NAGISING AKO nang dahil sa maingay na tunog mula sa nagri-ring na cellphone sa tabi ko. Sinagot ko iyon nang hindi tinitingnan kung sino ang tumatawag pero wala namang nagsasalita.
Lumipas ang halos two minutes na walang nagsasalita from the other line kaya nag-umpisa nang uminit ang ulo ko.
“Hello? What the hell?!” sigaw ko nang bigla na lang naputol yung calls.
Babalik na sana ako sa pagtulog nang muli na namang nag-ring kaya sinagot ko ulit iyon, “What the hell do you want?!” sigaw ko.
“Ang init naman ng ulo mo. Ang aga-aga! Rise and shine, baby ko!” malakas niya sigaw mula sa kabilang line.
“James?! What the hell do you want?!” sigaw ko din. “Tatawag tawag ka kanina tapos di ka magsasalita tapos magtatanong ka kung bakit mainit ulo ko?!”
“Baby ko, ngayon lang ako tumawag sayo. Just want to make sure na gising ka na. May date tayo today, remember?”
“Obviously, gising na ako. Bakit ba hindi ka ang nagsasalita kanina?”
“Baby ko naman. Hindi nga ako tumawag sayo kanina. Ngayon pa lang.”
“What? Wag mo akong lokohin. Sinong siraulo tatawag sa akin nang ganito kaaga bukod sayo?”
“Ay ang kulit. Sige, pustahan tayo. Kapag hindi ako ang tumwag sayo kanina, i-kiss mo ako, ha?”
“Ang manyak mo talaga, gago!”
“Ang aga-aga! Language baby. Language!” Paala niya kaya pinaikuta ko siya ng mata kahit di naman niya makikita. “Anyways, I'll pick you up at 5am okay?”
“Ang aga naman?!” reklmao ko. “Are you crazy?”
“Yes baby ko. I love you, too.” aniya bago biglang naputol yung call.
“Hello? Hello?! Kampon talaga ni lucifer,” bulong ko bago bitiwan ang cellphone ko at muling nahiga.
Sinilip ko ang orasan ko at napabalikwas ako nang bangon nang makita ko ang oras. It's almost five o' clock.
Nagmamadali akong bumangon at pumasok sa cr para mag-shower.
Sakto na tapos na ako nang biglang tumunog ang phone ko. “Oh? I'm almost ready,”
“Okay! Nandito na ako sa gate niyo,” ani James kaya napangiti ako habang tinitingnan ang repleksyon ko sa salamin.
“O'right. Pumasok ka na muna loob. May gising naman na sa mga maids sa baba. Palabas na rin ako,” sagot ko.
Nang makuntento na ako sa itsura ko, dinampot ko lang ang handbag at cellphone ko bago lumabas ng kwarto.
Bumungad sa akin ang kapapasok lang na si James. Napakunot ako nang noo dahil naka-formal attire siya. Pero kaagad akong napangisi nang makita ang reaksyon niya nang makita niya ako.
“Oh, takpan mo bibig mo. Tumutulo pa laway mo. Alam kong maganda ako,”
“Ano 'yang suot mo?”
“Damit,”
“Tss! Magpalit ka. Hindi pwede 'yang suot mo. Di tayo papapasukin 'don!”
“Okay na 'to.”
“No. Wear something formal. Siguro naman may dress ka na may decent length diba?”
“Ay ang arte! Malay ko ba na may dress code? May sinabi ka ba?”
“Isa. Magbihis ka na! Baka ma-late tayo,”
“Oo na! Ang dami mong arte!”
Padabog akong nagmartsa pabalik sa kwarto ko. Naabutan ko si Ella na mukhang kagigising lang.
“Oh, ate? Akala ko nakaalis ka na?”
“Obviously, hindi pa.” Nakasimangot kong sagot bago maghalungkat sa closet. “Bakit wala akong dress?!” reklamo ko.
“Ate, you a dress? Wait lang,” aniya at may kung anong hinanap sa luggage bag niya. “Try this, ate.”
Inabot niya da akin ang isang lagpas tuhod na white and black dress. Walang halong biro, maganda at kalidad yung dress niya. Ito yung tipo ng dress na pasado sa quality ng ACL.
“Saan galing 'to?”
“Hmmn… Basta ate. Nakakahiya, e. Sukatin mo muna pero sure ako na kasya sayo 'yan,”
Tama siya, perfect fit sa akin yung dress.
“Wow! Diba, sabi sayo, e.” aniya at inayos pa ang pagkaka-zipper ng dress mula sa likod ko.
“Saan nga galing 'to?” tanong ko ulit. “Tell me honestly, ikaw ang nagdesign nito, no?”
“Yes po,” nahihiya niyang sagot habang naglalabas ng flat shoes at ipinasuot din sa akin.
“Hay nako, i-send mo sa akin yung mga designs mo. Okay?” Nakangiti kong bilin. “Ang ganda…” Bulong ko pa.
“Maganda kasi yung may suot,”
“Sus. Binola mo pa ako,”
“Ang tagal naman ni Sand-woah! Ganda naman ng Sandy ko!”
Napangiti ako at nag-iwas ng tingin dahil bigla na lang nag-init ang pisngi ko. “Well, you look good too,” compliment ko din naman sa kanya. “Let's go? Okay na ba yung suot ko?”
“Hindi lang basta okay,” aniya at inilahad pa ang kamay niya sa akin.
TAHIMIK LANG kaming pareho habang bumabyahe sakay ng kotse niya. Sa totoo lang, wala pa din akong idea kung saan ako dadalhin ng lalaking 'to.
“Ayos ka lang?” tanong niya habang nakatingin sa daan. “Ang tahimik mo.”
“Tahimik naman talaga ako,” mahina kong sagot pero sapat naman para marinig niya. Nagawa pa nga niyang tumawa, e. “Anong tinatawa mo d'yan?”
“Wala naman. Ang ganda mo lang kasi,” aniya kaya tinaasan ko siya ng kilay.
“Matagal na akong maganda. At walang nakakatawa 'don,” sagot bago tumingin sa labas ng sasakyan. “Matagal ka na bang member ng GreatSurvival?”
“Mga two years na rin siguro. Bakit? Napaka-random naman yata ng tanong mo?”
“It just crossed my mind,” sagot ko. “Gaano ko kakilala ang kapatid ko? Pati yung mga bandmates mo?” tanong ko ulit.
“I don't really know them that well,” sagot niya kaya napatingin ako sa kanya, “Sabihin na lang natin na may kanya-kanya kaming strength and weaknesses. To be honest, I can only describe them by how they talk to me,” aniya at nagkibit balikat pa.
“Huh? Why? I mean, magkakasama kayo sa grupo, diba?” tanong ko ulit.
“Sabi ko naman kasi sayo diba? I don't really socialize that much with them,” paliwanag niya kaya tumango na lang ako. “Mukhang naiinip ka na, a?”
“Medyo. Malayo pa ba tayo? Hey! Sa church mo ba ako dadalhin?” tanong ko at napakamot naman siya sa kanyang batok bago tumango. “Bakit doon?”
“Para naman bumait ka,” aniya at nagpigil pa ng tawa kaya kaagad na umigkas ang kamay ko papunta sa braso niya.
“Gago!” Singhal ko pa sa kanya.
“Aray. Joke lang naman. Nagagalit kaagad! Saka tigilan mo nga ang pagmumura. Bad 'yon.” aniya kaya hinampas ko ulit siya.
“Oo na. Ako na masama ugali,” bulong ko pa bago muling tumingin sa labas.
“Sandy joke lang 'yon,” aniya pero di ko na siya pinansin. “Wuy?”
“Sabihin mo nga, ganoon ba talaga kasama yung ugali ko na kailangan mo pa akong dalhin sa church nyo para lang bumait ako?”
Nagulat ako nang bigla siyang huminto sa pagmamaneho, sandali siyang nagpark sa gilid ng kalsada. Hinawakan pa niya yung dalawang kamay ko na para bang nagmamakaawa pa siya sa akin.
“I was just joking. Please, wag ka nang magalit. I swear, I was just joking,” aniya kaya bigla akong natawa.
Mukha kasi siyang tanga.
“Hindi ka galit?”
“Of course not! Masama naman talaga ugali ko, e.” sagot ko habang tumatawa pero sinimangutan niya lang ako. “Oh? Bakit?”
“Hindi masama ang ugali mo. Okay? That's not the real you,” aniya at pinisil pa ang kamay ko bago umayos ng upo at muli nang nag-drive.
Muling namayani ang katahimikan sa pagitan namin hanggang sa makarating kami sa church. Nauna pa siyang bumaba at pinagbuksan pa ako.
“You don't have to remind me. Behave ako today, promise.” bulong ko sa kanya habang naglalakad kami papasok.
Nakakatuwa lang kasi may mga naka-abang sa pintuan ng church na abot-tainga yung ngiti sa mga pumapasok at kinakamayan pa ang lahat.
“They're nice,” bulong ko.
“Nice talaga lahat ng mga nandito. So that includes you,” aniya kaya natawa kami pareho.
“Late na yata tayo, ikaw na lang ang wala sa stage, e.” puna ko.
“Ate Sandra!” excited na sigaw ni Shiela at kumaway pa sa akin.
“Tss. Mag-iingay na naman si Shiela. Alam mo ba na kagabi pa ako kinukulit niyan para sa cellphone number mo?” kwento niya kaya natawa ako. “Ugh, here she comes.”
Automatic na napalingon ako sa pwesto ni Sheila na papalapit na pala sa amin. Abot-tainga ang ngiti niya habang nakatingin sa akin. If I don't know her, I would probably think that she's a creep.
“You can ignore her if you want,” bulong pa ni James kaya natawa ako.
“Ate Sandra! I'm glad to see you here!” bati niya sa akin at niyakap pa ako ng mahigpit. “Come. I'll give you seat.” Hinila niya ako at tingin na lang ang naging paalam ko kay James na hindi malaman kung aagawin ba ako sa kapatid niya o papanhik na sa stage. “Don't worry Ate Sandra, sa tabi mo mauupos si kuya.”
Nginitian ko siya bilang pagpapasalamat bago siya lumukso pabalik sa stage. Nagtama ang tingin namin ni Alyson at kumaway pa ito sa akin. Tinanguan ko naman siya bilang tugon.
Nang mapatingin ako kay James, nakasuot na sa kanya yung gitara niya. Nahuli naman niya akong nakatingin sa kanya, kaya nakaramdam ako ng hiya at lalo ata akong di mapakali nang bigla na lang nya akong kindatan.
‘Maharot talaga ang loko.’
“Grabe, ang gwapo talaga ni Red, noh? I'm glad na churchmate natin siya,”
Biglang umarko ang kaliwang kilay ko at hinanap kung sinong haliparot itong naririnig ko.
“True. Kailan kaya mapapadpad dito yung GreatSurvival, no? Crush na crush ko talaga si Renz, e.”
Di ko mapigilang mapasimangot. Of all places, dito pa nakuhang magharot ng mga 'to.
“Luka! Doon na tayo sa walang sabit. Taken na si Renz, e. Trending pa nga sila, diba?”
“Hala, confirm na ba yon? Baka naman false accusation lang ulit yan. Diba na-link din siya kay Eunica ng Missing Angel?”
Na-link?
Anong mga balita na ba ang kumakalat? Bakit na-link lang?
Si Eunica ang first love ni Lorenz. At bago ako umalis, si Eunica lang ang babaeng sineryoso ng kapatid ko. Kung hindi nga lang nakipag-break si Eunica, siguro sila pa din hanggang ngayon.
“Sus! Pareho naman silang nag-deny diba? Tsaka kung totoo man 'yon, for sure fling lang din yung sa kanila. Iba na tong bago ni Renz. Ang dami nang nakakita sa kanila, e. Di mo ba nakita yung balita kagabi?”
“Hay nako. Ang mysterious naman nung girl. Ganda siya? Nako, for sure pangit 'yon. Tinatago yung mukha, e.”
Pinigilan ko ang sarili ko na tumayo pero ang totoo, gusto ko nang makita kung sino itong mga nag-uusap sa likuran ko.
‘Ako? Pangit? Baka sila nga itong pangit. Kapag talaga sila nakita ko, pahahalikin ko sila sa lupa.’
“Hay nako, girl. Talo ka. Maganda kaya. May nakuha ako sa SNS na malinaw na kuha nung girl.”
Hinintay ko ang reaksyon nung isa kapag nakita niya yung picture ko. Sana lang nasa tamang anggulo yung kuha nila sa akin.
“Ay potek. May nanalo na.” anito kaya para lihim akong napangiti. “Sabagay, ano ba aasahan natin kay Renz. Hjbdi naman hahanap ng pangit 'yon. Kay Red na lang din ako. Mas malapit sa katotoohanan.”
“Matindi ka pala, e. Aagawan mo pa ako!”
“May the best girl win na lang,” sagot naman nung isa.
Sa totoo lang, naiirita ako sa usapan nila. Ang sarap nilang pagulungin sa breadcrumbs at i-deep fry.
“Good morning!” Masiglang bati ni Alyson kaya naagaw ang atensyon naming lahat. “Find your seats na po. Lapit na tayong magstart!”
Nag-umpisang magtayuan ang lahat kaya tumayo na lang din ako. Gumitna pa sila Alyson at James sa stage. At nag-umpisa na silang tumugtog at kumanta katulad ng mga tinugtog nila kahapo sa practice.
After ng kantahan at sayawan, pumwesto na rin ng upo nmsi James sa tabi ko. May mga nag-share din ng life testimonies nila siguro ang pinaka-highlight is nung may nagsalita about intense conviction.
Aaminin ko, I had a strange feeling while listening. Pakiramdam ko tuloy, parang para sa akin talaga yung mga sinasabi nila.
Sa nakalipas kasing tatlong taon. I'm guilty. Guilty ako na I was focused on myself alone. That I forgot to ask Him and to thank Him. Sinisi at sinumbatan ko pa nga ang Diyos sa lahat ng sakit na naranasan ko. Hindi na ako nagsimba, wala na akong Diyos Sa buhay ko. But, today's preach is an eye opener. It's really for me. Napapaisip tuloy ako na baka kinasabwat ni James yung Pastor nila para patamaan ako, e.
Masayang naming natapos yung buong service. Tapos na pero nasa loob pa rin kami. Nagpaalam kasi si James na may kakausapin lang sandali kaya kinailangan ko na maiwanan muna sandali.
“Hoy girl! Diba siya yung nasa picture?” Napalingon ako sa babaeng nakaturo sa akin. Familiar yung boses niya. Mukhang sila nung kasama niya yung nagchichismisan kanina. “Siya yung mystery girl ni Renz!”
“Hala, oo nga!”
Bakas sa mukha nila ang inis nang dahil sa hindi ko maunawaan na dahilan. Ready na talaga akong makipagsuntukan sa mga flirt na 'to nang biglang may pumagitna sa aming tatlo at napahinto naman yung dalawa.
“Back off. She's our guest,” matapang na utos sa kanila ni Shiela.
“Wag ka munang makialam dito Shiela. Inagaw sa amin ng babaeng yan si Renz!” sigaw nung isa.
Seriously, hindi ko alam na may mga obsessed pa din pala sa kapatid ko. Ang pangit pangit, e.
“Inaagaw kayo d'yan? Pagmamay-ari niyo? Fan lang kayo. Taga-hanga! Mahiya nga kayo. Nasa loob pa kayo ng Church pang-aaway na agad ang nasa isip nyo,” medyo tumaas na ang boses niya Shiela kaya hinawakan ko na siya sa braso niya.
“Girls, palalagpasin ko kayo ngayon. Dahil nag-promised ako na behave lang ako today. Pero may limitasyon ang kabaitan ko. Dard to hurt or even touch me, papatulan ko kayo.” Nakangiti ngunit may diin ang bawat salitang binitiwan ko. “You can't compete with me. Not physically, at lalong hindi sa buhay ni Lorenz. Gets niyo?”
“May problema ba dito?” tanong ni James at umakbay pa sa akin.
“Wala naman. We were just talking,” mabilis kong sagot at ngumiti pa kay James. Sinenyasan ko pa yung dalawa na umalis na. Mabuti na lang at sumunod naman sila kaagad.
“May ipapakilala ako sayo,” aniya at nakangiti pa akong hinarap sa pastor nila. “This is my Dad, Pastor John Guiverra. Dad, si Sandra po.” Pagpapakilala niya sa amin kaya ngumiti ako bago siya sikuhin. “Aray!” reklamo niya.
“Walanghiya ka. Scripted siguro yung preach ng daddy mo, no?” mahina kong reklamo. “Hello po.”
“I'm glad that you're here. Jay and Shiela never stop arguing about your number since last night.”
“Dad! Nakakahiya kay Ate Sandra!”
“Nice meeting you, sir.” pormal kong bati at nakipag-shakehands pa sa kanya.
“Napakaformal naman ng Sir, Tito John na lang, hija. Hindi ka naman na iba sa mga anak ko. And besides, your father and I are friends din naman,” Ngumiti ulit ako sa kanya kahit biglang nagbago yung mood ko nang banggitin niya si papa.
“Dad. Mauna na kaming umalis, ha?” paalam ni James.
“Sure mag-ingat kayo.”
“Bye po Tito John and Shiela. Thanks for earlier,” bulong ko pa kay Shiela na halatanh kinilig na naman. “Groupie muna tayo,” aniya at bago pa ako maka-oo, naglabas na kaagad siya ng cellphone niya. “Thank you, ate Sandra!”
“Oh tama na. Aalis na kami,” nakasimangot na sagot ni James sa kanya at hinawakan pa ang kamay ko.
“Hindi pa tapos?” tanong ko.
“Of course! First date natin, e.” Todo ngiti niyang sagot na inaya na nga ako palabas.
“Oh, saan tayo this time?” tanong ko habang inaayos ang pagkaka-upo ko sa loob ng sasakyan niya.
“Nasa loob ng kotse?” Pilosopo niyang sagoy kaya tinaasan ko siya ng kilay. “Sa earth?” I rolled my eyes and about to hit him. “Joke lang, sa ospital muna tayo.”
“Huh? Ospital? Walang cure sa kasamaan ng ugali ko!” biro ko ko pero siya naman yung nagtaas ng kilay sa akin. “Why are you looking at me like that?”
“Hindi ka masama. Okay?” nakanguso niyang paalala sa akin bago paandarin ang sasakyan niya.
“Ano ba kasing gagawin natin sa hospital?”
“Kailangan ko lang magpa-check up,” aniya kaya tumango ako.
HABANG may tumitingin kay James naiwanan na naman akong mag-isa kaya napagdesisyunan ko na mambulabog na lang muna. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ang isa ko pang self-proclaimed na best friend.
“Oh? Napatawag ang mabait kong best friend. May problema ba?”
“Wala. Mangangamusta lang,” sagot ko naman.
“Wow! Bait natin, a? Anong nakain mo? Ipapakain ko sayo 10 times a day. Anong nakain mo dali?” Natatawa niyang sagot kaya napasimangot ako.
“Kinain ko yung utak mo. Tss! Anong oras flight mo?”
“Around 30 minutes from now. Oy, sa inyo ako mag-stay, ha? Sayang naman kung mag-hotel pa ako. Ayoko tumira sa dorm ni Gella.”
“Pulubi ka ba? Magkano lang naman ang hotel. Kuripot mo talaga,” buska ko sa kanya.
“Praktikal lang. Bakit ako gagastos kung may option maman na libre. Diba, best friend ko na maganda?”
“Kapal talaga ng mukha mo. Oo na! Sa bahay na! Pero wag kang mag-inarte dahil sa kwarto ko lang din ikaw matutulog! Magsiksikan tayo ni Ella, 'don.”
“Ay no problem sa akin. Ikaw lang naman itong maarte, e.”
“Ewan ko sayo. Naipagdala mo ako ng damit?”
“Yes, of course! Ako pa ba? Eh may dugong girl scout yata ako!” aniya.
Balak ko pa sana na makipag-usap sa kanya pero nakita kong lumabas na si James kasabay ng isang doctor. May nakabuntot pa sa kanila na nurse na apura ang pagpapa-cute kay James.
“Oo na. JM, I'll hang up na. See you later,” Di ko na siya pinasagot pa at pinatay na yung tawag.
“Oh, sino yung kausap mo?” kunot-noo na tanong ni James.
“Yung isa ko pang self-proclaimed bestfriend na kagaya mo.”
“Babae ba yan?” napakaseryoso niyang tanong.
“Bakit? Selos ka?”
“Tss!”
“Ay seryoso? Selos ka?” Natatawa kong tanong habang di naman maipinta ang mukha niya.
“Walang nakakatawa,” aniya.
“Sige. Papakilala kita kay JM.”
“Hindi ako interesado,” aniya at nauna pang mag-lakad.
“Asus. Aminin mo, selos ka no?”
“Tss!”
“Oh my God! You are really jealous!”
“Ewan ko sayo! Tara na nga!" Mas binilisan na niya ang paglalakad kaya nagmamadali akong tumakbo para makahabol sa kanya.
“Hoy! Intayin mo kaya ako!”
“Tss!”
Ay abnormal na 'to.
“Saan next natin?” tanong ko pero asa naman akong sasagot siya. Eh hindi na nga ulit ako kinausap nito. “Hoy! James Jared! Sagutin mo nga ako!” sigaw ko at sinuntok pa siya sa braso niya.
Ngumisi muna siya sa akin bago nagsalita, “Okay, sinasagot na kita,” aniya at malandi pa na kumindat sa akin.
“Siraulo!” sigaw ko at hinampas ulit siya.
“Ito naman! Nakapapikon! Kaninang ikaw ang nang-aasar, e.”
“Tss!”
“Sige na nga, sasabihin ko na kung saan tayo pupunta.”
“Saan?”
“Sa lake,”
“As in lawa?”
“Yup!”
“Okay, pero anong gagawin natin 'don?”
“Foodtrip lang. Maraming masarap na street food 'don,” aniya kaya bigla akong natakam. Sa three years kasi na wala ako sa pinas, isa ang street food sa pinakana-miss ko.
“We're here,” aniya at nag-park pa. Katulad kanina, siya mismo ang nagbubukas ng pintuan para sa akin.
Napahawak ako sa bibig ko. Ayokong ipahalata na excited ako pero ang dami talagang pagkain: BBQ, Fishball, kikyam, squidball ,tsaka yung favorite kong Kwek-kwek!
“Uy treat mo to, ha? Ubos pera mo sa akin,”
“Mahilig ka din sa ganto?”
“Naman! Treat mo ha?”
“Sure!” Hinawakan niya yung kamay ko tapos ay inalalayan ako papunta sa may stand ng fishball “Manang, paluto naman po nang maraming fishballs, kikyam tsaka…”
“Kwek-kwek!” suggest ko.
Nagluto nga si aling vendor ng fishball ng marami. Nagpabili din ako ng maiinom kay James kaya umalis muna siya sandali.
Inumpisahan ko na din ang pagkain kahit wala pa siya.
“Uy takaw! Bigyan mo naman ako,” aniya at inabutan pa ako ng binili niyang inumin.
“Kuha ka lang, wag kang mahiya. Manang ikaw? Kain!” Pag aalok ko pa habang panay lang ang kain.
“Ang takaw pala,” aniya pero hindi ko siya pinansin. Nakita kong kukuha siya ng kwekwek kaya tinabig ko yung kamay niya.
“Fishball lang sayo. Akin lang yung kwek-kwek,” nakasimangot ko lang ilayo sa kanya yung kwek-kwek ko.
“Ay ang sungit talaga!”
“Tsk! Sasapakin kita! Fishball ang sayo.”
“Ako naman ang magbabayad, ah?” reklamo niya pero inirapan ko lang siya.
“Hanapin mo yung paki ko.” Padabog siyang umalis kaya nagmamadali ko siyang hinabol. “Hoy! Balik ka dito! Bayaran mo si Manang!” sigaw ko pero di niya ako pinansin.
“Napaka-sweet naman ng nobyo mo, hija.” ika ni manang kaya muntik na akong masamid.
“Hindi ko po boyfriend yung baliw na 'yon,” sagot ko at umiiling pa.
“Hindi pa po sa ngayon,” biglang singit ni James na nakabalik na pala. “Pero malapit na po.”
“Ang assuming mo din talaga, no? Oh! Ikain mo yan!” Sinubuan ko siya ng bagong luto na kwek-kwek. “Masarap?”
“Mainit!” reklamo niya habang nagtatatalon. Sabay kaming natawa ni manang. “Tawa pa sila, o? Napaso kaya ako!” nakapa-pout niyang reklamo at tinanggal pa yung suot niyang shades.
Kawawa naman, maluha-luha yung mga mata niya. Kinuha ko yung panyo ko sa loob ng bag ko at saka ko pinunasan ang luha niya.
“Red?! Nako! Si Red nga ng GreatSurvival!” Mahinahon naman si manang pero may mga nakarinig pa din kaya sinuot agad ni James yung shades niya.
“Hala manang! Nasaan?!” Nagtilian na yung mga katabing tindera ni manang.
“Oo nga Manang! Nasaan si Red?” Sigaw ko.
Nagpanggap akong fan na excited makita si James Jared, eh mukha naman itong gwapo na unggoy. Nakahalata naman si Manang, kaya lang ang dami nang tao sa paligid kaya no choice siya kung hindi ang magturo sa ibang direksyon.
“Doon siya tumakbo!” ani manang dahilan para magtakbuhan yung mga fan.
“That was close!” Parang nabunutan ng tinik sa lalamunan si James.
“Nako, pasensya na kayo mga anak. Nabigla kasi ako, e.”
“Okay lang po iyon, manang.” Sabay namin na sagot ni James.
“Tagahanga kasi ng grupo mo yung bunso kong anak,” nahihiyang paliwanag sa amin ni manang.
“Ay ganoon po ba? Gusto niyo po ng autograph? Saka picture?” tanong ni James na ikinatuwa naman ni manang.
MATAPOS bigyan ni James si Manang ng autograph at picture, pinagpatuloy na namin yung pagkain namin. At kung di lang talaga pumutok ang dress na suot ko, hindi oa ako magpapaawat sa pagkain.
“Kapagod kumain!” bulong ni James nang makaupo kami sa Lake side. Nag-rent siya ng panapin namin kaya para tuloy kaming nagpi-picnic.
“Yeah. I agree,” pagsang-ayon ko.
Tinignan ko sa wrist watch ko kung anung oras na, quarter-to-ten pa lang pala. “Oy, mabuti you know a place like this, huh? Imagine, a place full of street food. Napakaaga pa for this stuff pero meron na kaagad dito. Paano mo nalaman yung lugar na 'to?”
“I love exploring places. And sa lahat ng napuntahan ko, this place is my favorite,” sagot niya.
I looked at his face.
Suot pa din niya ang shades niya kaya tinanggal ko iyon.
I just found myself touching every single detail of his face. Sinusubukan kong awatin yung mga kamay ko pero hindi ito sumusunod sa akin.
“H-hey, S-sandy? M-may problema ba sa mukha ko?” Tinanggal ko yung kamay ko sa mukha niya pero nanatiling nakatingin sa kanya.
“I dunno,” tipid kong sagot na nakatingin pa rin sa kanya, “James…”
“Bakit?”
“Kinakahaban ako.”
“You don't have to. Kasama mo ako, akong bahala sayo.” aniya kaya matipid akong ngumiti sa kanya. “Laro tayo,” aniya at pilit pa akong pinatayo. “Dali, magtago ka.” aniya at pinagtabuyan pa ako.
“What?” Naguguluhan kong tanong.
“Game! One…Two…Three…Four…” I heard him count up to ten. Ako naman si tanga, eto mukhang ewan na naghahap ng pwedeng pagtaguan.
Ewan ko ba kung bakit nauwi sa taguan yung laro namin. “Nasaan kaya si Sandy?” parang bata niyang tanong habang sumisilip sa mga sulok.
As if naman sasagot ako.
“Yuhoo! Sandy! Nandito ka ba?”
Mukha talaga siyang tanga. Tapos naghahanap pa dun sa kabilang dulo. Paano niya kaya ako makikita.
Nandito lang kasi ako sa likod ng isang punong mangga na mga four steps ang layo dun sa pinakabase tapos siya, nandoon sa dulong-dulo pero rinig na rinig ko yung pagsasalita. I mean yung pagsigaw niya ng pangalan ko .
“SANDY! MAGPAKITA KA NA! KAPAG DI KA NAGPAKITA, HAHALIKAN KITA!” Malakas niyang sigaw.
“MANYAK KA TALAGA!” ganti kong sigaw.
Napakamanyak talaga! Sumilip ako para hanapin siya pero wala na siya sa pwesto niya kanina.
Lumabas ako sa pinagtataguan ko at hinanap siya.
“Gotcha!” sigaw niya at hinuli pa ako.
“Ay Palakang Sakang! Ano ba?!” sigaw ko at tinapunan pa siya ng masamang tingin.
“Uy, wag kang madaya. Taya ka.”
“Taya your face!” sigaw ko sa mukha niya pero kaagad din ako napaiwas nang tingin nang bigla na lang sumeryoso ang mukha niya.
‘Ang… Ang… Gwapo!’
“Oh? Anong pag-iinarte 'yan?” Inirapan ko pa siya para itago ang kaba na nararamdaman ko.
Lumakad siya palapit nang palapit sa akin at bawat step niya, humahakbang naman ako paatras.
“J-James… Ano bang ginaga- s**t!” Daing ko nang tumama ang likuran ko sa puno. Halos isang pulgada na lang yung pagitan namin at itinaas pa niya ang dalawa niyang kamay at idinikit iyon sa puno na nasa likuran ko.
Halos isang pulgada lang ang pagitan namin kaya naipikit ko ang mga mata ko. “Sandy…” Tawag niya sa pangalan ko. Napakagat ako sa lower lip ko. Ang husky and masculine ng boses nya. It's like he's seducing me. The hell! i It's working! Yung puso ko, hindi ko na malaman kung gaano na kabilis yung t***k.
“J-james… You're too close,” Halos hindi ako makahinga. Parang sumisikip yung dibdib ko sa sobrang kaba, tuwa, excitement at kung ano pa! Just to be this close to him, parang mababaliw na yung puso ko.
“What have you done to me, Sandy?” tanong niya kaya dumilat ako at sinalubong ang mga mata niya.
Then he lean closer and closer. I think he's about to kiss me so I closed my eyes again.
But the kiss that I was expecting to be plant on my lips never happened, but he planted the kiss on my forehead, a very gentle kiss.
“Dont worry, I wont kiss you on your lips, not unless you ask for it,” nakangiti siya pero alam kong seryoso siya. I can see it through his eyes.
Ngumiti ako sa kanya bago siya yakapin. “James, salamat… ” bulong ko sa kanya habang nakayakap pa rin ng mahigpit.
“Para saan?” tanong niya at gumanti na rin ng yakap sa akin.
“For everything,” mahina kong sagot.
“Let's take some pictures,” aniya kaya ngumiti naman ako at ayun nga, nagpicture kami gamit yung phone nya tapos agad din nyang ipinasa sa akin.
Nang makabalik kami sa kotse niya, nag-umpisa na siyang magdrive habang tahimik lang na nakasandal ang ulo ko sa bintana. Inaantok kasi ako dahil bukod sa ang dami naming nakain, puyat nga pala ako.
Nasa kalagitnaan na kami ng byahe nang bigla siyang magmura.
“f**k! Sandy, mag-seatbelt ka!”
“B-bakit?”
Ano bang nangyayari? Ang bilis masyado ng takbo namin. May sumusunod ba sa amin? Lumingon ako sa likod, wala naman akong nakikita.
“Ano bang nangyari? Don't speed up!”
“I-it's not me! Wala tayong preno! It's out of my control! Please magseatbelt ka na!” Paki-usap niya kaya nanginginig kong sinunukang isuot ang seatbelt ko katulag ng inuutos niya. “Sandy, please, bilisan mo!”
“Damn! I'm trying! You're distracti—”