared."
"Wala kang karapatan na pagbawalan ako." Malamig kong tugon sa kanya.
"Yes, I do. May karapatan ako dahil kapatid kita. Muntik ka nang mamatay dahil sa kanya. Sa tingin mo ba hahayaan ko pang magkalapit kayo? Think again, Cassy. You're smart, right?"
"Bakit ba kasi si James ang sinisisi mo? Ano sa salitang aksidente ang hindi mo maunawaan? Tanga ka ba? O sadyang makitid lang ang kukote mo kaya hindi mo maintindihan?"
"You almost died because of that accident! You even lost your eyesight! Puro ka pa din James.
"I just lost my sight, okay? I'll be fine in a few weeks." Paliwanag ko. "But I can never forgive myself if something happens to James." Muli akong nag-tangka na tatayo subalit may humawak kaagad sa akin.
"Sabihin mo nga sa akin, ano bang meron kay Jared at nagkakaganyan ka?" tanong ni Lorenz.
"He's my bestfriend!" sigaw ko.
"Bestfriend? Ang kaibigan di dinadala ang kaibigan sa kapahamakan. Look at yourself! Ipinahamak ka niya. Kaibigan pa din ba 'yon?"
"Stop insisting that this is his fault! He saved me!" sigaw ko kasunod ang pag-agos ng luha ko.
Natatandaan ko na ang mga nangyari. He covered his body around me. Siya yung kumuha lahat ng impact that was supposed to be for me.
I bit my lower lip to stop myself from crying. "If something bad happens to him, I will never forgive myself," dagdag ko pa.
"It doesn't matter if he saved you or not. That's final Cassandra Lorena," malamig niyang tugon.
Pumikit ako bago punasan ang mukha ko.
"Get out," matigas kong utps habang pilit na inaawat ang sarili ko sa pag-iyak. "I don't want anyone of you. Leave me alone."
"You're being unfair," ani Lorenz. "Tell me, nagkakaganyan ka ba dahil pinagbawalan kita na puntahan si Red? You're being unfair."
"I don't want to argue with you. Get out," sagot ko ulit.
Ang lakas nang loob niyang sabihin na unfair ako. Siya itong ayaw akong papuntahin kay James. He saved my life!
"Lalabas kayo o tatanggalin ko lahat ng nakakabit sa akin at ako mismo ang lalabas dito?"
"Cassy..." boses iyon ng papa namin.
"Get out! I said get out!" Sunod-sunod kong sigaw at akma pang tatanggalin ng swero ko.
"Stop it!" Awat sa akin ni Lorenz at pilit pa akong pinahiga. "Ano ba?!" Malakas niyang sigaw at niyugyog pa ako. "Stop it! Stop it!"
"I hate you. I really hate you," bulong ko sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang naging reaction niya pero malinaw sa akin na sandali siyang natigilan sa sinabi ko. "Now everyone, leave."
"Hindi ako lalabas..." Kumunot ang noo ko nang marinig ang boses ni Jhake sa bandang uluhan ko.
"Kaya ko ang sarili ko," sagot ko.
"Alam nating lahat na hindi mo kaya," sagot ulit ni Jhake. Napaka-feeling close nito.
"I lived for three years independently. I don't need any of you," sagot ko.
"Iba na ang sitwasyon ngayon,"
"Wala akong pakialam. Lumabas kayong lahat. Hindi ko kayo kailangan. "
"At ano? Si Jared lang ang kailangan mo? Ganon ba?" Hasik ni Lorenz.
"Babe, tara na muna sa labas. Kailangan ng pahinga ni Cassy. Narinig mo naman ang sinabi ni tito Sony, diba?" ani Eunica.
Nagpakawala nang buntong-hininga si Lorenz. Naramdaman ko pa ang paglabas nila. But I'm not sure kung lahat nga ba sila ay lumabas na. Kilala ko hilatsa ng ugali nila, may maiiwanan at maiiwanan dito para bantayan ako.
Para makasiguro ako, nagkunwari akong babangon.
"Mahal ko, what do you need?" Napakunot ako ng aking noo.
Sinasabi ko na nga ba, e.
Sa dinami-dami nila, itong si Jhake pa ang iniwanan nila.
"Labas," utos ko.
"Hindi ako lalabas dito. Paano kapag may kakailanganin ka? Hindi mo ba nakikita? You need someone to help you right now," aniya.
"Paano ko makikita, bulag nga ako. Remember?" sarkastikong sagot ko. "Lumabas ka."
"Hindi nga ako lalabas," nagmamatigas niyang sagot.
Pinupuno talaga ng lalaking ito ang pasensya ko. Akala niya yata agbibiro ako nung sinabi ko na ako ang mismong lalabas kapag hindi nila ako iniwanan, e.
Kahit sobrang sakit ng buo kong katawan, umupo pa rin ako at akmang tatanggalin yung swerong nakakabit sa kamay ko.
"Ano bang ginagawa mo?!" sigaw niya.
"Ayaw mong umalis, diba? Then stay here all you want," sagot ko pero kaagad akong natigilan nang bigla niya akong yakapin. " Bitiwan mo nga ako!" sigaw ko pa.
"Oo na. Panalo ka na! Lalabas na ako," huminga muna siya ng malalim bago tuluyang umalis sa pagkakayakap niya sa akim. "Tawagin mo ako kapag may kailangan ka, okay?"
Naramdaman ko naman na lumayo siya kasunod ang pagbukas at sara ng pintuan.
Umayos ako nang pagkakahiga.
'What is this mess that I got into?'
Tatlong magkakasunod na katok ang narinig ko. "Ano na naman ba 'yon?!" sigaw ko.
"Ate..." Tawag niya sa akin kaya ngumiti ako.
"Get inside," utos ko. Narinig ko namang bumukas yung pintuan.
"Ate, anong nangyari?" tanong niya.
Hindi ko alam pero para akong nakahanap ng kakampi ng maramdaman ko ang kamay niya sa kamay ko. Niyakap ko siya at tahimik lang na umiyak na umiyak sa kanya.
"Ate? Tell me what happened. Ayaw akong kausapin ni Sir Lorenz. May masakit ba sayo? Anong nangyari?"
"I'm fine now," sagot ko. Hind ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na wala akong nakikita. "Kumusta yung date niyo ni Gella?"
"Si ate naman. Ang kulit. Hindi nga date 'yon. At wag mong baguhin yung topic." Akma siyang aalis sa pagkakayakap ko kaya mas hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kanya.
"I got some bruises. But I'm fine. This won't kill me."
"Eh bakit ka umiiyak?" tanong niya.
"Cassy..." Boses iyon ni Lorenz. Kalmado na siya kumpara kanina. "Kain ka muna," aniya.
Umalis si Ella sa pagkakayakap ko
"I'm not hungry," sagot ko. "Get out." Pagtataboy ko pa sa kanya.
"No! Hindi pwedeng hindi ka kakain. Hindi ako lalabas hangga't hindi ka kumakain," aniya at naramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko.
"I don't want to be with you," I said coldly. "Now leave."
"Wala kang magagawa. Gagawin ko ang gusto ko. At iyon ay ang pakainin, alagaan at bantayan ka ngayon. Tomorrow will be Jhake's turn." Pagmamatigas pa niya.
"Well, just so you know. I'd rather die alone than be with you or him. Get out," utos ko pa. "You too, Ella. Go home."
"Ate naman, e. Pwede naman kitang bantayan."
"Not. I'm good here. You go and have some rest. By the way, tell everyone that I want some good sleep and I dont want any of them to stay. " Walang sumagot sa kanilang dawala. "Hanapin mo din kung ano ang room number na ginagamit ni James."
"S-sige po."
"No Ella. You wont do that." Matigas na utos ni Lorenz. "Cassy is not allowed to see him."
"Don't mind him, Ella. Go and do what I said."
"Stay out of this Ella. Huwag kang magkakamaling sundin yung gusto niya. Ako ang makakalaban mo."
"What the f**k is wrong with you!?" Gigil kong sigaw.
"A-ate? Y-you're l-looking on the wrong way..." Punong puno ng pagtataka ang boses niya.
"She's blind and that is because of James. Siguro alam mo na kung bakit bawal siyang makipagkita o makipag-usap sa gagong 'yon."
"It's not his fault!" Gigil kong sigaw ulit. "I'm dead serious Lorenz. Get your f*****g nose out of this! Lumabas na kayo."
"Sige na, Ella. Sumabay ka na kila Dad sa pag-uwi. I'll take care of Cassy." ani Lorenz.
"Just eat." Matigas niyang utos. "Please don't be stubborn, Cassy. Kailangan mong kumain para magkalakas ka. Para makabawi ang katawan mo." Malambing na naman niyang pakiusap. "Sabihin mo sa akin kung ano ang dapat kong gawin para lang kumain ka."
"You know exactly what I want." sagot ko.
"I'm just trying to protect you!" Tumaas ulit yung boses niya.
"Protecting me from what? Lorenz, after three years of my life, ngayon na lang ulit ako makikiusap sayo. Please, I need to know if he's fine. That's all I want to know right now."
"It's still a no, Cassy."
Mapait akong ngumiti sa kanya. "As expected."
"Wag mong isipin na ako yung masama dito. It's him! Si Jared ang dahilan kung bakit tayo nagkakaganito. First, inagaw niya ang oras at atensyon na dapat sana para sa akin at sa mga taong naghintay ng tatlong taon para sa pagbabalik mo. Then, because of him, you almost died, you even lost your sight! And now, nagtatalo tayo nang dahil pa din sa kanya!Puro na lang siya!"
"Tama ka. Puro na lang siya. Puro na lang siya ang sinisisi mo. He's your friend too, Lorenz."
"Like I said. I'm doing this because I love you and I want to protect you. This is all for you."
"No Lorenz. You're not doing this for me. You're doing this for yourself. Masyado kang kinakain ng pagseselos mong wala sa lugar."
"I will do what I know is right. Kakain ka naman kapag nagutom ka. You will never let yourself starve to death," aniya. "Hindi lang si Jared ang tao sa mundo."
"I know,"
"Alam mo naman pala, e. Bakit pinagpipilitan mo pa?" tanong niya.
"Hindi ko alam sayo, Renz. Last night you told me that you will support me to whatever that will makes me happy."
"I did?" tanong niya.
"Yes. And what you're doing right now is hurting me. You're hurting me."
"No. I'm doing what's best for you."
"If you say so," matabang kong sagot "The best? Best what? Best way to make me feel sick? Well congratulations, it's working. I'm getting sick of you." dagdag ko pa. "When I'm discharged, I'm moving out from the mansion. I'm not staying there anymore. "
"No." Mabilis niyang sagot kaya inismiram ko siya.
"I recieved many 'no' today. f**k that," bulong. "Well, I'm not really asking for your approval."
"Neither do I,"
"Go on. Ipilit mo yung gusto mo. Sa ganyan ka naman magaling diba? Ang ipilit ang gusto mo? It's fine. I'm used to it. Iwan mo na ako." Hindi siya sumagot. Nanatili lang siyang nakaupo sa gilid. Pumihit ako patalikod sa kanya.
I hate what I'm feeling right now. Nagagalit ako sa kanya dahil pinagbabawalan niya ako na makita si James. I hate what's happening to me. Gusto ko namang intindihin si Lorenz.
But I just can't understand kung bakit iniisip niyang kasalanan ni James yung aksidente. Wala namang may gusto na mangyari 'yon. Lorenz is acting as if James intentionally caused that accident.
Mas galit na galit pa siya kumpara sa akin! Ako yung nabulag, ako yung muntik nang mamatay! Pero kahit katiting, wala akong nararamdamang galit para kay James.
He saved my life! Iyon naman ang gusto kong ipaunawa kay Lorenz.
But he was too busy blaming James. Hindi niya tuloy maunawaan ang totoong nangyari.
NAGISING ako na may humahaplos sa pisngi ko kaya kaagad ko iyong kinabig palayo sa mukha ko.
"f**k you! You ruined my good sleep!" sighal ko pa sa kung sinong hudas ang gumising sa akin.
"It's time for you eat."
Kumunot ang noo ko nang makilala ko kung kaninong boses ang naririnig ko.
"I'm not hungry. Go back to hell, Jhake!" sigaw ko pero tumawa lang siya bago sumagot.
"You can still recognize my voice,"
"Bulag ako hindi bingi. At lalong hindi ako nagka-amnesia kaya wag kang magpakaligaya," sagot ko.
Pumikit na ulit ako. Kailangan kong mag-ipon ng energy para makauwi na ako agad. Parang kagagaling ko lang ng ospital, nandito na naman ako.
"Kumain ka muna. Hindi ka pa kumakain mula kahapon nung magising ka," aniya.
Sa totoo lang, sumasakit na ang tiyan ko pero kailangan kong manindigan.
"I'm not hungry,"
"You're not good in lying, Mahal ko. Alam kong nagugutom ka na." Natawa pa siya bago magsalita ulit. "Kanina pa tumutunog yang tiyan mo, e."
"Wala kang pakialam,"
"Ang kulit mo talaga. Kumain kana. Susubuan na kita para di ka mahirapan."
"Tss."
"Bilis na."
Hindi ako sumagot. Narinig ko siyang nagbuntong hininga.
"Are you doing this dahil sa kasalanan ko sayo o dahil pinaghigpitan ka ni Renz?" Malugkot niyang tanong.
"Hindi ko obligasyong sagutin ka." Matabang kong sagot sa kanya.
"Kapag ba gumawa ako ng paraan para makapag-usap kayo ni Red, kakain ka na?" Malungkot pa rin niyang tanong.
Para akong nakaramdam ng pag-asa nang dahil sa sinabi niya.
"You will really do that?"
"Yes. Basta kumain ka lang," sagot niya.
Tumango naman ako ng mabilis.
"Here. Soup lang 'to dahil di ka pa daw pwedeng kumain ng heavy meals."
"K-kaya ko. Ako na lang mag-isa ang kakain."
"I insist. Look, I'm giving you a big favor. For now, let me take care of you," Ngumiti ako sa kanya bago tumango.
Ewan ko ba, parang pakiramdam ko, nabura lahat ng inis at galit ko sa kanya nang sabihin niyang tutulungan niya ako para pakausap si James.
"T-thanks."
"No problem. But this doesn't mean that I'm giving up on us." Napasimangot ako. "I still and always want to win your heart back, Mahal ko." Hindi ako sumagot at nag-umpisa na niya akong subuan. "Mind to tell me kung anong nangyari?" Tanong nya matapos kong tanggihan yung isinusubo nya sa akin. "It might help me to convince Renz na hayaan ka sa gusto mo."
"Nawalan ng preno yung kotse ni James," sagot ko. I released a deep sigh. "If it wasn't because of James, siguro patay na ako. You know me, hindi ako nagkakabit ng seatbelt."
"I know that," mahina niyang bulong.
"I owe my life to him, Jhake. He saved my life. And I don't understand why Lorenz can't get that."
"Natakot lang ang kapatid mo, lahat kami. We thought that we might not see you again, that you might be gone for good. Kababalik mo lang sa amin, e."
"I know. But it's not James' fault."
"Now I know," sagot niya bago ako muling pakainin.
After kong maubos ang soup na dala niya. Naramdaman ko na tumayo siya. "Wait here, kukuha lang ako ng wheelchair."
Tumango ako bago ayusin ang magulo kong buhok.
Mayamaya pa, nakabalik din kaagad si Jhake. "Hey, mahal ko..."
"Quit calling me that way, Jhake. It's pissing me off." Hindi siya sumagot at naramdaman ko na lang na binubuhat nya ako. Iniupo nya ako sa wheelchair.
"Let's go. May 30 minutes pa tayo bago dumating sila Renz. For sure, he will kick my ass kapag nalaman niyang tinutulungan kita."
Naramdaman kong itinulak na niya ang sinasakyan kong wheelchair.
Hinawakan ko yung kamay niya bago mahinang bumulong, "Salamat Jhake. I owe you." Hindi naman siya sumagot. Napuno kami ng katahimikan hanggang sa huminto siya. "Are we here?"
"Yes."
"Please dont tell him that I'm blind," bulong ko sa kanya pero hindi na naman siya sumagot.
Kumatok siya kasunod ang tunog nang pagbukas ng pintuan.
"Anong ginagawa niyo dito?" Bakas saboses ni Alyson ang pag-aalala. "Baka mahuli kayo ni Renz."
"Hindi tayo mahuhuli kung papapasukin mo na kami," mataray kong sagot.
"You're right. Come, get inside. Tulog pa si James but I think you still need to see him," aniya. I guess hindi pa niya alam na bulag ako. Tinulak ulit ni Jhake yung wheelchair. "Kailan ka pa nagising?"
"Last night." Matipid kong sagot. "Pwede niyo ba kaming iwanan sandali?"
"Sure," Halos sabay nilang sagot.
Bago sila tuluyang lumabas, inilapit pa ako ni Jhake sa kama. "You have twenty minutes," bulong nya.
"You said thirty minutes."
"Twenty. Don't waste it by arguing with me."
He has a point so tumango na lang ako. Nang maramdaman kong nakalabas na sila. Kinapa at hinanap ko ang mukha ni James.
I smiled.
Gusto ko na ulit makakita para makita ko na ulit ang mga mata niya. Ang mga ngiti niya.
"James..."
Hinawakan ko ang kamay niya na kung di ako nagkakamali, ay nababalutan ng benda.
"James, wake up."
Bahagya ko pang tinapik ang kamay niya pero di pa rin siya nagigising.
"James? I want to hear your voice, please?" Idinukdok ko yung mukha ko sa bed habang nakahawak pa din sa kamay niya.
"Wake up," bulong ko pa.