CHAPTER 21

1946 Words
Sandra's POV PADABOG AKONG bumangon bago silipin ang digital clock na nakapatong sa side table ng kama ko. Frustrated at iritable kong ginulo ang aking buhok nang mapagtanto kong alas tres na nang madaling araw at hindi pa din ako makagawa ng tulog. ‘Damn! Kasalanan to ni James na pangit, e!’ reklamo ko sa isip bago muling nahiga at pumilig nang pumilig para humanap ng komportableng pwesto. Hindi ko alam kung anong ginawa sa akin ni James at nagkakaganito ako. Gusto ko lang naman matulog, e. Pero sa tuwing ipipikit ko yung mata ko, paulit-ulit lang nag nag-e-echo sa tainga ko ang mga salitang binitiwan nila Lorenz at Ella. ‘Damn those two. Sila yata ang dapat kong sisihin, e.’ Kung hindi naman kasi sila nagsabi ng "Stop the madness" at "Let the love begin" edi sana hindi ako naguguluhan ngayon. Nasa point na talaga ako na gusto kong tapusin kung sinuman na hudas ang nag-imbento ng let the love begin at stop the madness na 'yan. Kapag ako hindi pa talaga nakatulog, uunahin ko nang sakalin itong katabi ko tapos lilipat ako sa kabilang kwarto para takpan ng unan ang mukha ng kambal ko. Come to think of it, hindi naman ako dapat na naguguluhan, e. Ano bang pakielam ko sa opinyon nila Lorenz at Ella? What they are saying are full of crap. Dapat hindi ako na ma-bothered, pero ito kasing abnormal kong utak hindi makapili. It was as if I am obliged to make a decision over this silly thing. Pero wala naman dapat na piliin, e. I shouldn't be thinking about this. Pero ito kasi si James, e. I don't know! Naguguluhan na ako. I'm really starting to think na ginayuma na ako ni James. Kahit kasi anong gawin ko hindi talaga siya mawala sa isip ko. ‘What if I really like him?’ No! ‘Get snapped out of it.’ ‘You don't like him.’ ‘You can't like him!’ I can't fall for anyone anymore. I can't like him because liking him means risking everything. Ang tagal kong pinatigas ang puso ko at hindi pwedeng basta na lang ako mahulog sa iba, lalo na sa kanya. I don't even know why I would like him, if ever. I mean, yes he's good looking, mabait din naman pala siya pero I don't think na sapat 'yon para magustuhan ko siya. And besides, he's a perv jerk! I really hate how he's trying to ruin everything! Three years, three f*****g years ang nilaan ko para maging matatag. And I just met him. How could he? Ano bang meron sa kanya? Lately, napapansin ko parang nagiging mabait na ako. Well, not mabait na pwede na ulit ako pumasok sa langit pero nasa proseso na ako 'non. Pansin ko na din na madali na naman akong maapektuhan ng mga bagay-bagay. At natatakot ako sa mga pwede pang mangyari. Baka sa mga susunod na araw magising ako na wala na si Sandra Martin, ang babaeng cold, mean at walang kinakatakutan. I can't let that happen. Magiging kawawa ako kapag nagkataon. But if I really like James then I can't be like Sandra Martin anymore. ‘I'm really confused right now…’ Isinubsob ko ang mukha ko sa unan at pinigilan ko na sumigaw. "Ate? Bakit gising ka pa?" Napaangat ako ng ulo ko nang biglang nagsalita si Ella. Pupungas-pungas pa siyang nakatingin sa akin. Bahagya namang nanlaki ang mga mata niya habang nakatingin. Sinimangutan ko siya at dinutdot pa ang noo niya gamit ang hintuturo ko. “You look stupid,” bulong ko pa. “Ate, may factory ka ba ng eyebags? Ang husay ng production, e.” aniya at dinutdot din ang ilalim ng mata ko. ‘Sampalin ko kaya 'to?’ “Hindi ka pa ba natutulog?” tanong ulit niya. Ang sarap sabihin sa kanya na partly kasalanan niya kung bakit gising pa ako pero minabuti ko na lang na manahimik na lang. Wala na akong sapat na energy. “Alam ko na kung anong kailangan mo, ate.” Nakangiti niyang bulong bago nagmamadaling tumayo kaya mabilis ko siyang hinawakan sa braso. “Wait lang, ate. Ititimpla kita ng gatas. Baka insomia na 'yang nararamdaman mo.” “Don't bother. Ako na lang ang magtitimpla sa baba. Bumalik ka na sa pagtulog mo,” tanggi ko at tumayo na rin. “No, ate. I insist,” aniya at nagpumilit pa din na tumayo. “You stay here. Mabilis lang naman ako.” “S-samahan na lang kita. I think I'm hungry too.” “Sige po,” nakangiti niyang sagot bago lumingkis pa sa braso ko. Nang makarating kami sa kitchen, naupo na muna ako sa ibabaw ng table habang nagbukas naman ng fridge si Ella. “To Cassy and Renz, i-heat niyo muna sa microwave before kainin. Aww, ang sweet naman ni Ma'am Gina,” aniya kaya bumaba ako sa lamesa at sinilip yung binabasa niya. It was a handwritten note from Tita Gina. “Sweet my ass,” bulong ko at kinuha sa kanya ang note at nilamukos iyon. Bakas sa mukha ni Ella ang pagkagulat sa ginawa ko pero minabuti niya na hindi na lang magsalita. “Mag-gatas na lang ako,” bulong ko pa bago siya talikuran pero kaagad akong napahinto nang biglang tumunog ang tiyan ko. “Sige na ate. Magtimpla ka na ng gatas mo, iinitin ko lang 'to, tapos kain tayo,” aniya kaya nag-iwas ako ng tingin. Panira naman kasi 'tong tiyan ko, e. “Hmmn… Ate, may plano ka ba today?” tanong niya. "Yes, meron. Why do you ask?" sagot ko. “Ah okay. Anong oras po ang alis natin? Wala kasi tayong naka-schedule kaya akala ko wala tayong lakad,” aniya at ngumiti pa sa akin. “No. Personal na lakad ang aasikasuhin ko ngayon. Hindi mo na kailangang sumama. Magpahinga ka today,” sagot ko. “Ah okay po. Hmmn, ate pwede ba akong lumabas?” tanong niya kaya kunot-noo ko siyang tiningnan. “Nag-aaya po kasi si Gella. Ipapasyal niya daw po ako. Magpapaalam sana ako sayo kung pwede lang naman.” “Depende. Saan ka daw ba dadalhin ni bakla?” “Wala pa po kaming specific na plano. Bahala na si Gella. Papayagan mo naman kami, diba?” tanong niya at nagpa-cute pa sa akin. “Kailangan nagpapa-cute habang nagpapaalam?” Natatawa kong tanong dahilan para humaba ang nguso niya. “Well, day off mo naman, e. You can do whatever you want. Enjoy your date.” “D-date?” tanong niya at bigla pang pinamulahan ng pisngi. “Hoy! Bakit ka nagba-blushed? Seriously, kinikilig ka kay bakla?” Tanong ko habang tumatawa. “May gusto ka kay Gella? Hoy, I would like to remind you Ella. Lalaki din ang type 'non!” “Hindi, a!” “Anong hindi? Hindi lalaki ang gusto niya?” “Hindi ate! I mean, hindi ko siya gusto. Wag ka ngang issue, ate!” niya habang lalo lang na namula. “Sus. Nag-deny pa siya. Akala ko ba dapat sa ganyan hinayaan na mag-grow? Sabi mo let the love begin, diba?” Pang-aasar ko sa kanya. ‘Loko ka. Edi bumalik din sayo yung sinabi mo sa akin.’ “A-ate naman, e! Linya ko 'yan, e!” reklamo niya kaya natawa ako nang malakas. Halos magkulay kamatis na kasi ang buo niyang mukha. “Si ate, niloloko ako!” “Hey, seriously. There's nothing wrong okay? Ano naman kung gusto mo siya. You're both in the right age.” “You think so? But he's gay…” “Ella, my dear. Sa panahon ngayon, that doesnt matter. 21st century na.” Paliwanag ko. “But still, don't rush yourselves. Don't take everything seriously. Don't do stupid things. Take care and enjoy your date.” Dagdag ko pa habang inaayos ang buhok niya. Nakangiti naman siyang tumango bago bigla na lang yumakap sa akin. “Thank you, ate.” bulong niya kaya napangiti ako. I hugged her back sakto naman na tumunog yung microwave. “Go get the food,” utos ko bago kumuha ng mga plates at utensils. We were talking random things habang kumakain ng niluto ni Tita Gina. I must say, masarap naman talaga siyang magluto. Actually, pamilyar sa akin ang lasa ng mga pagkain na inihahanin niya sa amin… It tastes like my mom's cooking. “Ate, okay ka lang?” tanong niya kaya tumango ako. “So, 'yon nga sa likod ng bahay namin nakalagay yung lumang bangka ng tatay. Butas na kasi kaya ginawa na lang namin tambayan,” pagpapatuloy niya sa kwento niya. “Gusto mo bang pumasyal sa inyo?” tanong ko. “Let's say, for about one week?” “Po?” tanong niya. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat. “I was asking, if gusto mo na pumasyal sa parents mo. Almost one year mo na silang hindi nakikita, diba?” “P-papayagan nyo po ako?” excited niyang tanong. Mabilis akong tumango. “Pero syempre dapat kasama ako. Saka sila Ate Joanne mo. Oh, isama na din natin si Gella para mas masaya,” sagot ko naman. “Sabi mo may beach sa inyo, diba?” “Yes, ate! Ang ganda ng beach sa amin. Sulit na sulit ang punta natin kapag nagkataon!” Excited niyang sigaw. “Sige, i-set natin 'yan. Pero syempre, kailangan matapos na muna natin yung mga project natin para sa anniversary ng VSC, ha?” “Hala ate! Salamat! Ang bait mo talaga!” aniya at tumayo pa para lapitan ako at yakapin. “Ang ingay niyo naman!” Nagkatinginan kami ni Ella nang dahil sa bigla na lang sumulpot si Lycka sa harapan namin. Nakapameywang siya at taas-kilay pa na nakatingin sa amin. “S-sorry po,” ani Ella at yumuko pa bago nahihiyang bumalik sa upuan niya. “Hey, you don't need to apologize,” sagot ko kay Ella. “This is my house too. Mag-iingay ako kung kailan ko gusto.” Tinaasan ko ng kilay si Lycka at inismiran pa siya bago muling harapin si Ella. “Kumain ka nang kumain. Don't mind this b***h,” dagdag ko pa. “Mas b***h ka,” bulong ni Lycka bago nagmartsa paalis. “I know,” sagot ko pa. Akala niya magpapatalo ako sa kanya? ‘In her dreams!’ “Ate, hayaan mo na. Maingay naman talaga ako kanina, e.” bulong sa akin ni Ella. “Pero teka, saan nga pala ang punta mo mamaya?” pag-iiba niya ng usapan kaya nagpakawala ako nang malalim na buntong-hininga. “I'm not sure either,” sagot ko. “Depende pa kay James.” “Asus, ikaw pala itong may date,” aniya. “I won't deny it. Sabi kasi ni James, date daw talaga 'yon,” sagot ko. “I need to pay some depths to him.” “Pero ate, lately mo lang din siya nakilala, diba?” tanong niya kaya tumango ako. “Iba din yung closeness niyo, e. Kahit madalas kayong magbangayan, a?” “You think so? Nagseselos nga si Lorenz, e. Parang tanga,” bulong ko at naalala ko naman ang naging usapan naming magkapatid. “Baka naman miss ka lang ni Sir Renz,” aniya kaya matipid na lang akong ngumiti. “Speaking of, naibalik na ba yung phone mo?” Pag-iiba ko sa usapan. Tahimik siyang umiling bilang sagot. “Akong bahala. Kukunin natin mamaya. May kalawang kasi utak ng gunggong na 'yon, e.” biro ko pa na matipid niyang tinawanan. “Bilisan mo na sa pagkain. Para makapanhik na tayo,” bilin ko pa. Ngayon ako dinadalaw ng antok. Kailangan kong samantalahin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD