Alyson's POV
“Ilang songs daw ba ang ipe-perform natin?” tanong ko sa mga bandmates ko. Kasalukuyan kaming nasa rehearsal studio ng Missing Angel. Kailangan kasi namin na maghanda para sa nalalapit na pa-presscon ng grupo namin.
“I don't know. Itanong na lang natin kay Lycka,” sagot naman sa akin mi Eunica habang nilalaro sa mga darili niya ang paborito niyamg drumsticks.
“Where is she na ba? Gutom na ako,” bulong ni Marg at nangalumbaba pa sa harap ko.
“She texted me. She's on her way naman na daw,” sagot ni Ivy.
“On her way? Siya may idea ng practice na 'to. Hindi ba dapat na siya yung nandito na by this time?” reklamo ni Devine na halos mamula na sa sobrang inis.
“Oh, relax lang tayo. Okay? Devine, inhale and exhale ka muna,” nakangiti kong pagpapakalma kay Devine bago balingan si Marg na kulang na lang kainin na yung gitara ko. “Marg, may biscuit ako sa bag.”
Excited na tumayo si Marg at kinuha sa bag ko yung inalok kong biscuit sa kanya. Lihim akong napangiti kasi narealized wala pa rin nagbabago sa amin. Devine being hot-tempered, Ivy is fashionable and kikay as always. Si Marg naman, iyan childish pa din. Si Nica, sporty at kalog pa din tulad dati.
We actually never changed. Well, except for one. That one special person who we consider as our heart. The girl who helped us to know ourselves and our passion in music. The girl behind the success of Missing Angel…
Cassy is the heart and mind of our band.
Bago pa kami mag-debut as Missing Angel, kilala na ang gurpo namin bilang Angel's Fame. Para kasi kay Cassy, kami ang mga angels niya pero para sa amin, siya talaga yung angel. She used to had the sweetest and kindest heart among us. It was surprising for us to see how she changed.
Hindi na siya ang Cassandra Lorena.
She used to be kind and soft-spoken. Ni hindi ko na makita sa kanya yung kaibigan namin dahil sa sobrang laki ng pinagbago niya. But I know, that deep down her heart, she's still our friend.
Siguro'y nag-a-adjust lang ulit siya sa amin.
Eunica's POV
BINITIWAN KO na ang drumsticks ko at hinarap ang mga kasamahan ko. Bakas sa mukha ng lahat ang pagkainip pero wala naman kaming magawa dahil wala pa si Lycka. Nararamdaman ko tuloy na may mag-aaway na naman mamaya. Kanina pa kasi nakakunot ang noo ni Devine.
“Guys may tanong ako,” pagtawag ko sa atensyon nila. “Sa tingin niyo ba seryoso si Red kay Cassy? I mean, totoo kaya na may gusto siya kay Cassy?”
“Maybe? I don't know,”
“Yeah, I mean who know? Pare-pareho naman tayong clueless sa takbo ng utak ni Red, e.”
“Subukan lang ni Red na magloko. Lagot talaga siya sa akin. I don't care kung magpinsan pa sila ni Alyson,” sagot naman ni Devine kaya pare-pareho kaming napatingin kay Alyson.
“Oh? Bakit sa akin kayo nakatingin?”
“Ano sa tingin mo? Mukha bang seryoso si Red kay Cassy?”
“I'm not sure either. But Jay's been a bit different lately. Something is different about him,”
“Nagka-girlfriend na ba si Red?” tanong ni Ivy kaya napaisip din ako.
“Asa naman kayo na may papatol sa ugali 'non. Gwapo nga masungit naman!”
“Uy, grabe ka sa pinsan ko,” singit ni Alyson kaya nag-peace sign ako sa kanya. “As far as I know, wala pang nagiging girlfriend si Jay pero di naman dahil sa masungit siya. Marami kayang nagkakagusto sa kanya kahit nung nasa high school pa lang siya. Ayaw lang talaga ni Jay.”
“Sus! Edi masungit nga!” sagot naman ni Marg.
“No. It's not like that. Mahirap kasing i-explain. Medyo conservative kasi si Jay. Old school kumbaga. He's looking for a lifetime partner.”
“Sus! Wala namang forever!” Sabat ni Devine.
“Bitter mo!” we said in unison.
Di kasi maka-moved on sa ex niyang Chic boy. College pa kami nung naghiwalay sila ni Lance pero ang kaibigan namin, bitter pa din.
“Pero alam niyo, sana talaga seryoso ni Red kay Cassy. Pata alam niyo na. Kapag naging sila hindi na gugustuhin ni Cassy na umalis ulit,” ani Ivy.
“Oo nga. Kapag na-broken na naman si Cassy, iiwanan na naman tayo 'non,” nakangusong sang-ayon ni Marg.
“Depende din naman sa kanila 'yon,” ani Alyson. “Saka we need to consider Cassy's feeling too. Paano kung hindi naman niya gusto si Jay? Edi yung pinsan ko ang kawawa.”
“Sabagay. May point ka,” ani Marg. “Pero mukha namang the feeling is mutual sa kanila.”
“If that is the case… Paano na si Lycka?” Tanong ko.
“Oh? Aside from being late, anong meron kay Lycka?” Nakasimangot na tanong ni Devine.
“Diba she likes Red?” sagot ko.
“Seriously? Naniniwala kayo 'don? Ang gullible niyo masyado,” ani Ivy habang nakangisi.
“What do you mean?” sabay naming tanong nila Marg.
“She don't really like Red, okay? Paano niya magugustuhan si Red eh hindi pa siya moved on kay Jhake.” maarte niyang sagot sa amin kaya nagkatingin kami nila Alyson.
“For real?” We asked in unison.
“Yup. I oftenly see her stalking Jhake's social media accounts. Parang pinagseselos nga lang niya si Jhake, e.”
“Wuy, tsismis yan girl!” ani Marg.
“Oo nga. Ivy grabe ka dun sa tao. Kaibigan natin 'yon.” Paalala ko pa sa kanya.
“Bakit? Totoo naman yung sinasabi ko, e. Hindi tsismis 'yon.”
“Tama na nga 'yan. Nagiging angel with sungay na tayo,” natatawang awat sa kanya ni Alyson.
“But, I think I'll go with team SanRed,” ani Marg habang todo ngiti. “Who's for team JaYcka?”
“Ikaw lang din. May team team kana na nalalaman d'yan. Napaka-isip bata mo!” ani Devine at inirapan pa pa si Marg.
“Ang KJ nito,” ani Marg.
“At least hindi INCP,” sagot ulit ni Devine. “Immatured na childish pa.”
“Imbento ka. Wala namang ganoon,” sagot ulit ni Marg.
“Sapak gusto mo?” napipikon na sagot ni Devine.
“Nag-aaway na naman kayo?” Napalingon kami sa nagsalita. Hindi namin napansin na nandito na pala si Lycka.
“Bakit ba kasi late ka?” Taas kilay na tanong ni Devine.
“I was forced to eat dinner,” aniya. “At muntik na naman kaming mag-away ni Cassy.”
“Ano bang nangyari? Isa pa kayo na hindi magkasundo, e.” tanong ni Ivy.
“Long story. But you know me. I don't start fights, I finish it.” aniya. “Magpractice na lang tayo.”
Devine's POV
I rolled my eyes when we missed another beat during practice.
“Girls, ano ba? Focus!” Iritableng sigaw ni Lycka. “Kanina pa tayo dito. Hindi naman bago yung kanta na tinutugtog natin bakit nagkakamali pa?” tanong pa niya. “What if yung new song na ang kailangan i-practice?”
“Inaantok na kasi kami,” taas kilay kong sagot. “Hindi ba kasi pwedeng bukas na 'to o sa susunod na araw?” tanong ko habang nag-iinat.
“No. Dapat kasi diba kahapon pa 'to? Eh ano bang inunan niyo? Diba mas priority niyo na magtrabaho with Cassy?”
“Tss!” ismid ko at inirapan pa siya.
“Sandali nga. Magkaliwanagan na tayo dito,” ani Lycka bago humila ng silya.
“Ano bang pag-uusapan? Sana after nito, pwede nang umuwi. Realtalk, inaantok na talaga ako.” Humila din ako ng silya at hinintay na magsalita si Lycka.
“This is about Cassy,”
“What about her?” tanong ni Alyson.
“Let's not be plastic here. Sinasabi niyo lang na walang magbabago ngayon na nakabalik na siya.”
“Wala naman talaga, a? Alam mo paranoid ka lang,”
“Seriously? Wala? Kaya ba pati schedule natin nabago na?”
“Lycka, we're very sorry about that. Alam mo maman yung situation natin, e. Can you please understand us?”
“Palagi naman, diba?” ani Lycka bago tumayo at nauna nang umalis.
Pambihira.
RENZ' POV
BUMANGON AKO na sapo ang ulo ko. Hindi ko alam kung anong oras na at wala naman sana akong balak na bumangon dahil sa sobrang sakit talaga ng ulo ko. Kung hindi lang sa nakakasilaw na sinag ng araw na tumatama sa mukha ko, baka mahihimbing pa ako.
Bumangon na muna ako at dumiretso sa cr. Mas mainam siguro na maligo muna ako at baka sakali na mabawasan ang pagkirot ng sintido ko.
Ang huling natatandaan ko, nagpunta ako sa bar na pagmamay-ari nila Jhake para magpalipas ng sama ng loob dahil naiinis ako kay Cassy, mas lalo na kay Jared
Kaibigan ko si Jared wala naman akong nakikitang masama kung maging magkaibigan din sila ni Cassy pero iba na yung pakiramdam ko sa mga nangyayari.
My own twin sister chose him over me.
Mas gusto niyang makasama si Jared kaysa sa akin. Ako na kakambal niya. Hindi ko alam kung anong meron sa kanilang dalawa pero masyado na silang nagiging malapit sa isa't isa.
Ilang araw pa lang na nakakabalik si Cassy. They barely know each other yet I can sense that something is special between them already.
Tapos, ito pa si Cassy ang hirap timplahin ng ugali. Okay kami nung una tapos nung huli hindi na ulit. Hindi ko na malaman kung saan ko ilalagay ang sarili ko, e.
Habang tumatagal mas lalo ko lang siyang hindi nakikilala. She's not my sister anymore.
Gusto ko lang naman na kami naman na yung magkaroon ng time na makasama ang isa't isa. Gusto kong makabawi sa tatlong taong hindi ko siya nakasama. Gusto kong ayusin ang lahat.
Pero nang dahil sa ugali niya at pagiging epal ni Jared, mukhang malabong maayos ko pa ang lahat sa lalo't madaling panahon.
Nagpakawala ako nang malalim na buntong hininga. Hanggang doon na lang ang naaalala ko. Hindi ako sigurado kung paano ako nakauwi nang kumpleto.
Pinatay ko na ang shower at inabot ang towel ko para ipang-tapi sa beywang ko.
“s**t!” sigaw ko nang makitang may ibang tao sa loob ng kwarto ko.
Bakas naman sa mukha niya na nagulat din siya sa akin at mabilis pa nag-iwas ng tingin.
“Anong ginagawa mo sa loob ng kwarto ko?” matabang kong tanong ko kay Nica.
“Wag kang mag-inarte. Hindi ko naman choice na pumasok dito,” sagot niya bago ituro yung pintuan ng kwarto ko. “Nasa labas sila Marg.”
“Tss. Eh ano ngang ginagawa mo dito?” Pagsusungit ko kahit ang totoo naman, gusto ko siyang yakapin nang mahigpit.
“Kakain na daw. Sumunod ka na sa baba,” aniya at tinalikuran na ako. Pinanuod ko lang siya na iwanan ako katulad nang palagi kong ginagawa. “By the way, pwede ba next time tigilan mo ang paglaklak ng alak kung hindi mo naman kaya. You're causing so much trouble,” aniya at muli na namang naglakad.
“H-how did you know about that?” kunot-noo kong tanong.
“Greg called. Pinapasundo ka,” aniya.
“Ikaw ba ang nag-uwi sa akin?” Nahihiya kong tanong.
“No. Naunang dumating si Cassy para sunduin ka,” aniya at nilingon pa ako. “You are in deep trouble this time, Renz. You even dragged Cassy to your mess.” Inirapan pa niya ako bago pihitin ang doorknob… “f**k. Marg! Open this door!” sigaw niya.
“What happened?” tanong ko at lumapit na ako sa kanya.
“It's locked,” aniya.
“What? Anong locked?” Lumapit ako sa kanya at pinihit pa din ang doorknob pero naka-locked nga ito.
Sabay naman naming idinikit ang tainga namin sa pinto at rinig na rinig ang mga naghahagikgikan mula sa kabila.
“Margarette Perez?! Buksan mo yung pinto?!” sigaw niya at kinalampag pa yung pintuan. “Mapapatay kita kapag nakalabas ako dito!” banta pa niya.
“Usap lang kayo. Bawasan na natin ang mga bitter sa earth!” Narinig naming sagot ni Jack.
“Jack, kapag ako nakalabas dito. Ikaw ang mawawala sa earth. Manghihiram ka pa ng mukha sa unggoy!”
“You're welcome in advance, bro!” sagot nito kasunod ang papahinang yabag nila.
“Mga siraulo talaga!” sigaw ni Nica at sinipa pa yung pinto.
“Pabayaan mo na sila. Alam mo naman na parehong isip bata pareho 'yon, e.” awat ko sa kanya at tinalikuran na siya.
Pumwesto ako ng upo sa gilid ng kama ko at tahimik lang na pinanuod si Nica na abala pa din sa pagpihit ng doorknob kahit pa pareho naming alam na hindi niya mabubuksan 'yon.
Minsan gusto ko na rin magalit sa sarili ko, e. Kasi kahit sobrang sakit ng ginawa niya sa akin dati, hindi ko pa din magawang magalit sa kanya. Matagal nang natapos ang lahat sa amin pero hanggang ngayon, may part pa rin sa akin na umaasang babalik siya sa akin.
O kahit bigyan man lang sana niya ako ng matinong rason kung bakit iniwanan niya ako. Because I thought everything was right. It was a perfect relationship, well at least gor me.
“Tsk!” Naiinis pa siyang bumaling paharap sa direksyon ko kaya nahuli niyang nakatingin ako sa kanya.
Huli na para mag-iwas pa ako ng tingin kaya minabuti ko nang tingnan na lang siya ng diretso. “Nabuksan ba?” Nang-aasar kong tanong.
“Mukha ba?” Inis niyang tanong habang nakataas ang kaliwang kilay. “And for Pete's sake! Magbihis ka nga!” sigaw niya bago nag-iwas ng tingin. “N-nakakaumay yang katawan mo.”
“Nakakaumay o nakakapanglaway?” Nakangisi kong tanong at nag-flex pa sa harap niya.
“Umayos ka nga!” sigaw niya habang nakatingin sa abs ko. “Asa ka naman. Mukha ka kayang kalansay.”
“Kalansay pa, e.” bulong ko. “Tinatamad pa akong kumuha, e. Ikuha mo nga ako,” malambing kong utos. “Please?”
“Ito naman. Parang wala tayong pinagsamahan,” dagdag ko pa.
“Sana nga, wala na lang.” aniya at tinalikuran na ako bago lumapit sa closet ko. “Kanino 'to?” tanong niya at tiningnan pa ako ng masama.
Sinilip ko ang damit na hawak niya. It was a dress I was about to give her three years ago before we broke up. “I'm not sure,” pagsisinungaling ko at nagkibit-balikat pa.
Bakas na bakas sa mukha niya ang labis na pagkainis at selos. Ayoko man na umasa, iyon ang malinaw na nakikita ko sa mga mata niya.
Padabog naman siyang muling naghanap ng damit ko at makalipas lang ang ilang minuto na pagdadabog at bulong niya, inabutan niya ako ng isang white t-shirt at basketball short.
“Wala bang brief?” tanong ko kaya bigla siyang pinamulahan ng mukha.
“Don't tell me that you're not wearing anything else underneath that towel?” Nanlilisik ang mga mata niyang tanong sa akin. “Napakamanyak mo.”
Nagkibit balikat ako sa kanya bago tumayo at lumapit sa drawer ko para kumuha ng underwear. “Makamanyak ka. Bakit? Pinilit ba kitang pumasok sa kwarto ko?” tanong ko pa bago bumalik sa loob ng cr para magbihis.
Nang matapos ako na magbihis, naabutan ko siyang nakaupo sa couch ko habang nagbabasa ng magazine. More on sports magazine ang nakatambak sa kwarto ko kaya sigurado ako na mag-eenjoy siya sa pagbabasa.
Mahilig din kasi siya sa sports katulad ko. Siya ang tipo ng babae na mas gugustuhin na manuod ng basketball game kaysa magshopping. One of the boys, ika nga.
Eunica is my first love and heartbreak.
Two months lang nagtagal ang relasyon namin, hindi pa din ako maka-moved on.
Afterall these years, siya pa din ang mahal ko.
I even tried to meet other girls but at the end of the day, she's still the one I want to live my life with.
Matapos niya kasing makipaghiwalay nang walang dahilan, sinubukan ko namang ayusin, e. Hinabol ko siya nang paulit-ulit. Hanggang sa napagod at nagsawa na ako na lang siguro ako. Mula noon, nagpanggap akong walang nangyari. Kunwari, wala akong pakialam sa kanya, kunwari di na ako nasasaktan. Kahit ang totoo, gusto kong malaman kung bakit niya ako nagawang iwan at saktan.
Minsan nga napapaisip ako kung totoo pa ba na naging kami? Minahal niya ba talaga ako? O kasinungalingan lang lahat?
Kasi kung totoong minahal niya ako, bakit parang ayos lang siya? Ayos lang na basta basta na lang niyang tinapon at ipinagsawalang bahala lahat ng pangako namin sa isa't-isa?
Hanggang ngayon, wala parin kaming matinong closure. Hindi mo naman masasabing may iba na siyang mahal kasi never naman na siyang pumasok sa isang relasyon.
Unlike me. Mula nang iwan niya ako, iba't-iba na yung nagiging kafling ko. Although ganoon naman na talaga ako bago ko pa siya makilala. Nagbago at nagseryoso lang ako nung makilala at mahulog ako sa kanya. Siya lang ang nag-iisang babaeng sineryoso ko sa buong buhay ko. Siya lang, pero siya lang din naman ang nagparamdam sa akin ng sakit.
‘Maybe they are right. Eunica is my karma.’
“You still have this?” tanong niya at ipinakita sa akin ang isang lumang bondpaper na may naka-drawing na caricature naming dalawa.
“Yes,” sagot ko bago matipid na ngumiti sa kanya. “Souviner lang. Reminder na minsan din akong naging tanga.”
Hindi siya nakasagot nang dahil sa sanabi ko. Nakatingin lang siya sa papel na hawak niya. “Dapat tinapon mo na 'to,” aniya.
Lumapit ako at kinuha iyon sa kanya. “Why would I? You gave this to me. Pati ba naman 'to ipagkakait mo pa sa akin? Iniwanan mo na nga ako, e.”
“Stop it,” aniya bago tumayo at tinalikuran ako. “I have to get out of here,”
“May plano ka ba?” Ginulo naman niya ang mahaba niyang buhok. “If you really want to get out, sa bintana ka dumaan. Dating gawi. Galawang spiderman para makarating ka sa kwarto ni Cassy,”
“Funny. Para namang makakadaan ako nang mag-isa,” aniya. May fear of heights kasi siya, she can only do it if someone is holding her hand. “Gisingin mo na lang kapag binuksan na nila yung pinto,” aniya at pumwesto pa ng higa sa couch.
“Dito ka na sa bed. Baka mangalay ka d'yan,” alok ko pero hindi siya sumagot. “Nics?”
“Dito na lang,” tanggi niya.
“Tsk! Ipipilit mo talaga yung sayo, no? Dito ka na sa bed. Hindi naman kita tatabihan kung iyon ang ipinag-aalala mo.” Nakasimangot ko pang bulong. Bumangon naman siya at tinapunan ako nang masamang tingin. “Chill. Bakit ba parang puyat na puyat ka?”
“None of your business,” aniya at hindi na muling nagsalita.
‘Stubborn.’
Tumayo na ako at binuksan ang tv at nilagay sa Music Channel. Wala lang, binuksan ko lang para hindi masyadong awkward. I need to distract myself, or else, baka hindi ako makapagpigil.
Nanatili akong nakatulala sa screen habang nasa ibang bagay ang isip ko. All I could think of is her and our happy days. Back then when everything is perfect and I still have her.
Ayokong maging emosyonal pero ang lakas kasing makabaliw kung babalikan ang lahat, tapos ang maririnig ko pa'ng tugtog sa tv, Amnesia by 5SOS.
Ito yata yung sinasabi nila na never suffer in silence.
I smiled bitterly.
Mapapaisip ka na lang talafa, e. Was it composed intentionally for me?
Tugmang-tugma, e.
Because I was never fine after what happened between us. Para akong tanga na paulit-ulit na binabalikan ang mga lugar na pinuntahan naming dalawa. Halos lahat ng lugar na may kaugnayan sa kanya.
Amnesia? Sana nga magkaroon na lang ako ng amnesia. In that way, baka sakali na hindi ganito kasakit sa tuwing maalala ko sya. Maybe if I don't remember anything, then I will feel nothing as well.
Masakit na tanggapin na sa kabila ng lahat, sya pa din ang mahal ko. I hate to admit it, but I was still the foolish guy who wants her back, evem when her love for me is gone.
Sometimes, I wanna ask her if she felt the same way. If my pain was her pain too? Or was it just me? Pero naduduwag ako. Naduduwag ako na malaman na ako na lang talaga yung umaasa.
If only I had known her reasons, baka sakaling maintindihan at matanggap ko. I am even dumb enough to accept any kind of excuse and still welcome her back. Ganoon ko sya kamahal.
I looked at Eunica as she was busy facing the television, blankly. Mababakas sa mukha niya ang lungkot at… guilt. Her eyes speaks for it. She turned her head away and caught me starring.
"B-bakit?" She asked trying to stop her tears.
"May themed song na pala ako sayo, e. Iyan, o?Amnesia." I jokingly said but deep inside, that is half-meant.
"S-sorry, s-sorry talaga." Tumayo siya at tumakbo papunta sa may pintuan. "MARG! Please, open this d-door."
Kitang-kita ng mga mata ko kung paano nanginginig ang mga balikat niya kaya agad akong pumunta sa likuran nya at niyakap siya mula doon.
"Sorry…" bulong ko sa kanya, hindi siya sumagot at lalo lang umiyak habang hawak yung door knob. "Hush, sorry…"
I'm trying my best para patahanin siya pero bigo ako dahil mas lalo siyang umiyak kapag humihingi ako ng sorry. Ganoon ba ka-offensive yung sinabi ko?
Huminga ako nang malalim bago siya pihitin paharap sa akin. I even cupped his face using both of my hands. "Stop crying, My Nics. Please?" Pakiusap ko habang pinupunasan ang luha niya.
"I'm so sorry…" umiiling pa niyang sabi . "I'm so s-sorry.. " Yumakap siya sa akin. "A-ang tanga-tanga ko for hurting you. Napakababaw ko. I'm sorry, Renz." Tuloy lang siya sa pag-iyak. "P-patawarin mo ako, Renz."
"It's all in the past now, Nics." tugon ko. Hindi ko din maintindihan kung bakit siya naga-apologized ngayon sa akin. "Would you tell me your reason if I'll ask you?" Lakas loob kong tanong. She nodded as a response.
Hinila ko siya paupo sa may kama at kahit magkaharap na kaming nakaupozdi ko pa rin binibitiwan ang mga kamay niya. I want to hold her tight.
"Go on. Tell me everything." Kinagat niya yung lower lip niya bago magsimulang magkwento.
"Natakot kasi ako, Renz." Panimula niya. Hindi ako nagreact. Nakatitig lang ako sa mga mata niya. "Natakot ako na baka totoo yung mga naririnig ko, na hindi tayo bagay, na fling mo lang ako. Na hindi ako pangmata—"
"Ganyan ba kababaw ang tingin mo sa pagmamahal ko sayo? Ikaw lang ang babaeng sineryoso ko. Alam mo 'yan." May halong pagtatampo kong pagsingit sa pagsasalita niya .
"Exactly. Wala kang ibang sineryoso. Anong malay ko sa takbo ng isip mo? Paano kung na challenge ka lang kasi di ako katulad ng mga babaeng nagdaan sa buhay mo?"
"Mababaw." Ismid ko. Totoo naman eh !
"Renz naman eh. We're both young that time. Yoko na nga,"
"Tuloy mo na."
"Di naman talaga ako dapat makikipag-split sayo eh,"
"Bakit mo ginawa?" Tinaasan ko siya ng kilay pero nakatanggap lang ako ng malutong na kutos sa ulo. "What was that for?"
"Because I had no chance of doing that. Four years ago."
"Anong four years ago? Anong kasalanan ko?"
"I caught you french kissing with Chlea sa likod ng Campus Gymnasium." Kumunot ang noo ko dahil hindi ko maalala na nangyari yon. The name Chlea doesn't even ring a bell. "Sinong matinong babae ang hindi makikipaghiwalay sayo ha? Cheater!"
"Hey, I never cheated! That wasn't me!"
"Kaya pala kitang-kita ko kayo!"
"Hindi nga ako yun"
"Kung hindi ikaw sino yun? Suot mo pa nga yung T-shirt na binigay ko sayo. Ang kapal ng mukha mo."
"A-anong t-shirt?"
"Pati yung t-shirt di mo matandaan!? YUNG BINIGAY KO SAYO NUNG PUMUNTA KA SA BAHAY PARA MAGBASKETBALL KASAMA NI PAPA!" Gigil na gigil niyang sigaw , pero kahit ata mabasag na niya yung eardrums ko. Hindi ko pa din maitago yung mga ngiti sa labi ko. Dahil alam ko na ayos na kami ng babaeng mahal ko.
"Nics! Promise, believe me. Hindi ako 'yon. It must be someone else from the band. Alam mo naman na gamit ng isa nagiging gamit ng lahat, diba? For sure it was Lance."
'To Lance, my bro. Sorry. Pero ikaw lang talaga ang may chance na makagawa 'non. Tutal kahit poste basta nakapalda, pinapatos mo.'
Disbelief if written all over her face. At bago pa sya maka-rebutt, mabilis ko syang yinakap. We stayed in that position for I don't know how long.
"Let's go downstairs?" Pag-aaya ko at inginuso pa ang nakabukas na bintana.
"Game!"
Dati na naming ginagawa to. Ang dumaan sa bintana papasok sa kwarto ni Cassy. Di naman kasi nagla-lock ng bintana yung kapatid ko.
Then, dumiretso na kami sa kusina kung saan naabutan namin ang mga kaibigan namin na naghuhuntahan pero kaagad na nanahimik nang makita kaming magkahawak ng kamay.
Walang kumibo sa kanila pero ang mga mata nila tila nag-uusap. Pulos senyasan ang nangyari.
Hindi ko na lang sila pinansin at inalalayan si Eunica na maupo sa bakanteng silya. Inalok ko pa sya ng pagkain at ako mismo ang nagserved para sa kanya.
"I told you! Konting push lang at magkakabalikan din sila! Oh? Bayad nyo!" Kumuot bigla yung noo ko sa sinabi ni Marg. Nakalahad pa yung kamay nya pero hindi sa amin, kundi kila Devine at Lance.
"Pinagpustahan nyo kami?" Nanlilisik yung mga mata ni Eunica habang pinagpapalit-palit ang tingin kila Marg at Devine.
"Ang bagal kasi ni Renz, so kami na ang gumawa ng paraan." Mayabang na sagot ni Jack, "Eh itong lupon ng mga bitter, ayaw maniwala. So we made a bet at kami ang panalo. So magbayad na kayo!"
Umirap lang si Devine habang si Lance naman naglabas ng pera galing sa wallet nya.
"By the way, baka makalimot ako," ani Eunica. "Lance, come here." Tawag nya dito bago ito suntukin sa mukha. That was solid.
"What's the punch for?" Pinunasan pa ni Lance ang bahagyang dumugong gilid niyang labi. Niyakap ko naman sa beywang si Eunica para awatin kung sakaling may balak pang banatan si Lance.
"That's for kissing Chlea wearing Chace's Shirt!"
"What!? Sinong Chlea? Wala akong kilalang Chlea."
"Chlea Domingo, Theatre Arts major in Broadcasting, Class of 2010, Wednesday Girlfriend mo. Sa napakaraming babaeng pinapatulan, no doubt kung may nakakalimutan kana." Walang ganang sagot ni Devine sabay tayo at walk-out.
"Sundan mo na, bro !" Bulong ko kay Lance.
"Bakit ako?" Galit niyang sigaw .
"Ayusin nyo na rin mga issues nyo sa buhay. Closure man lang, bro." sagot naman ni Jack.
"Shut up Jack. Stop playing cupid here. Tapos na kami ni Dev. Matagal na, and she knows that." Mayabang na sagot niya. "She broke up with me, it's her lost. Ang sarap kaya ng walang commitment sa buhay ."
Nagkatinginan kaming lahat.
"I'd rather be free than to be stuck to a girl like her na napaka clingy amd posessive."
"Oh really, Lance Tolentino?" napadako ang tingin namin sa nagsalita. "Pasensya ka na if I don't play as a martir girlfriend like how you wanted to."
"You're just a fling. Not a girlfriend material."
"Hold your tounge dumbass!" Hinigpitan ko yung pagkakayakap ko kay Eunica. She tends to give another punch if don't hold her.
"Relax Nica, it's okay. We all know that I can't do everything he wanted." Nakangiting sagot ni Dev.
"May pawalk-out walk-out ka pa kasing nalalaman." Lance.
"Walk-out? Sorry but I recieved a phone call." Nakangiti parin niyang sagot. "Mom wants me to visit her."
Ahh .. nasa Amsterdam nga pala si Tita Anne she's teaching there.
"So you're leaving?" Biglang tanong ni Lycka.
"Not yet. Still gonna process my papers.."
"Okay! Kumain na ulit tayo." Sgaw ko sa atensyon nila. "Oh, where's Cassy?"
"She's with Jared." Sagot ni Alyson. "Sinama siya ni Jared sa Church kanina."
Kumunot yung noo ko. Magkasama na naman sila? Nagulat ako nang paglandasin ni Eunica yung daliri niya sa noo ko. Tumingin ako sa kanya at ngitian naman niya ako .
"It's okay. She'll be fine. Jared helped her kagabi sa Bar para maiuwi ka, he won't let her be harmed."
Reall? How would I know? I'm totally wasted last night!
"Nasaan na daw sila?" Tanong ko.
"I dont know, ang alam ko lang, may check up si Jay ngayon."
"Check up? For what?"
"It's, uhm… regular check up, I guess."
Why do I feel that she's hiding something, huh?
"I'll call her, excuse lang muna." Lumayo muna ako. Then I dialed Cassy's number but it was out of service.
Bumalik na lang ako sa tabi ni Eunica at kumain na din.
Nang matapos kaming kumain, biglang nagka-ayaan na gumala. I looked at Eunica and I smiled. Mukhang pareho kasing mas gusto namin na magbonding ng solo. A chance to catch up kumbaga.
They are in the midst of preparing when someone called from my phone. Kaagad ko na iyong sinagot.
"Good afternoon, may we speak to Ms. Sandra Martin's guardian? This is from Rodriguez General Hospital."
"Yes, speaking. I'm her brother."
"We would like to inform you that your sister is currently admitted here at our Emergency room."
"What? Anong nangyari?"
"Car accident po. Punta na lang po kayo dito."
"O-okay. Thank you…" sagot ko bago nanginginig na ibinaba ang aking cellphone.
Everyone was waiting for my explanation but I find no words to say anything except from my sister's name.